"Siyangapala, maghapon na tayong magkasma pero... di ko pa alam yung name mo..." sabi niya sabay kamot sa batok niya na parang nahihiya. How cute...


Oo nga pala. Pati pangalan ko nakalimutan ko ng sabihin sa kanya.


"Amethyst. Amethyst Tuazon." I said smiling.


"Tuazon?" nagtatakang tanong niya.


"Yup. Bakit?"


"Are you related to the owner of Tuazon Food Corporation?" gulat na tanong niya.


"Ah, yeah. He's my father. Pano mo nalaman?"


"Kaya pala you look familiar. Madalas kasi kitang nakikita na naka-feature sa mga business magazines. Ikaw daw kasi ang nag-iisang tagapagmana ng mga Tuazon..."

 

"Malamang nag-iisang anak lang naman ako e." sarcastic kong sabi sa kanya.


Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.


"Ikinagagalak ko ang makilala ka." sabi pa niya.


Ganyan ba talaga pag-artsita? Masyadong pormal.


"Ako din. Until now I still can't believe na heto at nasa harapan ko na ang nag-iisang Jace Clarkson. Akala ko hanggang pangarap na lang ang makita ka sa malapitan at makausap ka. " sabi ko. "O siya sige. I really have to go. Naghihintay na kasi yung driver ko. " paalam ko.


Buti na lang at sinundo ako ng driver namin. 


"Take care Amethyst." pahabol niya.


Nag-smile lang ako sa kanya.


AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER. hahaha charot! 


While I'm on my way to home, naka-receive ako ng text message.


From: Jace Clarkson <3

Thanks sa time. Nag-enjoy akong kasama ka.


Siyempre kinilig ako dun.


To: Jace Clarkson <3

Ako din :)

Napangiti ako ng wala sa oras. Haaaay... Ito na talaga siguro ang katuparan ng mga pangarap ko. Hahaha. Alam kong naiintindihan niyo ko. High school pa lang ako, super crush ko na talaga si Jace. Artista na siya nun. Grabe talaga yung pagkabaliw ko sa kanya. Puro mga posters at pictures niya yung room ko noon. Pinagtatawanan na nga lang ak nla Daddy kasi kulang na lang daw pati yung CR sa room ko e lagyan ko din ng pictures niya. Palagi akong uma-attend ng mga concerts at mall tours niya. Palagi ding VIP seats ang kinukuha ko pero palagi pa rin akong bigo na makausap siya at masabi ko kung gano ako kabaliw sa kanya dahil sa dami na din ng humahabol sa kanya. Super duper crush na crush ko talaga siya to the point na binasted ko lahat ng nanliligaw sa akin dahil sa pag-asang magiging kami in the future.  Palagi kong sinasabi na Nothing's impossible at darating din yung araw na makakausap ko siya ng harapan. AND THIS IS THE DAY!! kaya hindi ako makapaniwala na siya pa mismo ang nagyaya sa akin lumabas kami paminsan minsan. Haba ng hair ko diba? kaya nga for sure kakainin ni Trish lahat ng sinabi niya na hanggang pangarap na lang ako kay Kent. Iinggitin ko talaga yun bukas HAHAHA.


Habang bumabyahe pauwi, tiningnan ko yung mga pictures naming dalawa ni Jace kanina. Grabe! Bagay talaga kami... (^_____^)V


Ia-uppload ko talaga to sa Instagram ko, twitter at Facebook. 



Akala nila sila lang may picture kay Jace? Pwes ako, bukod sa picture, magde-DATE pa kami! HAHAHA bleh! 


******

A/N: Sorry guys medyo maiksi yung chapter na to! ^___^

My Naughty Bratinella (Completed)Where stories live. Discover now