***

Alicia's POV

"ILABAS NIYO SAKIN YANG HAYUP NA STANLEY DE VERA NA YAN!! TARANTADONG YON!" sigaw ko dun sa bartender sa bar ni Stanley.

"Tita ano ba kayo! Nakakahiya oh. Pinagtitinginan na tayo eh." awat sa akin ni Sheila.

"HINDI!! AYOKONG GINAGANYAN YANG KAIBIGAN MO SHE!" sigaw ko kay Sheila. Naiinis ako eh! Alam kong ganun yung batang yun pero kilala ko si Jackie. Nasasaktan na siya pero tinatago lang niya dahil isa siyang masayin at matapang na babae. Kahit na lagi kong binabato yun ng kung anu-ano at marami kaming kabaliwang mag-ina ay mahal ko yun.

"Anong kaguluhan 'to?" napahinto ako sa pagsisigaw at pagwawala pagkarinig sa pamilyar na boses na iyon. Oem!! My ex boyfriend!! Ilang dekada o taon na ba nung huli kaming nagkita. 20 or 25 years ago?!! Nakakaloka. Napaharap ako dun sa lalaking nasa likod namin. Siya nga!! Halatang nagulat din siya pagkakita sa akin. Abe naman! Pagkatapos kong mag flylalu sa United Kingdom ay hindi ko na siya muling nakita pa.

"A-Alicia?!!"

"S-Sander?!!" sabay pa naming sabi. Alam ko ang lantod ko ngayon kung sasabihin kong AWKWARD!! Haler! Ex ko yan e! First love ko yan! Nakakaloka. Ang tanda ko na parang umarteng bitter. Oh goodness! Ang gwapo pa din niya!!

"Long time no see ah." sabi niya at ngumiti. Tangnang killer smile na yan! Diyana ko nainlove ng bongga 25 years ago!!

"Hinahanap ko kasi si Stanley de Vera. Yung magaling na asawa ng anak ko." sabi ko sa kanya. Ayos 'tong pormahan ni Sander ha? Marami na atang datung! Sayang naman. Huhu. Nauwi pa ko sa tanso. Tsk. Dun pa ko sa walanghiyang ama ni Jackie napunta. Amp.

"Anak? Anak mo si Jackie?!!" gulat niyang tanong sa akin.

"Oh?!! Pano mo nakilala yung anak ko?!! Kasing ganda ko no? Like mother like daughter e." sabi ko na lang sa kanya. Haha.

"Papa ako ni Stanley. Hehe." natatawa niyang sabi. Nanlaki naman yung mga mata ko. ANO?!! YUNG MGA ANAK NAMIN NAGKAPANGASAWAHAN?!! Agad ko siyang hinawakan sa kwelyo.

"ANO?!! ANAK MO YUNG GAGONG STANLEY NA YON?!! OO NGA NO!! DE VERA?!! BAKIT HINDI KO NAISIP YUN!! PUTANGINA AH." natatawa niyang hinawakan yung kamay ko.

"Hindi ka pa din talaga nagbabago Alicia. Alam ko na kung kanino nagmana si Jackie. Hahaha." natatawa pa din niyang sabi. Nakakaloka talaga!! Kaya pala kasing gwapo ni Stan si Sander. Ay buhay!! Pero di nga sila ni Jackie?!! Faints!!

"Gusto mong mag coffee?" ngumiti lang ako ng kumindat si Sander. Hindi pa din talaga nagbabago.

"Sure. Sheila mauna ka na ha? Gogorabels lang kami ng balae ko."

"Tita?" iniwan ko na lang nganga dun si Sheila at sumama na kay Sander.

Mission: MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG. BWAHAHAHA!

***

Nakaupo lang kami dito sa buhangin habang pinagmamasdan yung alon ng dagat. Wala naman ng masyadong tao dito sa baybayin dahil palalim na din ang gabi. Pumikit na lang ako at ninamnam yung sariwang hangin. Hay. Ang sarap sa pakiramdam. Matagal ko ng pinangarap yung ganito.

"Hay grabe. Ang sarap ng hangin. 24 years akong walang pahinga sa kahirapan ng buhay. Ngayon lang talaga ko nakapag pahinga ng ganito." humiga ako sa buhangin at tinignan yung mga stars.

"Hmm. Kaya nararapat lang sayo yung bakasyon na'to." tumango langa ko. 

"Stan. Hindi ako yung babaeng iniisip mo. I'm so sorry. Ahmm. I hate to say this pero nagselos lang ako." argh!! Ang hirap namang umamin!! Nakita kong napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Oh anong nginingiti ngiti mo diyan?!! Lumubay ka nga!" shems! Nagbablush ata ako! Buti na lang medyo madilim dito sa gawi namin.

"Sorry din sa mga nasabi ko. And naiinis din akong sabihin 'to. Nagselos din ako." nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Totoo?!! Weh? Hindi nga kasi?!! It means? Nagulat na langa ko ng pumatong siya sa akin at hinawi yung ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"SO?!!" hindi naman halatang excited ako no?!! Hahaha.

"SO? I LOVE YOU." nganga ako.

"WEH?!! DI NGA KASI?!! STANLEY NAMAN EH!!" binatukan niya ko kaya naman napasimangot na lang ako.

"OO nga kasi! Ang kulit naman e. Hahaha. Narealize ko lang nung umalis ako. Kulang yung araw ko pag hindi mo ko minumura. Parang hindi ko kayang mabuhay ng wala ka at hindi nagmumura. Hay." binatukan ko naman siya this time.

"Jackie naalala mo yung last shot sa 13 Hell Shots?" he grinned.

"Sex on the beach?" sagot ko naman sa kanya. Natawa ko ng binigyan niya ko ng makahulughang tingin.

"Namiss kita. Haha. Little cussing machine." then we kissed passionately and you know na. Ahihihi.


to be continued..


Late Update. Night Shift duty ko ngayon sa hospital. If may libreng oras tinutulog ko na lang. Thanks. 6 chaps to go. Ano ang twist?

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsWhere stories live. Discover now