"Hoy! bulag ka ba o hindi ka marunong magdrive? Grabe ka tignan mo yung ginawa mo sa gamit ko!" sinugod niya ang lalaki.

"Eh miss bakit naman kasi nasa gitna ng kalsada yang maleta mo." mahinahong saad ni Gerald.

"Gitna?! gitna ito sayo? mukha ba itong gitna?!" sarkastikong turo ni Sarah sa kinatatayuan nila. Nasa gilid nga naman kasi sila ng daan.

"Ok fine, im sorry." buntong hininga ng binata.

"Magso-sorry ka lang labas pa diyan sa butas ng ilong mo! tabi nga!" tinulak ni Sarah si Gerald at nag-umpisa ng pulutin ang mga gamit niya.

"Grabe naman kasungitan ng babaeng to!" inis na bulong ng binata.

"Ano kamo?!" nanlilisik ang matang saad ni Sarah.

"Wala! Tutulungan na kita." nakipulot na din ang binata sa mga nakakalat na gamit ng dalaga.

Agad namang nanglaki ang mata ni Sarah ng makitang hawak ni Gerald ang kanyang underwear, tatawa tawa pa ito habang sinisipat ang kanyang pang-ibaba.

"Aba't talaga palang wala kang modo! bastos!" galit na galit na hinablot ng dalaga ang kanyang pang-ilalim na saplot at pinaghahampas iyon kay Gerald.

"Ano yan? karsunsilyo ng lola mo? ang laki ah..." tumatawang wika ng binata habang umiilag kay Sarah.

"Bastos ka! Walangya! bwisit!!!!!!!" halos magkandaiyak siya sa sobrang pagkapahiya.

Nagmamadaling pinulot niya ang kanyang mga gamit at naglakad na papalayo.

"Teka lang miss.. Ihahatid na kita!" habol ni Gerald.

"Tse!!!!! bwiset!!!!" sigaw ng dalaga at matulin ng naglakad papalayo kahit hirap na hirap siya sa pagbitbit ng sira-sira niyang maleta.

Naiiling namang bumalik sa kanyang sasakyan ang binata. "Ang sungit!" aniya sa sarili.

Stress na stress at pagod na pagod si Sarah ng marating niya ang bahay ng mga Decillo. Nagdoorbell siya habang mahinang humihiling na sana ay ang Mama niya ang magbukas ng gate.  

Hindi naman nagtagal ay may nagbukas na ng tarangkahan.

"Sarah!!!"

"Mama!" bagsak ang balikat na yumakap ang dalaga sa ina.

"Anak, a-anong nangyari sayo? bakit ganyan itsura mo para kang pagod na pagod saka bakit sira sira yang maleta mo? nahold-up ka ba?! Na-rape?! ano??" alalang tanong ni Letty o mas kilala sa bahay ng mga Decillo bilang Nanay Letty.

"Ma! Kalma lang! Kung na-rape ako di sana masaya ako ngayon..." tumatawang awat ni Sarah sa ina. Awtomatiko naman siyang pinalo ng ina sa hita.

"Kung ano-anong sinasabi mong bata ka!" pagalit ng ina.

"Oa ka kasi Mama eh." tumatawang niyakap ni Sarah ang ina.

"Eh ano nga kasing nangyari sayo? bakit sabog sabog yang gamit mo??"

"Eh Mama, nababa po ako dun sa kabilang kanto, ang layo! Tapos may gagong lalaki na sinagasaan yung maleta ko, grabe! nuknukan ng bastos! Sobra!" naalala na naman ni Sarah ang bwisit na lalaking nagpahirap sa kanya. '"Ang yabang jologs naman!" anang utak niya.

"Diyos ko... Kawawa ka naman anak, at sino naman kaya yung lalaking yun?! napaka walang modo. Sinagasaan na nga yung gamit mo hinayaan ka pang bitbitin yung mga maleta mo ng ganyan!" nagagalit ding saad ni Nanay Letty.

"Sinabi mo pa Ma! Kapal ng mukha!" ani Sarah.

"Hay... ang mabuti pa ay pumasok na tayo ng mapakilala kita sa mga amo ko at makapahinga ka na." tinulungan siya ng ina sa kanyang mga gamit. 

