C O N F E S S I O N

10 0 0
                                    

Nandito ako sa field ngayon tamang nood lang ng soccer hays, Bukas na ang valentines at ilang buwan nalang din at mag babakasyon na hindi kona naman siya makikita

"Hoy Layla sino nanaman bang tinitingnan mo diyan?" binigyan kolang ng konting tingin si ruby at nag patuloy nako pag masdan ang ilang taon kona ding crush

"Aysus, kilala kona. Si clint naman lagi eh, Kelan kaba kasi aamin diyan sa crush mong yan?" dagdag wika pa niya, ang daldal talaga nitong babaeng ito

"Ayaw ko nga kasing umamin ka--"

"Kasi siya ang gusto mong lumapit sayo" pinutol niya ang sinabi ko "Abay walang mangyayare layla kung ikaw ang mag hihintay, ni hindi ka nga matingnan niyang si clint eh lapitan pa kaya?" dagdag pa nito

"Kaibigan ba talaga kita? Bakit ang bastos ng bunganga mo?" inis pero pabiro kong wika

"Sinasabi kolang naman yung totoo, Ilang buwan nalang at lilipat na tayo ng kanya kanyang paaralan ikaw din baka pag sisihan mo" naintindihan ko naman ang pinupunto niya

"Pero paano nga kasi kung umamin ako tapos hindi naman niya ako pansinin? Mapapahiya lang ako"

"Eh paano naman kung hindi? Tsaka okay lang kung mapapahiya ka remembrance mona dito sa school" humagalpak lang siya ng tawa matapos niyang sabihin yon

"Bahala kana nga diyan" tumayo nako at pinulot ang bag ko sa damuhan ngunit biglang may gumulong na bola dito nag angat ako ng tingin at nakita ko siyang papalapit

"C-Clint?" fvck!

"Miss kunin kolang sana yung bola?" pinulot ko ang bola at binigay sa kanya

"Salamat" ngumiti lang siya at umalis na, pinanood kolang siya hanggang sa nag laro na siya ulit

"Ghaaaaaaaad! Ruby nakita moyon?!! Nilapitan niya akooo!!"
kinikilig kong saad

"So aamin kana?"

"Ewan, Hindi niya ako kilala rubs, Miss tawag niya sakin eh" nalungkot ako bigla sabagay paano nga ba niya ako makikilala eh hindi naman kami naging classmate since first year, Hindi talaga kami siguro tinadhana.

"Edi mag pakilala ka, Bukas na ang valentines umamin kana sa kanya tutal may event naman tayo non diba?" napaisip ako sa sinabi ni ruby, sige wala namang mawawala eh dignidad kolang.

K I N A B U K A S A N

Medyo inaantok pa ako ngayon dahil napuyat ako sa ginawa kong confession letter kay clint pero dahil sa excitement kong nadarama ay bumangon na ako at naligo matapos ay nag ayos nako ng sarili ko, Oo na hindi lang basta ayos, Nag paganda ako okay na? Nilugay ko ang mahaba na medyo kulot kong buhok sinuklay ko ito nag liptint ako na diko naman talaga usually ginagawa pag kelangan lang sa school, Pero ngayon excuse muna kasi kelangan ko sa kalandian ko. Nag pulbos nalang ako dahil hindi naman ako marunong gumamit ng iba pang kolorete sa muka. I prefer to wear black jeans and gray long sleeve and gray shoes. i spray some perfume before i went out to my room.

Sinuot kona ang bag ko nag kiss at nag paalam nako sa parents ko "Alis napo ako" sumagot lang silang mag ingat ako, Sana kayanin ko.

Pag pasok ko ng gate ay may ilang studyante din ang napatingin sa akin dahil siguro ngayon lang ako nag ayos ng ganto, Sana si clint din pag nakita niya ako ay tumigil siya pag lalakad at titigan na niya lang ako. Okay libre ang mangarap. Nag patuloy na ako sa pag lalakad ko, Bakit kaya wala pa si ruby?

Tumingin lang ako sa ilang booth na nandidito, Wedding booth may nakikita agad akong ikinakasal nakakatuwang isipin kung ikakasal kami ni clint diyan, Jail booth may nakakulong na isang babae at lalaki palagay ko'y may gusto ang isa sa kanila, gusto kong makulong kami diyan ni clint at aamin ako ng nararamdaman ko sa kanya, Photobooth mahaba ang pila na gustong mag pakuha ng litrato ang iba ay mag kakaibigan at ang iba naman ay mag kakasintahan, Naiisip kong mag pakuha kami ni clint diyan. Hays hanggang sa isip kona lang ba talaga clint yung scenery na kasama kita?

ONE SHOT COLLECTIONWhere stories live. Discover now