Ngayong uwian na ay pupuntahan ko na si Ken. Tutal lagi niya akong dinadalaw bago umuwi kaya uunahan ko na siya. Kaso mali ang diskarte ko dahil sa labas kami nagkita. Plano kong doon mismo sa office niya kami mag-usap. Gusto ko mang lagi siyang nakikita, laging kausap, kaso nakakahiya parin kahit pwede naman. Ngayon pwede sana. Dinahilan ko na lang na hinahanap ko 'yung secretary niya para may lusot. At oo nga pala, bawal akong makipag-usap sa mga babae. Ano ang idadahilan ko? Kaya nagdahilan na lang ako hanggang sa napunta ang usapan sa nakakatawang bagay. "Ngayon din ay bitawan mo ang posisyon mo." She said. Nagtaka ako. May ibibigay yata siya sa'kin na posisyon. Hindi kaya...

"Bakit naman?" Tinanong ko na lang.

"Gusto mo 'yan 'di ba?" Lumapit siya sa'kin at inayos ang kwelyo ng damit ko. "Bagay sa'yo 'yung kulay pink na polo." Hindi ako makapaniwala. Ang lapit niya sa'kin.

"Pangbabae 'yun eh. Ano ba ang gagawin ko?"

Hinila niya ang kwelyo ng polo-shirt ko. At nilapit niya sa mukha niya. Oo ang sweet namin pero hindi kaya nakakahiya sa mga tao. "Dahil bakante ang posisyon, kanang kamay na kita." Binulungan niya ako. I feel her breathe in my ears. Kennedy's breathe. Sounds like remarkable. Tinulak niya ako. Hindi kalakasan pero sapat na para maglayo kami. Kalmado lang siya. "Tutal, kanang kamay ka ng kanang kamay. Gawin mo nang gawain sa'kin 'yan." Si Kuya Rogelio kasi eh. Kanang kamay ni Daddy. Kaya hindi na bago sa'kin.

"Sure ka?"

"Oo kaya ipapaayos ko na ang lahat kay Maymay." Inirapan niya ako. "Pupuntahan ko lang si Maico." Siniko pa niya ako pagtapos. Tumawa siya ng mahina at umalis na. Bumalik ako sa mga kasama ko.

"Tara na." Yaya ni Waine. Plano na naming mag-out at magbihis. Sabay sabay kaming uuwi ngayon.

"Wait lang." I said at tumingin sa kanila. Nagtatanong ang mga itsura ng mukha nila. "May aayusin lang ako. Mag-out na kayo." Lumakad ako pero nasalubong namin si Maymay.

"Rose." Ano na naman kaya ang sasabihin niya? "Bukas, kailangang mas maaga ka kay Miss Ken. Dadaanan kita sa locker room para ibigay ang susuutin mo. Utos ni Ma'am 'yun. Ako na ang bahala sa resignation form. Pirmahan mo na lang bukas. Umuwi ka na daw?" Nginitian niya si Leni at umalis na.

"Bakit?" Tanong ni Leni.

Tumingin ako sa kanila. "Hindi na ako ang maglelead sa inyo bukas?"

"Huh!!" Sabay sabay sila. Nagtaka din si Waine.

"Huwag kayong mag-alala. Si Jerry na ang papalit sa akin. Magiging kanang kamay na ako ni Miss Ken mula bukas."

Napanganga sila. Inagahan namin ang pasok. Pinakiusapan kong sumama din si Jerry para maging maganda ang unang araw ng pagtanggap sa'kin ni Ken. Alam ko namang mapapangiti na naman siya kung sasalubungin namin siyang nakasaludo. Lahat na talaga ng kaya kong gawin ay ginawa ko ayon sa nakikita kong magpapangiti kay Ken. Napakasimple lang ng gagawin. Mga hindi ko ginagawa noon. Ginawa ko ngayon. Sobrang saya ng unang araw ko sa pagiging kanang kamay. Hindi ko alam na magiging madali ang lahat. Ang kababaan ng loob ni Ken ang isa sa bagay na napansin ko. Kung kami kasi ni Waine ang nasa katayuan niya ay walang makakapag-utos sa'min na kumain sa simpleng cafeteria. Ngayon ay nagawa na namin 'yun dahil kailangan.. hindi ko lubos maisip kung bakit ginagawa ni Ken 'yun? Masayang kumain sa maingay dahil lalo kang gaganahan lalo pa't daig ko pa ang nasa-bahay lang. Walang conciousness ang lahat ng tao. Naisipan ni Ken na dalhin ako sa restaurant. Ano ba ang dapat? Tumanggi ako? Baka mahalata naman na ayokong maranasan 'yun. Base sa ugali ng mahirap at ugaling pinapakita ko--kailangang sumama ako sa kaniya. Hindi na siguro kailangang magpanggap pa ako. Hindi na halata siguro na ipakita kong hindi ako sanay. Hindi movie ito o serye sa Tv. Alam ni Ken 'yun kaya hindi na ako aarte pa. Baka mapagkamalang umaarte pa ako.

