Kasalukuyan kaming nasa training room ngayon at nag tatraining kami sa tamang pag aim ng arrow sa target. By pair ang pinagawa sa amin ng trainer namin, pinili kong makapartner si Alexander dahil sa hindi pwedeng maging magpartner ang dalawa sa magkaparehong grupo.

"It seems like you're distracted lately Mira, can you tell me what happened?" nag aalalang tanong sakin ni Alexander habang ipinoposisyon ang arrow sa target.

"Don't mind me, I'm ok." pagsisinungaling ko sakanya at pinakawalan ang arrow sa bow pero hindi ito tumama sa gitna.

"See, you're distracted." ibinaba niya ang bow at arrow niya saka humarap sa akin. "Let's go somewhere else and talk about something." sabi niya sakin at hinila ako palabas pero bago iyon ay nagpaalam muna siya sa trainer namin kaya hindi na ko nakapalag pa.

Idinala niya ako sa garden ng school at syempre dahil nga nasa garden kami ay puro halaman ang makikita mo rito, may mga sculpture rin ng mga Archaic creatures na nakatayo sa gitna ng garden na nagpamangha sa akin dahil sa kagandahan nito.

Umupo ako sa damuhan at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

Napatingin ako kay Alexander nang lumapit siya sa akin. "You still didn't change Mira, you're the old Mira in the past who loves sitting and feel the fresh air." nakangiting sabi niya sakin.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Yeah, I'm still the same Mira before."

Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin. "Now tell me why are you distracted a while ago, is there something bothering you?" seryosong tanong niya sakin.

Still the same old Alexander the nerd.

"Nothing." tipid kong sagot sakanya.

"You will tell me or do you want me to force you?" pagbabanta niya sa akin. Alam ko na wala na kong magagawa lalo na kapag pinilit niya ako kaya mas pinili ko na lang na sabihin sakanya ang totoo.

Ikinuwento ko sakanya ang buong nangyari mula sa pagkakasampal sakin ng mga kaibigan ni Madison hanggang sa pagsuntok ko kay Madison at sa hindi pagtiwala sakin ni Tober, pero nagulat ako sa naging reaksyon ni Alexander pagkatapos kong ikwento sakanya lahat.

"Wait_did you just said Madison? As in Madison Veer?" di makapaniwalang tanong niya sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Yes, do you know her?" nagtatakang tanong ko sakanya at tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Oh my dear Mira, did you already forget what my surname is?" sabi niya habang umiiling iling pa.

"of course not, I still remember your surname idiot. You are a Veer_" napatigil ako sa pagsalita nang may narealize ako. "Madison is a Veer and you also, does that mean you two are."

Humiga siya sa damuhan at tumingin sa kalangitan. "Yes, we're siblings and Madison is my youngest sister." sagot niya sa tanong ko na mas lalong ikinagulat ko.

"Oh crap, you must be mad at me right now because of what I did to your sister a while ago." nakayukong sabi ko. "But it's not my fault, she pushed me to do it."

Umupo siya at tinignan ako ng diretso sa mga mata. "I'm not mad Mira, she deserves it. It's her fault for bullying and hurting you." seryosong sabi niya sakin. "And also...................I believe in you." napatulala ako dahil sa sinabi niya.

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now