Epilogue

17.5K 428 100
                                    

Epilogue

Tulalang pinagmasdan ni Romeo ang bumubuhos na confetti.

Pinatitigan nya ang pinanggagalingan nito sa pag aakalang mula ito sa isang chopper.

Pero malabo.

Dapat ay maririnig nila ang tunog ng helicopter kung sakaling dito galing ang confetti.

Nais nyang sabihin sa mga kaibigan ang nasa isipan.

Pero nagdadalawang isip sya.

Baka matakot lamang ito at masira ang mood ng party.

Kaya kahit na kinakabahan, pinilit na lamang ni Romeo na sarilinin ang nasa isip.

Hanggang sa biglang may magsalita sa tabi nya.

          "Wag ka ng magtaka. Ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ng bagay ay kaya mong ipaliwanag gamit ang iyong pag iisip. Kadalasan, may mga pangyayaring mananatili na lamang misteryo kahit anong pagsisikap mong hanapan ito ng paliwanag." sabi ng boses.

Agad na lumingon si Romeo at lalong nanlaki ang mga mata nya ng makita si Totoy.

          "I-ikaw ?" mahinang tanong nya.

Ngumiti ang binata.

Napaatras si Romeo at akmang tatakbo ng magsalita si Totoy.

          "Wag mong sabihing natatakot ka sa akin Romeo. " sabi nito.

Natigilan si Romeo.

Unti unti syang napangisi at pumihit paharap sa binata.

          "Ako?. Natatakot ? Excuse me pare, pero wala akong kinatatakutan. " sabi nya.

Lumapit sya kay Totoy hanggang sa halos magdikit na ang ilong nila.

Nagtitigan sila sa mga mata.

Parehas nakangisi.

          "Tell me. Ikaw ba ang may pakana ng confetti na yan?. Parang di nauubos ah. " tanong ni Romeo.

Tumango si Totoy at tumingin sa kapaligiran.

          "Ako nga. May reklamo ka ?." tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

Pinagmasdan nya rin ang kapaligiran na nababalutan ng kadiliman.

Kwadro Alas - Ace of DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon