I. Red String

1.8K 63 25
                                        

Author's Note: Hi. Please be patient on my attempt to make it back to writing. Hehehehez.

~

"Victonara, Animo Night ngayon! Wag ka namang KJ jan!" Binato ako ni Mika ng sapatos niya dahilan para mapabangon ako sa kama.

"Yeye! Alam mo naman na hindi talaga ako mahilig sa mga ganyang party." Ibinato ko pabalik sa kanya yung sapatos niya at saka nahiga ulit.

"Ye, pabayaan mo na, kung ayaw tayo kasama, ayaw tayo kasama." Singit naman ni Kim dun sa gilid na nagsusuot ng belt niya.

Ako naman ngayon yung nagbato ng unan sa kanya, "Ang drama mo! Gusto ko kayo kasama, okay? Alam niyo namang di ako mahilig sa mga party party na ganyan."

"Pero nung first year tayo, sumama ka!" Pagpalag pa ni Mika. "Nung first year yun!" Sagot ko, "Mga panahon na pinakikisamahan ko pa kayo!"

Mabilis naman akong tinalunan ni Kim at dinaganan, "Ah ganon, Ara?! Labasan na ng kasamaan ng ugali?! Punyeta ka talaga!"

"Oo na nga! Oo na! Sasama na!" Agad namang tumayo si Kim at nakipag-apir kay Mika. "Bababa na kami ha! Intayin ka namin dun!"

Tumango na lang ako at lumabas na yung dalawa. Kumuha na lang ako ng simpleng green shirt, nagsuot ng pants at syempre, yung favorite naming Vans shoes ni Yeye. Ang totoo niyan, hindi naman talaga sa hindi ako mahilig sa parties. Nahihilo lang talaga ako kapag maraming tao. Ang dami ko rin kasing nakikita.

Bumaba na ako at sabay sabay na kaming naglakad ng Spikers papunta sa Henry Sy Hall. Di pa nga kami nangangalahati sa paglalakad, sumulpot na kaagad tong si Jeron Teng at tumabi kay Yeye. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako tititig, pero ayan nanaman. Napatitig nanaman ako sa red string ni Yeye at Jeron. Nung naghawak na sila ng kamay, nawala rin yung red string.

Napalingon naman ako nung may marinig akong sumisigaw, "Huy Jeron! Kahit talaga sino iiwan mo makasabay lang si Ate Mika!" Natawa naman ako nang patakbong binangga ni Jollo si Jeron dahilan para maghiwalay yung kamay nila ni Yeye. Ayun nanaman yung red string nila, pumapagitan sa kanila pero siguradong sila ang para sa isa't isa.

"Hala! Si Ate Ara naiinggit!" Pang-aasar nanaman ni Jollo sakin. "Muka mo, Jollo!" Sagot ko sa kanya. Tinabihan niya naman ako at inakbayan, "Pabayaan mo na sila Ate Ara, mahahanap din natin ang para sa atin." Napatingin naman ako sa pinky finger ni Jollo, wala lang, chineck ko lang kung kamusta yung red string niya. Nakita kong mahaba yung nakakabit sa pinky finger niya at di ko pa makita yung dulo.

"Nako, Jollo, malayo pa yung sa'yo." Simple kong sagot sa kanya. "Mukang di mo pa nga nakikilala e." Dagdag komentaryo ko pa. Hindi pa kasi totally pula yung string niya, parang mukang faded pa.

Nanlaki naman ang chinito niyang mga mata, "Oh, tama na Ate Ara. Di mo kailangan idiin na wala akong lovelife!" Nagtawanan naman yung Spikers at nakipag-asaran kay Jollo.

Ayan yung masakit sa mata e. Kapag ang lilikot nilang lahat tapos parang nagbubuhol buhol ung mga mapupula at faded na strings nila. Juice ko, Lord, naman kasi! Bakit kasi sakin pa naibigay tong ability na 'to?


Pagdating namin sa venue, umupo na kaagad ako. As usual, hindi naman ako sumasali sa mga presentations at lalong di ako umaakyat ng stage. Tamang tambay lang ako at observe sa paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What IfWhere stories live. Discover now