Nang makapasok sila ay bumungad sa kanya ang napakaganda at napakalaking bahay. Tila nakakatakot gumalaw, ani Sarah sa isip. Sapagkat parang lahat ng mahawakan mo ay mamahalin. Mula naman sa kusina ay lumabas ang isang may edad na ngunit napakaganda pa ring babae. Medyo chubby ito pero maganda ang mukha, maputi at napaka-kinis.

"Oh Letty, yan na ba ang anak mo? She's very beautiful." nakangiting saad nito habang papalapit sa kanila.

"Oo siya nga ang anak ko Luisa... Sarah ang pangalan niya. Sarah anak siya ang amo ko, si Luisa."

"Good afternoon po ma'am Luisa.." magalang na bati ng dalaga.

"Hay naku, huwag mo nga akong tawaging ma'am... walang tumatawag sa akin ng ganun dito. Tita Luisa na lang itawag mo sa akin." tumatawang sagot nito.

"Sige po." nahihiyang tugon ni Sarah.

"O siya Letty, pagmeryendahin mo na muna yang anak mo tapos pagpahingahin mo na, mukhang pagod na pagod sa biyahe eh... Sarah, huwag kang mahihiya dito ha. Feel at home lang." anang ginang at nagpaalam na sa kanila.

"Ma, ang bait naman ng amo mo... ganun ba talaga yun?" bulong ni Sarah sa ina.

"Ay oo, mabait talga yan. Pati yung asawa at mga anak niya." tugon ni Letty habang pinapasok ang mga gamit ng anak sa kwarto nila.

"Eh nasaan po yung pamilya niya?"

"Si Grendon, yung asawa niya nasa opisina. Araw araw namang umaalis yon, si Gerald na panganay kaaalis lang din, nagkasalisi nga kayo eh. Tapos yung bunso si Myka kikay yun pero mabait at malambing."

"Swerte naman natin Ma, kaya naman pala malakas ang loob niyo na paluwasin ako dito sa maynila eh." wika ni Sarah habang inaayos ang kanyang mga damit.

"Kaya nga, eh kung nagkataong hindi ganyan kabait ang amo ko mapipilitan akong umuwi  na ng  Cebu dahil wala ka ng makakasama doon."

"Ma, miss ko na si Lola..." biglang lumungkot na saad ng dalaga.

"Hay..." buntong hininga ng ina "Ako din anak... Miss na miss ko na si Nanay. Mabuti ka nga at nakasama mo siya sa mga huling sandali niya, parang mas close pa nga kayo kesa sa amin eh." naiiyak na wika ni Letty.

"Eh lagi naman pong ikaw ang bukambibig ni Lola, Ma eh..."

"Kung alam ko lang sanang ganun ang mangyayari, di sanay umuwi na ako." tuluyan ng napaluha si Letty.

"Tama na, huwag na po tayong malungkot... ganun talaga ang buhay. Saka sigurado naman ako na masaya na si Lola dahil sa wakas ay magkasama na tayo... kaya tahan na." niyakap ni Sarah ang ina.

Pinahid ng ina ang luha saka kumalas ng yakap sa kanya.

"Bweno, iwan mo na muna diyan yang mga gamit mo ako na ang mag-aayos niyan. Gusto mo bang magmeryenda?"

"Mamaya na lang po Ma, pwede po ba akong mahiga saglit? iuunat ko lang po yung likod ko." ani Sarah.

"Osige umidlip ka na muna diyan, pupunta lang ako sa kusina at ipapahanda ko sa mga kasambahay ang mga ilulutong hapunan mamaya."

Nang makalabas ang ina ay nahiga na ang dalaga sa kanyang kama. Saglit muna siyang nagmuni-muni. "Hmm.. ano kaya ang kapalaran na naghihintay sa akin dito sa Maynila?" aniya sa sarili. Maya maya pa ay nakatulog na siya.

ANO PO ANG MASASABI NINYO SA CHAPTER NA ITO? KAPANA-PANABIK BA? WALEY O HAVEY? LOL! YUNG TOTOO PO!! :)

PLS HUWAG PO KAYO MAGHESITATE NA MAGLIKE AT MAGCOMMENT! THANKYOU VERY MUCH GUYS! HAPPY READING! <3

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANAWhere stories live. Discover now