Prologue

345 30 2
                                    

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan 'pag kabilang kong tatlo nakatago na kayo... isa, dalawa, tatlo!

"Ma! gutom na po ko! Magluto ka na magtatampo ko sayo kapag di mo ko pinagluto."

Kung may time machine lang para balikan ang pagkabata babalikan ko e, yung wala kang ibang ginawa kundi ang maglaro at kumain. Iiyak kapag wala si inay at itay magsusumbong kay kuya o di kaya kay ate kapag may kaaway.

Ang sarap maging bata walang pino-problema kundi ikaw ang problema. Hahaha. Kung paano ka ba nila papatahanin kakaiyak at kung anong klaseng laruan ang bibilin sayo sumaya ka lang. Sa bawat "bulaga" ika'y may kasunod na paghalakhak kasabay ng pag pawi ng lungkot at pagod ng iyong mga magulang.

Mahilig rin ako manood ng mga Cinderella, Beauty and the Beast, Snow White and the seven dwarfs at kung ano-ano pang girly na palabas.

No'ng bata ako iniisip ko "Ang dali namang mainlove " tapos hiniling ko pa na sana katulad na lang nung sa fairy tale yung love story ko. Ayy mali, gusto ko mas maganda pa don yung tipong makatotohanan?

But like the Princesses in the fairy tale, although hindi naman talaga ko princess, hindi rin maganda ang naging umpisa. Ang daming circumstances na kailangan mong lagpasan at ang dami namang pagkakamali na dapat itama at pagsisihan. Pero ayos lang naman kung sa bawat pagkakamali ko pala na 'yon doon mahuhubog ang mas matured na ako.

Sabi nga ni Monish Pabrai

"Mistakes are the best teachers. One does not learn from sucess. It is desirable to learn vicariously from other people's failures, but it gets much more firmly seared in when they are your own" Tama naman e, kung di ka matututo sa mga mistake di ka rin makakarating sa happy ending mo. Kasi if you really love someone you are ready to get some scars, right? Kasi pag nagmahal ka di naman pwedeng di ka masaktan. Parte yan ng love e. Swerte mo naman kung di mangyari 'yon.

Pero posible kaya akong mahulog sa isang tao na alam kong di ako ang laman ng isip maski ang puso niya? Yung tipong sa bestfriend ko pa ba ko kailangan makipag agawan? Ang hirap mag pretend sa harap nila na I'm always okay but behind every smile there's a hidden pain. Lalo na kung alam mong sa story nila EXTRA ka lang.

But if I given a chance to be with him di ko na sasayangin ang pagkakataon na yon.

Ngunit ang problema, marami ang nagiging tanga pag nakaranas ng pag-ibig. Masasabi mong "Love is Blind". Pero pag tapos na, pag wala na iyon, dun ka magigising sa reality and mare-realize mo kung ano pala talaga siya sa 'yo.

I felt so much pain.

I felt so much anger.

I felt the loneliness that cause my tears to fell.

But for now, I learned a lot. I will do my best to fight for that kind of love Until the last drop.

Until The Last DropWhere stories live. Discover now