"May sariling apartment si Jimbo na malapit lang sa University. Ilang beses na akong nakakapunta roon at may elevator din doon," sabi pa ni Liam.

"Okay so what's the plan?" tanong pa ni Scotty, kunot-noo.

Tumayo ako mula sa kinauupuan. "We protect Jimbo."

"No. We can do something better." Umiling si Liam kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. "We catch whoever is doing this to us."

"A trap..." Bulong ko sa aking sarili.

****


Liam was right. We already had the upper hand considering we knew who the target was and the possible location. We were one step ahead so we decided to make a use of it in a form of a trap.

"Are you really sure about this Liam?"  Tanong kong muli nang nasa loob na kami ng sasakyan patungo sa apartment ni Jimbo. Nasa backseat kami ni Liam habang nasa harapan naman si Trick katabi si Scotty na siyang nagmamaneho. 

Tumango si Liam, halatang kabado. "Everyone thinks I'm a murderer, Savi. I have to do whatever it takes to get to the bottom of this and clear my name."

"Okay." Bumuntong-hininga na lamang ako. "Just keep your head down." Paalala ko na lang para walang ibang makakita sa kanya.

"Sigurado ka bang may kakilala ka doon, Sav?" tanong naman ni Scotty at sumulyap sa akin mula sa rearview mirror.

Tumango ako. "Oo. Hindi iyon lumiliban sa trabaho. Tiyak matutulungan niya tayo ngayon."

Mabuti na lang at walang guwardyang nagbabantay sa entrance. Mabilis kaming nakaakyat patungo sa 5th floor kung saan naroroon ang sariling kwarto ni Jimbo.

"You sure Jimbo's here?" tanong ko kay Scotty.

"Sabi niya nasa apartment daw siya at nagsi-siesta. Nagalit pa nga sa akin kasi distorbo daw ako sa tulog niya." Nakabusangot naman nitong paniniguro.

"He's here alright." Tumango-tango naman si Liam habang malapit ang tenga sa pinto. "I can hear music from the inside."

Kumatok si Trick sa pinto. Ilang sandali rin itong paulit-ulit na kumatok hanggang sa pinagbuksan kami ni Jimbo na halatang galing lang sa pagtulog base sa magulo nitong buhok at namumula pang mga mata. Ngunit agad nawala ang antok sa kanyang mga mata nang makita si Liam.

"What the--" Hindi na nagawang makasigaw pa ni Jimbo nang mabilis na umigkas ang kamao ni Trick patungo sa kanyang mukha. Natutop ko ang bibig sa gulat nang mabilis na bumulagta si Jimbo sa sahig.

"Damn! That's one good punch! Thank God we're in the same side!" Komento ni Liam kahit pa may blackeye din naman ito mula kay Trick.

Napahawak naman si Scotty sa kanyang panga na para bang siya ang nasaktan sa ginawa ni Trick.


****


"Do it!"

"No don't do it!"

"He has to try!"

"Eh paano kung masaktan niya si Jimbo?!"


Panay ang pagtatalo namin ni Liam habang nakatayo malapit sa walang malay na si Jimbo na nakahiga sa sofa. Katabi naman namin si Scotty na halatang litong-lito na dahil sa amin.

Napabuntong-hininga ako at muling tinaliman ng tingin si Liam dahil masyado itong padalos-dalos sa gustong ipagawa. "Liam, Scotty can practice his abilities in a better situation! He doesn't even have control over the roots!"

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now