OLE! OLE! OLE!

2 0 0
                                    

Hi, I'm Alexa, 19 years old nag-aaral sa Archangel Hospital College, I took the course of MedTech.


So, my story starts sa school namin, our school is well-known kasi ito yung one of the best school dito sa amin when its related to medicines. Karamihan sa mga nakapagtapos dito ay nakahanap agad ng magandang hospital na pagtatrabahoan. Kilala din ang school namin as one of the most haunted school kasi dito daw marami ang namamatay, malamang, hospital to.


I'm currently a second year student, Night shift yung schedule ko from 1-9pm, fully loaded talaga. Sabi nila, kapag gabi daw may mga mag-aaral daw na nagpaparamdam dito, karamihan sa kanila ay yung mga nagpakamatay dahil sa depression at siguro dahil di nakapasa. Pero may isang dating studyante dito na nagpakamatay 3 years ago, si Jasmine.


Si Jasmine ay isang Nursing student, 4th year college na sana sya, gagraduate na nga sana sya pero sya ay nagpakamatay. Sayang. Si Jasmine ay isang sikat na studyante sa paaralang ito, dahil sya ay maganda, magaling kumanta, scholar nga sya dahil sa napakagaling nyang kumanta, sya ang pambato ng school namin pagdating sa kantahan, minsan nananalo minsan din talo. Pero may isang insidente na kinagulat ng lahat, tinanggalan si Jasmine sa kanyang scholarship dahil natalo sya sa inter-school competition namin, sobrang napahiya ang paaralan namin dahil pumiyok si Jasmine habang kumakanta sya.


Dahil sa pagkawalan nya ng scholarship nahirapan syang bayaran lahat ng mga gastusin sa paaralan, medyo mahal din kasi ang paaralan na 'to. At sumunod na ang kamalasan sa buhay ni Jasmine, naoperahan sya sa kanyang esophagus kasi nahihirapan na syang mag salita, lage na syang paos at may gasgas na ang kanyang lalamunan. simula nun di na sya kumakanta. And there she ended her life dahil sa depression.


fast forward, sa ngayon na nag-aaral na ako dito. Di po talaga ako naniniwala sa multo kasi I always think that they are just part of our creative imagination, hallucination. I don't believe in ghost until one day I encountered one. 


It was 6pm, Biology class namin, si sir Jonathan yung prof namin, bagohan pa lang sya dito. During our class, si sir Jonathan lage syang nakatingin sa may pintuan as if may hinihintay, habang kami ay nagquiz. Ako ang pinaka-unang natapos sa quiz namin, minamadali ko talaga yung pag sagot kasi ihing-ihi na ako, halos puputok na yung pantog ko. I asked my friend, Joan na sabayan nya ako sa cr kasi ihing-ihi na talaga ako.


"psst" I tapped Joan's back "sabayan mo akong mag cr bes, ihing-ihi na talaga ako, kanina pato." I pleaded. "di pa ako tapos! tiisin mo muna, 10 items nalang kulang ko." she replied. So I waited for 5 more minutes. "ano na? tapos kana?" I asked her again, she just shook her head "ano ba 'yan!" I exclaimed.


At dahil ihing-ihi na talaga ako, di na ako nakapaghintay. "Sir, pwede po bang mag cr muna ako? ihing-ihi na po talaga ako sir" I requested. "Sure, go!". Bago ako umalis ng room "Dalhin mo headset mo Alexa" sabi ni sir "sir?" napatanong kong sabi. I just laughed, di ko kasi alam ano ibig sabihin ni sir dun sa sinabi nya. 


So, I left the room, tumakbo ako papuntang cr kasi nasa 3rd floor kami tapos nasa baba yung cr namin. May nakita akong mga studyante na paalis na ng campus, parang sa institute namin, kami nalang ang nagklase pa. So yung ibang room sarado na, nakapatay na yung ilaw. Di ko to first time na umihi mag-isa di naman kasi talaga ako natatakot mag-isa.


Habang nasa cr ako, nakabukas yung ilaw, usually kasi nagpapatay-sindi yung ilaw, so na amaze ako kasi finally inayos na nila yung ilaw. Yung cr namin may apat na cubicle, I took the one na nasa gitna kasi yun yung malinis at may tubig. Habang umiihi ako may napansin akong pumasok, I feel calmed, finally di ako nag-iisa sa cr. Napansin kong sa tabing cubicle sya umihi, tapos kumakanta pa sya.


"Ganda ng boses ha?" I said, she chuckled. Patuloy parin sya sa pagkanta, di ko maintindihan ano yung kinakanta nya pero yung lyrics napapansin ko na paulit-ulit lang. Una, mahina pa yung boses nya, habang tumatagal lumalakas at lumakas na yung boses nya. Di ko nalang pinansin yun kasi baka sa echo lang yun kaya malakas, maganda din mana kasi ang echo sa cr. Patuloy parin ako sa pag-ihi, until sa lumakas na talaga yung boses nya.


"OLE! OLE! OLE! OLE! OLE!" pasigaw na nyang kanta habang inu-ulit nya lang yung lyrics. Hanggang sa napansin ko na parang may galit na yung boses nya

"OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE!"


kinakabahan na ako, tumayo na yung balhibo ko, dali dali kong binuhosan yung toilet sabay tingin sa ilalim, tiningnan ko kung ano ginagawa nya, pero ni sapatos wala ako nakita pero patuloy parin yung pagkanta nya, I look both sides pero wala talaga. Nangangatog na yung tuhod ko sa kaba.


"OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE!" Ang lakas na ng sigaw nya nakakabingi, I tried to remain calm pero deep inside kinakabahan na talaga ako, when I flushed the toilet dali-dali akong tumakbo papuntang room namin, 3rd floor yun. Nung naka-alis na ako sa cr at nasa hagdan na ako, nagpahinga muna ako, naglakad nalang muna ako, I try to catch my breath, and when I'm about to step sa unang ang-ang ng hagdan, I heard her sing again.


"OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE! OLE!"


I immediately ran as if hinahabol ako ng killer, pero patuloy parin na kumakanta yung babae, nasa 2nd floor na ako pero patuloy parin yung pagkanta nya. I continue running, hanggang sa nakarating na ako sa 3rd floor. And it stopped when I'm almost in our room. I opened the door, hinihingal, namumutla and gulat na gulat yung mga kaklase ko "sabing magdala ka ng headset eh, di ka kasi nakinig" sabi ni sir Jonathan. 


"Si Jasmine yun" sabi ni sir habang pinapainom nya ako ng tubig "OLE! OLE! yung kinanta nya?" he continued "narinig nyo sir?" I asked "hindi! alam mo ba ang ibig sabihin ng OLE OLE?" "hi..hindi po.." pahingal kong sabi "Ibig sabihin nun, Look Up. It's a greek word, ginagamit yun ng mga tao kapag malungkot sila." he said "Jasmine was one of my student sa Psychology, and nakita ko sya the moment na nagpakamatay sya" he continued "nag suicide sya, binitay nya yung sarili nya pero nakaluhod sya at nakatingin sa taas. Di parin makapaniwala kung paano nya nagawa yun pero siguro dahil sa depression at disappointment na nararamdaman nya." He handed me his towel to wiped my sweat.


After that encounter lage na akong nagdadala ng headset kapag nag ccr at marami naring mga estudyante ang nakakita kay Jasmine, and they say she was smiling, odd but they say it's true.

And there my story ends.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

URBAN BLOODY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon