PROLOGUE

36 1 0
                                        

Nakaupo si Annie sa tabi ng bintana habang iniinom ang mainit niyang kape. Alas 7 na ng gabi at ang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Nakatingin siya sa mga taong nagmamadali dahil nababasa na dahil sa malakas na ulan.

Napabuntong hininga nalang siya dahil malapit na ang araw na kailangan niyang i submit ang research paper niyang hindi pa natatapos. Wala siyang ganang gawin ito kaya ngayon ay binabasa niya ang mga nakasulat sa kanyang Diary noong high school pa siya.

" Gabi na! Itigil mo na yang pag eemot mo!" Napalingon si Annie sa kaibigang si Miemie na nakadapang nakahiga sa kama nila habang naglalarong ng Mobile Legend.

" Isusumbong talaga kita kay Tiyo danie, sinasayang mo lang pera mo kaka paload para mag laro ng ML." Hindi siya sinagot ng kaibigan na abala pa rin sa paglalaro.

" Bad trip talo na naman! Arghhh.." Inis na sabi ni Miemie.

Natatawa siyang tiningnan ni Annie. Inubos nito ang natitira niyang kape saka sinarado ang bintana ng maliit nilang boarding house.

Niligpit na din niya ang luma niyang Diary at inilagay ito sa maliit ng maleta.

"Tatapusin ko lahat ng exam bukas para makauwi ako sa sabado sa probinsya." Sabi ni Annie sabay higa sa tabi ng kaibigan niya.

" Sasabay ako sayo. Uuwi din ako" nakangiti sabi ni miemie.

Inihiga nito ang ulo niya sa tiyan ni Annie. Dahil sa inis nito sa pagkatalo ay hindi na siya nag laro at nag youtube nalang.

"Gosh! Sa susunod na linggo comeback na ng Dream Catchers." Kinikilig niyang sabi.

" Makikita ko na ulit si Shion " dagdag niyang sabi.

" Hindi naman mapapasayo!" Sagot ni Annie.

" Alam mo ikaw sistah Annie ang bitter mo! Akala mo naman hindi ka naging fan ng Dream Catchers dati" naka ngusong sabi ni Mie Mie sa kaibigan.

Hindi siya sinagot ni Annie at tahimik lang ito.

" Sistah Annie ilang taon na ang nakalipas. Hindi mo pa rin ba napapatawad ang sarili mo? Mag move on ka na! " napaupo si Mie Mie habang sinasabi ito sa kaibigan.

Naramdaman nalang ni Annie ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Pilit man niyang kalimutan ang mga nangyari apat na taon na ang nakakaraan ay hindi niya pa rin magawa.

Dahil sa nangyaring iyon ay pakiramdam niya wala na siyang karapatan pang sumaya.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

"Yeheyyy! Sa wakas natapos na rin ang exam at ang sem na to" tumatalon na wika ni Miemie habang hawak hawak ang dalawang baso na may kwekwek at hotdog.

Kakatapos lang nilang makalabas ng Unibersidad na kanilang pinapasukan para sa final examination nila.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Annie habang iniisip na isang sem nalang at Makaka graduate na sila. Ito ang pinaka matagal ng pinapangarap ni Annie upang makahanap na siya agad ng trabaho at ma aalalayan na ang kanyang Lolo Mino at Lola Doreng niya.

" Daan tayo sa palengke bibili lang ako ng pasalubong para kila lola" Aya ni Annie.

" Goes... Bibilhan ko rin si Tatay" Sagot ni Miemie habang nginunguya ang kwekwek na kanyang kinakain.

Kahit kaonti may naipon naman silang dalawa ni Miemie dahil pareho silang iskolar na isang programa ng kanilang Mayor sa lungsod. Bawat buwan din ay nabibigyan din sila ng allowance na tatlong kung kayat hanggang kaya pa ni Annie ay hindi na siya humihingi ng allowance sa kanyang Lolo at Lola.

" Anong plano mo Sistah kapag naka graduate na tayo? Alam Kong medyo malayo pa pero di ko maiwasang mag overthink kung anong gagawin ko pag nakatapos na ako" Napabuntong hiningang sabi ni Miemie.

Naglakaw sila ngayon sa napakalawak na daanan sa palengke. Maririnig mu ang iba ibang ingay, tulad ng mga nagbebenta na tumatawag ng mga dumaan, mga costumer na nakikipagtawaran at ibang mga batang naglalaro.

" Hindi ko Alam! Pero eh pagsumikapan nating makahanap ng trabaho marami naman dito sa lungsod." Sagot ni Annie, dahil kahit siya ay hindi sigurado sa bukas na naghihintay sa kanya.

" Ito pong bayad" Sabay abot ng pera sa tindera at kuha ng Isang balot na lumpia na paborito ng kanyang Lolo at Lola.

" Sabay pa rin tayo ha!" Nakangiting Sabi ni Miemie habang nakahawak sa balikat ni Annie.

" Hanggang sa trabaho ma iitress pa rin ako sayo, hayss"

" Ganun talaga! Bff na tayo till death do as part! Kahit magka asawa ka pa susunod pa rin ako sayo." Natatawang sagot ni Miemie napailing iling nalang ang kaibigan nito.

Nakatitig magandang tanawin si Annie habang nakasandal naman sa kanyang balikat so Miemie, nakasuot ito ng earphone nakikinig sa mga awitin ng paborito niyang Kpop group na Dream Catcher.

Nakasakay ang dalawa ngayon sa bus na patungo sa kanilang probinsiya, higit dalawang oras din ang byahe pauwi kung kayat nakatulog na si Miemie.

Si Annie naman ay nalilibang sa gandang taglay ng paligid na kanilang dinadaanan, iba pa rin talaga ang ganda ng probinsiya at iba rin ang taglay nito sa isip at puso na nagbibigay kalma at payapa na damdamim.

Shining Star (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon