Chance Encounter

575 27 25
                                    

"If you have other concerns that you were not able to raise today dahil baka overwhelmed pa kayo since first day niyo, feel free to send me an email, okay?" nakangiti kong paalala sa dalawang bagong-salta sa kumpanya. Kasama kasi sa mga tasks ko ang i-orient sila within their first week.

 

"Okay po, thank you po, Ms. Mary Jane," sabay nilang sagot.

 

Nagpanting ang tenga ko. Bukod sa masyadong pormal ang buong first name ko, hindi ako kumportableng tinatawag akong ganun at dinagdagan pa talaga ng 'miss'. Hindi talaga bagay. Lalo na pag galing sa mga managerial level. "Ay grabe, MJ na lang po."

 

Gusto ko ang ginagawa ko. Mahilig kasi akong kumausap ng tao lalo na pag malaking grupo ang nakakasalamuha ko. Marami akong natututunan sa kanila at naiintindihan ko kung paano sila pakisamahan in the long run. Bukod sa nalalaman ko kung bakit sila nagresign sa dati nilang kumpanya, nakakasagap din ako ng kung anu-anong chismis, ahahaha.

 

Ang ayoko lang sa tuwing magpa-facilitate ako ng orientation, kailangan kong mag-ayos. Don't get me wrong, presentable naman ako lagi kapag pumapasok. 'Yun nga lang, laging smart casual lang o kaya pants at polo. At kahapon, kabilin-bilinan ng boss ko na magdamit-babae ako lalo na ngayong araw na ito dahil nga parehas na managers ang mga new hires na kakausapin ko. 'Power dress' ang isa pang term. In short, corporate attire.

 

At 'pag sinabing corporate attire sa office namin, kailangan naka-make up, naka-dress at naka-high heels ang mga babae maliban lang sa mga nagdadalan-tao. Daprik lang diba? Buti sana kung sa parehas na office lang gagawin yung orientation kaso hindi! Sa kabilang building na sampung minuto ang layo! At buti sana kung may sasakyan. Kaso walang PUV na dumadaan dun kahit tricycle. Anak ng pating talaga.

 

Kaya naman nang matapos ang orientation, nagpahinga na muna ako bago muling isabak ang kawawa kong mga paa sa isa na namang mahabang lakaran. Pero naisip ko, ayos na rin ang maglakad. Exercise na rin.

 

Nagpalinga-linga muna ako bago ako nag-open ng browser at sinilip ang Facebook, ahaha. Sandali lang naman eh. Tsaka lunch time na kaya. Hindi ito sagabal sa trabaho, hehe.

 

Wuy, nakalimutan mo na yata yung hiling ko eh -_- , kunwaring nagtatampong tipa ko sa chat. Matagal na kasi akong pa-joke na humiling ng piano cover ng 'All of Me' ni John Legend. Pero siyempre, jokes are half-meant. It would mean a lot kung magagawa nga niya. Lalo na't bukas na ang kaarawan ko. Kahit yun na lang ang regalo niya sa'kin, ayos na ang twenty-fifth birthday ko. Although, hindi naman niya alam yun, hehe. Asa pa ako.

 

Lumawak ang ngiti ko nung nakita ko yung 'is typing' sa chat box.

 

Hello MJ :) sorry talaga :( di pa ako nakakauwi sa probinsiya. Nandun yung piano eh. Busy kasi sa work :(, sagot niya.

 

Bumagsak naman ang mga balikat ko. Mukhang di talaga niya magagawa yung request ko para sa birthday ko. Pero naintindihan ko naman siya. Mahirap pagsabayin ang trabaho at hobby. Ako nga, madalang ko na lang makita ang mga kaibigan ko dahil lagari lagi sa trabaho. Siya pa kayang bukod sa may bago siyang hanapbuhay at healthy ang social life, may hobby pa?

Ink Drops: A Collection of One-Shots and Daily MusingsWhere stories live. Discover now