Chapter 19

66.8K 1K 130
                                    

Chapter 19

"Pakihanda nga yung guestroom." sabi ko kay manang.

"Ay nabigyan na po ng silid ni Sir si Ma'am Bea." magalang na sabi ni manang at sinamaan ko lang ng tingin. Minsan na nga lang ako maging kontrabida napapahiya pa ko.

"Darating kasi yung bestfriend ko. Leche." at binilisan ko na ang paglalakad ko papunta sa silid namin ni Stanley. Pagkarating sa silid ay mabilis kong ini-lock ang pinto at ibinalibag lahat sa kama yung mga pinamili ko kanina sa mall.

"Anak naman ng putsa oh!" huminga ako ng malalim at nahiga sa kama. Ayos lang sa akin na magkita sila o maglandian basta ba hindi ko nakikita ko pero putangina lang eh! Bastusan na'to?!! Napabalikwas ako ng upo sa kama at ginulo ang buhok ko.

"Hindi ako papayag! Ako lang ang diyosa ng pamamahay na'to! Ako lang ang dapat na Mrs. de Vera! Edi mahahati yung yaman na para lang dapat sakin?!! Hindi pwedeeee!" agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Patricia.

"HOY PATRICK! I NEED YOUR HELP! Punta ka dito sa Mansion ko. Magdala ka ng maraming damit. Dito ka titira! Babu!" hindi ko na siya hinayaan pang maka-angal at ibinagsak ko na yung cellphone at dumukot ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Mabilis kong hinitit buga ito hanggang sa nasamid ako at mapaubo. Ah peste! Badtrip.

Hinubad ko na agad ang damit ko at nagpunta na sa banyo para mag-shower at marelax na din sa init ng tubig na dumadaloy sa katawan ko. Minsan na lang magmamahal ang pusong tanga hindi ako maaaring biguin ng putangina aba. Pagkatapos maligo ay nagpalit na ko ng isang black negligee at silk robe. Wala akong pake kung magpalakad-lakad pa ko dito sa mansion na ganito lang ang suot.

Ilang saglit pa ay kinatok na ako ng katulong para ipaalam na dumating na si Patricia, tinanguan ko lang yung katulong at sumabay na din sa pagbaba nito sa hagdan. Nasan naman kaya si Stanley at Bea ng lagay na'to?!! Mga hayup sila. Pag sila namuro sakin pasensyahan na lang talaga. Pag ako talaga nainis sa kanina nagigingkontrabida ako.

"Bakla! Anyare?!! OMG. Bongga naman pala life mo here! Bet ko 'to!" maarteng sabi ni Patricia habang tinitignan ang mga kasangkapan dito sa sala. Kaloka! Siyempre, nasa giyera ako ngayon kailangan ko ng kakampi na kasing maldita ko.

"Tara nga dito!" hinila ko siya paakyat sa guestroom at itinulak sa kama. Nataranta naman ang loka at agad na tinakpan ang katawan niya.

"Hoy Jackie! Mahiya ka nga sa boobs ko! Hindi tayo talo! Matagal ko ng kinalimutan ang masalimuot kong nakaraan. Nandidiri ako pag naaalala kong nagka jowa ako ever in my lifeeee! Kalurks!" napatakip ako sa tenga ko. Assumerang bading naman.

"Tse! In your face. Mas lalo ako no! Ayoko ng maalala na naging err boyfriend kita dati! Malandi." sabi ko at tumabi sa kanya sa kama.

"Anetch ba kasing ginagawa ko here ha? Infairness! Bet ko! Dito na lang beauty ko forevah and evah!" inirapan ko na lang siya ng pumose siya na parang FHM sa malambot na quuen-sized bed.

"Kasi naman bakla may problema aketch! Meron isang mahaderang epal na babae ang pasimpleng lumalandi dito sa papabols ko. You know naman da who itech na papa diba?" maarteng naupo si Patricia at mukang nagalit.

"Sinetch itech na girlalu?!! Yung echuserang girlalu na na-sight natin sa bar before?!!" tumango lang ako at humalukipkip.

"Ay! ehuserang froglet pala ang bruhilda! Santa Santita pala ang peg!"

"Trulalu! Ano ng gagawin ko?!! Ang kayamanan ko! Pano na?!!" tumingin sa akin si Pat na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Trulalu bang kayamanan lang iniisip? Mukang inlove ka na teh. Aminin mo!" tumango lang ako at yumuko. Agad naman niya akong hinawakan sa balikat at niyugyog.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon