Anarah's POV
"Anarah, good morning!" bati sa akin ni Mara pagdating ko sa UMP.
Si Mara ay aking matalik na kaibigan, never siyang umalis sa tabi ko. I know, pwede ko na lang sabihin sakanya yung mga saloobin ko, at hindi na mag sulat ng mga letters na 'di naman ibibigay sa sinusulatan.
Nasanay na rin kasi akong ginagawa yon. Ginawa ko na iyon noong namatay ang aking tatay. Naalala ko ang sabi ni tatay, na mas mabuting raw na gumawa ng sulat at doon isulat ang mga saloobin kaysa sabihin sa tao. Mahirap raw kasi talaga magtiwala sa tao. Lahat ng tao nagkakamali, lahat ng tao nakakapako ng mga pangako.
"Anarah? Hindi mo lang ako babatiin ng "good morning" pabalik? Tulala ka nanaman diyan." sambit ni Mara at tinapik ang aking balikat.
"Ay, good morning, KuMARA!" pasigaw kong sabi kay Mara.
"Bastos ka! Ba't pasigaw?" nagrereklamong tanong ni Mara habang masama ang tingin sa akin. Tinawanan ko na lang siya.
"Pakinggan mo na lang 'tong kanta ng Purples n' Oranges." sambit ko at binigay ang aking cellphone kay Mara.
Kinuha niya ang aking cellphone at pinatugtog ang kanta. Narito kami ni Mara sa canteen, hindi ako nakapag umagahan sa bahay, kaya dito kami dumeretso. Mukhang ganoon rin si Mara, naka dalawang baso ng kanin ang gaga eh.
"Aba, ayos 'to ah!" pasigaw na sabi ni Mara at inilagay ang aking cellphone sa mesa.
Kinindatan ko na lang siya. Mahilig kami ni Mara sa OPM kaya siguro naging close kami, dahil parehas kami ng interests, parehas rin kaming hindi pa nakakapunta sa mga gigs. Ni isang gigs ng mga bands at singers na gusto namin, 'di pa rin kami nakapunta.
"Basta ako ang naka discover ng kanta, maganda talaga." pagmamayabang kong sabi kay Mara.
Tinaasan niya pa ako ng kilay. Hanep!
"Oo, mga sawing kanta nga mga na di-discover mo. Itong kanta ng Purples n' Oranges na 'Di Naman, bagay 'to sa'yo eh." sabi ni Mara habang nag scro-scroll down sa Twitter account niya.
"Parang...parang true." sagot ko naman kay sungit.
"Kumusta na kayo nung kausap mo sa Twitter?" biglaang tanong ni KuMara kaya napailing na lang ako.
"Ewan ko." sambit ko naman at kinuha ang phone ko at binuksan ang aking Twitter account.
"Nako! Anarah. Huwag ka nang umaasa doon! Hindi mo naman lubos na kilala yon eh!" sambit ni Mara. Wow! Straight forward talaga 'tong babaeng 'to. Forward na lang yata ang straight ngayon. Joke!
"Gurl, alam mo namang---" pinigilan ako ni Mara sa aking sasabihin.
"Tanga! Mahirap ang ganyan. Hindi mo nga lubos na kilala, ganoon rin naman yung lalaki sayo. Hindi ka na nga nireplayan eh." sinasabon nanaman ako ni Mara.
Oo na, sa Twitter ko lang naman siya nakilala, pero mukhang mabait naman siyang tao eh? Masaya siyang kausap.
"ANO?" pasigaw na sabi ni Mara. "Wala ka nang masabi kasi totoo yung mga pinagsasabi ko?" dagdag pa ng mataray kong kaibigan.
Nag pout na lang ako ng lips at chineck kung may message ako sa Twitter. Turns out, wala talaga.
"Tara na nga, balik na tayo sa room." pagyaya ko Mara. Tumayo't inaayos ko na ang gamit kong nasa mesa.
CZYTASZ
Sulat ni Anarah
Dla nastolatkówAko si Anarah Rein Goramas, isa akong 3rd year high school sa University of Manila Philippines, also known as UMP. Friendly akong tao, parang halos lahat ng mga nasa UMP, kilala ako. Hindi naman ako isang popular student sa school namin, friendly...
