Omayghaddddd! Si Princccceeeeee! Dali-dali kong hinagilap ang cellphone kong dipindot sa loob ng bag ko. Jusko nasaan ba iyon? Makakalayo na si bebe ko! Grrr! Hindi ko parin mahanap kung nasaan ang Nokia na cellphone ko.
"GOTCHA!!"
Agad kong ipinokus ang camera ng cellphone ko kay Prince habang bumibili ito sa canteen. Medyo malabo man ang camera nito ay gustong-gusto ko parin itong kuhaan ng larawan hehehe.
"Oyy Rona! Ayan ka nanaman sa pagiging photographer mo ahh?"
Inismiran ko lang ang bestfriend kong si Elai. Paano ba naman kasi, nakikita na nga n'yang busy ako sa pag pi-pitsur ehh nako!
"Beeeee! Tignan mo to! Tignan mo to! Ang kyut talaga ni bebe Prince ko haysss!"
Sabay dikit ng cellphone ko sa dibdib ko at ipinikit ang aking mga mata. Natauhan na lamang ako ng hinampas ako ni Elai sa braso ko.
"Gaga! Paano ko makikita 'yan ehh nasa dibdib mo?! Tsaka isapa, wala naman akong makikita d'yan! Napaka blur kaya ng camera mo duhh?!"
Akmang gagantihan ko na ito sa pag-hampas sa braso ko ng may isang lalaking nag-salita.
"Uhhhmm? Miss? Wala bang naka-upo sa gawing ito? Makiki-table lang sana ako. Puno na kasi ehh."
Ang boses na 'yon. Alam na alam ko ang boses na 'yon. Agad ko itong nilingon at hindi ako nag kamali. Shems! Ang bebe Prince ko!
"Oo! Sige, sige! D'yan ka na lang umupo!"
Mabilis kong sabi at umupo naman ito sa tapat ko. Habang kumakain ito ay titig na titig ako sa kan'ya.
"Lord? Ang gwapo naman ng future ko. Dito pa talaga s'ya pumwesto sa harapan ko. Pwede n'yo na po akong kunin."
Napapa-isip ako ng kung ano-ano habang naka palumbaba ako sa lamesa.
"Miss? Gu-gutom ka ba? Or gusto mo ding kumain? Kanina ka pa kasi naka-titig sa'kin at sa pagkain ko ehh."
"Ahh hindi! Ganito lang talaga tong bestfriend ko kapag may-problema. Alam mo na? Laging naka-tulala hehehe! 'Di ba bess? Bes?!"
Ang gwapo n'ya myghadd! Bakit ang pula ng mga labi n'ya tapos ang liit pa jusko sarap halikan! Tapos ang ilong nito larang ayaw mag patalo, hindi dumadapa. Ang tangos! Ang mata nito parang......
"Bes!"
Siniko ako ng bestfriend kong si Elai. Lumaki ang mga mata ko tsaka ako nagising sa kaka-day dreaming at kaka-titig sa bebe ko.
"H-huh?? Ahh! Oo! Tssk!"
I rolled my eyes at humarap sa bestfriend ko sabay ngiti ng maaliwalas.
"Ga'non ba? My name is Prince nga pala."
Inilahad nito ang kan'yang palad sa'kin. Tapos na pala itong kumain nakoo.
Kinamayan ko ito pero syempre, ayoko naman agad na matapos ang tagpong iyon na hindi ko na kukuhanan ng larawan ang pag-hawak ko sa kamay ng bebe ko noh!
"I wait! May nag-text bigla ehh."
Habang hawak ko parin ang kamay nito ay pasimple kong kinuhaan ang mga kamay namin habang nag pipindot kuno sa mga letters ng cellphone ko.
"Ayan! Send! My name is Rona by the way!
Ngumiti ako pero hindi ata nito napansin dahil kinakamayan n'ya rin si Elai.
"Nice to meet you girls."
Sabay dampot nito ng cellphone n'ya sa lamesa. Tumayo at ngumiti ng sobrang tamis.
Ooommooooo!!! Ang puso ko! Ang puso ko malalaglagggg!
"Bes, kalma. Ngiti lang 'yon."
