"Chayo," tawag ni Manang Lupe na nakasunod pa rin sa akin, halos tumatakbo na dahil sa bilis ng lakad ko.

Sa likod niya ay sina Reynante at ang mga tauhan. Tumigil ako nang nasa hagdanan na at nakita ang paglapit ng aking sasakyan, dala ng isa pa ulit sa mga tauhan.

"Anong gagawin mo, hija?" tanong ulit ni Manang Lupe.

Nilingon ko si Manang at nginitian na lang. Pagkatapos ay binalingan sina Reynante. Bago ako tutulak, may mga tanong ako. All the calls I will make, I will make later, after this.

"Kukumpirmahin ko lang po sa bayan, Manag," sagot ko sabay tingin kay Reynante. "Si Leandro Castanier ba talaga?"

"Oo, Chayo. Siya ang nandoon. Hindi na namin nilapitan kahit utos ni Mr. del Real na paalisin siya. Hinintay ka muna naming umuwi bago gumawa ng kahit ano."

The del Real men have learned to assess things before doing what is asked. Ilang taon na rin akong tila naging lider para sa kanila at hindi na si Daddy. Lahat naman kasi ng inutos nito noon, na ginawa nila'y, halos pinagsisihan ng mga tauhan.

"Sa bayan ba talaga?" tanong ko. "Hindi sa bahay nila."

"Hindi, e. Ang sabi'y nabili niya ang puwesto sa tabi ng gas station. Sa may corner."

Inisip kong mabuti kung saan iyon at naalala ang isang medyo malaking establisyimentong may tatlong palapag. Grocery store iyon noon na pag-aari ng isang pamilya pero hinati-hati na dahil tumanda na ang mga anak.

"Tapos 'yong sa crossing," si Reynante ulit.

Kumunot ang noo ko. "Ilan ba ang nabili niya?" medyo nagulat na purong mga komersyal ang nabili.

"Dalawa lang naman ang alam namin, Chayo. 'Yong nasa crossing na ginagawang bahay noon ang tinutukoy ko."

"Ginagawang bahay? Last year pa 'yon, ah? Ibig sabihin last year pa niya nabili?"

"Oo. Ang commercial building 'yong bago."

Wait. Iyong bahay na tinutukoy ni Reynante na ginagawa ay isang magandang bahay na madalas kong sulyapan at purihin dahil moderno ang disenyo. May mga glass windows doon at ang kulay ay nasa dark brown, at white. May mga stones pa itong kulay gray na accent, hindi pa kasali ang mga salamin. Mabagal ang pagkakagawa pero consistent. Bakit nga ba hindi ako na curious kung sino ang nagpapagawa ng bahay na iyon? I just assumed that it's someone from the town who suddenly earned and finally put up a house!

"Paki tingnan nga at baka may ibang nabili pa? Pa0check na rin kung utang ba at baka may magawa ako..." sabi ko at iniisip.

Utang. Kapag inutang niya, may magagawa ako. Malaki ang impluwensiya namin sa mga bangkong narito at nasisiguro kong kaya kong pakiusapan. Puwedeng bayaran ko ng doble ang utang niya at paalisin siya. Puwede ring bilhin ang bahay at building ng doble. Kung ayaw niya, 'tsaka pa ako lalapit sa bangko at puwersahan nang makialam doon gaya ng pagpapaputol sa housing loan. It's probably illegal but for sure the lawyer can do something about it.

"Pa-check na rin kung may account siya sa mga bangko at saan. Aalis na ako at titingnan ko roon," sabay tingin ko kay Manang Lupe.

"Mag-ingat ka, hija..." halatang marami siyang sasabihin pero dahil aalis na ako, pinigilan niya ang sarili.

"Babalik din po ako at may mga tatawagan pa ako," sabi ko.

"Hindi ka ba magpapasama?"

"Hindi na po."

Sa biyahe, walang laman ang isipan ko kundi ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Nan at June. Kailanman, hindi na namin napag-usapan ang mga Castanier. Noong huli lang at dahil iyon sa usapang umuwi nga si Leandro sa Altagracia.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon