CHAPTER 29(Edited)

Start from the beginning
                                    

Lumapit siya sa akin at tinignan ako.No,parang inoobserbahan ako ng loko.Medyo mas matangkad siya sa akin kapag malapit siya.

Ano to?! Six footer?! Tangkad naman...5"10 ang height ko eh?!

"Eh,ano namang pakialam mo?"Ngisi niya sa akin! Arrgh! Kaasar tong mokong na to! Sarap bugbugin eh!

"Aba! Gusto mo atang matamaan sa akin!"Sigaw ko sa lalaking yon!

"Ivan! tama na yan! masyadong mainit ang ulo mo!"Sigaw sa'kin ni Dad.

Bumaling naman siya dun sa mokong na yun! Yung...Yung...yung John Dale daw na  yun! Tsk,baduy ng pangalan! Akala mo naman kagandahan ng pangalan! Mukha lang naman ang panlaban niya pero mas gwapo pa rin ako! Isang ligo lang naman ang layo niyan sa akin! Ha!

"Eh,dad kasi! Ito kasing lokong to eh! Ano bang pakialam niya.Kung manliligaw lang naman siya ni C-Cassy ko?! hindi naman magiging type niyan ni Cassy,porket gwapo eh,ang sama naman ng ugali! mayabang!"Turo ko pa sa mismong mukha niya.

"Siguro kapag niligawan mo na si Cassy,talo ka na.Ugali mo pa lang,wala ka ng pag asa sa pamilya niya,lalo na sa kuya niya.Kaya mas mabuti pa kung wag ka ng umasa pa."Ngisi niya sa akin.

Teka,inaasar ata ako ng lalaking to ah.At saka anong KUYA ang sinasabi nito?! May kuya si Cassy?! Bakit di namin alam yon?! Bakit parang mas marami siyang alam sa pamilya ni Cassy kaysa sa amin?! Anak ba ito ng katulong nila Cassy?

Nang mapalingon ako kay Alexander na may binubulong kay Adrian at tumingin pa sa akin.Maya maya bigla siyang nagpigil ng tawa at saka sumeryoso ulit.

"Hoy! Kayong dalawang gunggong dyan! Anong tinatawa tawa niyo dyan?!"Inis na tanong ko kasi feeling ko ako yung pinagtatawanan ng dalawang ungas na yan.

"Paniguradong wala ka na talagang pag asa kay Cassy kung ganyan ka umasta ngayon,Ivan."Tatango tangong sambit nilang dalawa.

"Aba'y loko kayong dalawa ah!"Susugurin ko sana nang magsalita yung John Dale.

"Sirs,please.Wala akong oras na makipaglokohan sa isang ito.Kailangan kong mahanap ang kailangan kong hanapin ngayon.At si Cassy yun.I don't want to give a sh*t to this guy right here and wasting my time."Turo niya sa akin.

"A-ano kamo?!"Susugurin ko sana yung lalaki nang sumigaw na naman si Dad at Tito.

"IVAAN!!"Sigaw na naman nila kaya wala na naman akong nagawa kundi tumahimik na lang kahit kating kati na kong sapakin tong isang to!

"You need to do your job."Baling niya kila dad at tito.Aba'y bastos itong ungas na ito!

Nag usap usap sila Dad at Tito kasama yung isang mokong na yun! Bakit siya dinidiscuss sa kanya lahat tapos sa akin.Ano wala lang?! Siya lang ba ang nag aalala dito?! ako rin naman eh! Nag aalala ako!!

Alexander's POV

Walang kaalam alam si Ivan tungkol dito kay John Dale.Nakakatawang isipin na ganun rin ang naging reaksyon ko nung una kong makita yung John Dale.

*FLASHBACK*

Nasa parking lot na ako.Pinarking ko na ang kotse ko.Pagbaba ko ay didiretso na sana ako sa loob ng building ng tito ni Ivan para matulungan sila sa paghahanap kay Cassy at kina Lukas.

Kaso biglang tinawag ako nina Tito at Daddy ni Ivan.May kasama silang isang lalaki na may katangkaran at may kagwapuhan rin.Kagaya ko...yes naman!

"Oh,mga uncles...kadarating niyo lang rin pala.I was about to go inside.Ah,teka.Sino pala yang kasama niyo?"Takang tanong ko.

