CHAPTER 2

5.1K 68 7
                                    

Magaalas-sais na ng gabi ng magising si Sarah. Dali-dali siyang napabalikwas. Inayos niya ang kanyang buhok at dali-dali siyang nagtungo sa kusina. Nadatnan niya doon ang isang babae na nasa mga bente sais anyos siguro. Agad itong napangiti ng makita siya.

"Hi! Ikaw ba si Sarah?" masayang tanong nito.

"Oo ako nga.." medyo nahihiyang tugon ng dalaga.

"Ay hello!! ako si Grace, pero Gara ang tawag nila sa akin. Kasambahay ako dito." pakilala nito.

"Nice to meet you Ate Gara.. nasaan nga pala si Mama, hindi niya ako ginising nakakahiya hindi man lang ako nakatulong."

"Ok lang yun, sabi kasi ng Mama mo hayaan ka lang daw magpahinga kasi ang layo ng binyahe mo, at saka sa pagkakaalam ko hindi ka naman magta-trabaho dito." anito habang hinahanda ang inumin at mga baso.

"Naku, hindi naman pwede yun Ate Gara, siyempre kailangan akong tumulong. Hindi naman ako prinsesa na tutunganga lang dito." nakangiting tugon ni Sarah.

Eksakto namang pumasok si Nanay Letty sa kusina.

"Gara ilabas mo na yang inumin. Oh Sarah anak gising ka na pala. Halika lumabas ka na din doon para maipakilala kita kay Grendon at sa mga anak nila." anito.

Tinulungan naman ni Sarah si Gara na bitibitin ang inumin at mga baso. Paglabas nila ay nadatnan nila ang mga amo na abala sa pagku-kwentuhan. Hindi nakaligtas sa paningin ni Sarah ang pamilyar na mukha ng lalaki na nakaupo sa hapag kainan. Makakalimutan ba niya ang itsura ng lalaking ito eh napaka-unique ng porma! Nakapgbihis na ito dahil naka tshirt na puti at board shorts na lamang ito, ngunit ang buhok nito ay naka-gel pa rin. Kahit yata langaw ay madudulas kapag dumapo sa ulo nito.

"Ah Hon, Ge, Myka nandito na nga pala ang anak ni Letty, Sarah come here. This is my family, My husband Grendon, and my two kids. Gerald and Myka." pakilala ni Luisa.

Hindi alam ni Sarah kung magpapahalata ba siya o magpapakakaswal lang. Maging si Gerald kasi ay nabigla sa pagkakita sa kanya.

"Hi Sarah! It's nice to see you here. Sa wakas ay mapapanatag na ang Mama mo dahil nandito ka na." ani Grendon.

"Salamat po Sir Grendon." nahihiyang tugon ni Sarah na iwas na iwas mapatingin sa direksyon ni Gerald.

"Didn't my wife told you about that Sir/Ma'am thing? dito sa bahay we're all like family kaya I don't like hearing anyone calling us Sir/Ma'am." anito.

"Hi Ate Sarah! finally meron na akong kasing edad dito sa bahay... how old are you na nga?" tanong ni Myka.

"21 yrs old na ako Myka." nakangiting tugon ng dalaga.

" Ay talaga? kayo pala ni Kuya ang magka-edad eh. Im only 18 pero tingin ko magkakasundo tayo." sagot nito.

Nginitian lamang niya si Myka habang pasimple siyang sumulyap kay Ge. Nakita niyang kumakain na ito at pangisi-ngisi.

"Anong nginingisi-ngisi nitong barabas na to?! Mukhang may hindi magandang gagawin sa akin ito ah!" anang isip ni Sarah.

"Bweno... hahayaan na muna namin kayong maghapunan, tawagin niyo lang kami kapag may kailangan kayo ha."wika ni Letty habang sinenyasan na si Sarah at Gara na bumalik sa kusina.

"Oh anak, ok ka lang ba? parang nag-iba yata ang mood mo ah?' tanong ni Letty sa anak ng makapasok sila sa kusina.

"Ah opo ma, ok lang ako."

"Sigurado ka? Maya-maya kakain na rin tayo ha." 

Tumango lamang si Sarah bilang pagtugon. Naiwan siyang mag-isa sa kusina dahil nagtungo ang kanyang ina at si Gara sa laundry room. Nabigla siya ng biglang pumasok si Gerald sa kusina. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng coke in can. Ang dalaga naman ay tahimik lamang na nakatayo sa may lababo, nagkunwari siyang nagliligpit upang may dahilan siyang huwag tignan ito.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANAKde žijí příběhy. Začni objevovat