Sinama pa niya ako sa bahay niya. Sinama niya ako para ipakilalang kaibigan. Nag-inuman kami sa munting bar niya. Hindi ko talaga inakalang mahilig siya sa masasayang bagay kaya aksidenteng nahulog na ang loob niya sa'kin. Habang magkausap kami ay nakikita ko si Ate Paulina sa kaniya. Ang babaeng hinahanap ko ay naging perpekto sa paningin ko dahil hindi lang si Ate Paulina ang nakita ko sa kaniya. Nakita ko na kaya niya akong tanggapin. Lalo na nang ikwento niya sa'kin ang taong may kapansanan na kayang pasayahin ng normal na tao kaso pinalampas niya. Parang ako ang tinutukoy niyang magpapasaya sa kaniya ng sabihin niyang siya ang may kapansanan. Nalasing si Ken dahil matapos naming magsayaw kasama ang mga kasambahay niya ay tinungo niya ang ulo niya sa mesa. Wala na siyang alam. "Sir!" Tawag sa'kin ng isang kasambahay. Lumingon ako at lumapit siya. Nakatungo parin si Ken. Binigay niya sa'kin ang hawak niyang phone. "Kakausapin ka daw ni Sir Arman." Tinanggap ko ang phone. Teka, siya si Mr. Go. Kinabahan ako. Nalaman siguro na magkasama kami.

"Hello." Ngayon lang ako natakot sa boses ng isang tao.

"He-hello Sir." Medyo may tama na ako kaya pilit kong kinontrol ang isip ko. Kakausapin ko siya ng matino.

"Huwag ka nang magpakalasing ah." Medyo nagulat ako. "Lasing na daw si Ken. Ipapahatid na kita sa driver."

"Opo, salamat po." Hay salamat. Marerelax akong uuwi. Hindi naman pelikula 'to na kailangang tanggihan ang alok niya at sabihing kaya kong umuwi dahil nahihiya ako. Nahalata kong apektado ako sa ugali ni Ken. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Lasing na talaga ako. Hinahalintulad ko na ang kathang isip sa totoong buhay.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na wala akong tiwala kay Ken sa ngayon."

"Sir, alam naman yata ni Ken ang ginagawa niya." Hindi pwedeng pigilan nila si Ken.

"Pati sa'yo!"

Napalunok ako. "Wala akong--"

"Hindi si Ken ang babae na iiwanan lang. Hindi siya dapat iniiwan. Pa'no kung iwan mo siya?" Hindi ako makasalita. "Sinasabi ko sa'yo ah. Ibahin mo siya sa mga babaing nakikilala mo na kung magkakaproblema ay magkakalimutan na. Andiyan na 'yan eh! You suppose to do what's best for her! Alam kong magkakaproblema kayo pero nag-aalala ako. Baka magalit siya. Okay lang sa'yo tapos..." Parang naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. "Tapos, isa ka lang na lalaking dadaan sa kaniya. Huli na 'yan ah. Ayokong magkakaproblema kayo! Hindi experience lang si Ken. Sana maintindihan mo ako."

"Pangako po. Gagawin ko ang lahat."

"Alam ko naman dahil hindi mo gagawin ang mga 'yan na magpanggap na empleyado kung masama ang ugali mo."

Buti at nagtiwala siya. Natapos kaming mag-usap ay dinala ko si Ken sa kwarto. Buhat buhat ko siya. Nakahiga siya sa bisig ko. Nakatingin ako sa bibig niya na nag-aanyaya ng halik. Tulog na tulog siya. Hinalikan ko muna siya sa labi. Ang lakas ng kaba ko. Bahala na. Matagal na matagal. Na tipong taas baba ng labi niya ay hinahalikan ko. In the name of Jesus, hindi ako matutukso. Binaba ko siya sa kama. Dala na din siguro ng tama ng alak kaya nagawa ko 'yun. Sana hindi ko pagsisihan. Pero dumilat siya. Hinalikan niya ako. "Rosen." Bulong niya.

Natukso na ako. Hindi ko na kinaya. Bumaba ang halik ko sa leeg niya. Niyakap niya ako. May kumatok kaya kumalas ako. Pero nanatili siyang nakahiga. Binuksan ko ang pinto. "Sir, ihahatid na daw kayo." Salamat naman. Napapikit ako at sinulyapan si Ken. Tulog na siya. Bago ako lumabas ay nag-iwan ako ng note. Nagpasalamat ako dahil pinapasaya niya talaga ako. Hindi naman talaga siya ang pinasaya ko dahil masaya na siya. Hindi lang niya alam dahil wala siyang task o hindi pa siya nasasaktan. Lahat kaya niyang kunin kung gugustuhin niya. Kaya niya akong makuha kung gugustuhin niya dahil hawak na niya ako sa leeg ngayon. Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas pero she said.. "Be gentle." Oh my god. She is dreaming at this moment and from this moment ay magbabago na ang lahat. I got tasted her lips. Dedma na lang bukas. Umuwi ako. Nakita ko si Waine na ang sarap ng tulog. Ngayon lang yata na mangyayaring nakainom ko pero hindi ako makatulog.

Oh God. Bakit Mo ako pinagbigyan na sumaya? Bakit dininig Mo ang idadasal ko pa lang? Unfair naman sa iba. Sila nagpapakahirap na gaya ni Jerry. Pero bakit sumaya ako? Hindi dahilan na nagbago ako. Hindi dahilan na nasa-isip Kita lagi para maiwasan ko ang kapahamakan o ang tukso. Unfair parin sa iba. Kaya sana kung sasaktan Mo ako. Sana huwag Mo nang idamay pa si Ken. Ken doesn't deserve to be punished. She's so amazing and You knew it I know. Ako na lang.

Pumikit ako. Naisip kong ang lahat ng kasiyahan ay may kapalit na lungkot. I tryna think what's best. 'Yung hindi sunod sa agos. 'Yung walang magagalit sa'kin kung pumalpak man ako. God knows why it all happened. Tumingin ako sa taas.

Sana kami na ni Ken habang buhay.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now