Napalingon naman yung lalaking kasama nila.What the hell? Inaasar ata ako nito ah! Kung makatingin akala mo may kaaway ah! Gusto ata nitong mabugbog,libre ako!

"May problema ba tayo,bro?!"Maangas na tanong ko.

"Wala akong oras makipag angasan sa'yo dahil may importante akong kailangang gawin.So just shut your f*cking mouth."Maangas ring tugon niya.

"Aba'y ang yabang mo.Sino ka ba sa akala mo para magyabang ng ganyan sa harap ko?"Inis na tugon ko.

"Alexander,Alexander.Stop with that attitude.He is John Dale Perez,he is the brother of Cassandra Perez or Cassy.He is the son of the owner of your school.The Philippine Academy."Sagot nung daddy ni Ivan.

Pucha! Akala ko naman manliligaw na ni Cassy.Huh? Wait a gadd*mn minute...

dO___Ob???

"K-k-kuya ni Cassy?!"Medyo nabigla na tanong ko sa kanila.

"Ah,yes.I forgot to introduce him to you.Ah,mr. John Dale Perez.This is Alexander Aragon.He is one of Cassy's friend."Pakilala niya sa akin.

"Cassy's friend? But with that attitude of yours,you don't suit to be one of my sister's friend."Walang ganang sabi niya.

Nakakainsulto naman ata tong kuya ni Cassy.Magkaibang magkaiba talaga sila ng ugali.Parang mas kaugali pa ng lokong ito si Edward eh.

"A-ah,sorry,k-kuya Dale.Masyado lang akong protektado sa kapatid mo as a FRIEND kasi kailangan niyang maprotektahan lalo na't yung ibang mga g*go naming schoolmates ay may pagkasira na sa ulo at kung ano anong pinaggagawa sa kanya."Tinatagong inis na tugon ko sa kanya.

"Oh,really? thank you for protecting my sister but now hindi mo siya naprotektahan ngayon,should I blame you?"Nakangising tugon niya.

Aba'y loko loko tong lalaking to! Kung hindi lang to kapatid ni Cassy nasampulan ko na ito sa katawan eh!

"I think I can't blame you or other Cassy's friends because I am the brother.I should be the one who is responsible of protecting her but I'm not here.Naging malayo ako sa kanya.Hindi ko siya natutukan ng maayos,masyado akong naging busy.Kami ni Dad."Seryosong sabi niya pero mukhang malungkot.

Mali pala ako.Iba pala siya sa lahat ng nakilala kong lalaki.Maalaga siya sa kapatid niya,mahal na mahal niya si Cassy.Di na ako magtataka na pagkasama niya ang kuya niya paniguradong protektadong protektado siya.Mabait pala tong g*gong to.Maganda siguro tong makainuman!

"Wag mong sisihin ang sarili mo,hijo.Naging mabilis ang mga pangyayari.Hindi alam ng lahat na hahatong sa ganito ang lahat,pero nasisiguro kong ligtas ang mga batang iyon.Wag kang mawalan ng pag asa.We will do our best."Sabi sa kanya nung daddy ni Ivan.Tinapik pa siya sa balikat.

"Thank you,sir."Parang nabunutan ng tinik na sambit niya.

"A-ah,kuya D-Dale.Pasensya na talaga kanina.Akala ko rin kasi manliligaw ka ni Cassy.Super f*cking sorry,bro!"Sabi ko sa kanya.

"It's fine,but your manners is f*cking stupid,dude.And one more thing...don't ever call me kuya.It makes me feel like an old man.Kapatid ko lang dapat ang pwedeng tumawag sa akin nan."Inis na sabi niya.

'Oo nga naman! tsaka teka nga,kailan pa ako natutong gumalang sa mga medyo may katandaan sa'kin?! Tengena!'

"Ahahaha,ganyan ba talaga mag usap ang mga millennials ngayon,nagmumurahan na? Hahaha,sige na.Kailangan na nating magmadali dahil baka maabitam na naman tayo ng dilim at hindi na naman matuloy ang paghahanap sa kanila."Yung tito naman ni Ivan.

"So,maybe we should go inside?"Patanong na sagot ni John Dale.

"Ah,of course.Let's go in."Sagot naman nila Tito.

At saka kami pumasok sa loob ng building at dumiretso sa loob ng office.

*END OF FLASHBACK*

To Be Continue...

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now