"Ang gulo."

"Oo magulo. Kailangan ka ni Ken. Alam kong masaya siya sa'yo kaya huwag ka munang umalis. Saka na kung masaya na siya kapag nawala ka. Please lang Mark, sana maintindihan mo ako. Kung in love ka sa kaniya, malamang masasaktan ka. Selfish ang dating ni Ken sa ngayon dahil hindi siya namimili. May boyfriend siya at the same time, masaya siya sa ibang bagay. Mahal ko siya kaya gusto kong maging masaya siya."

It was unfair. Malulungkot siya pag wala ako. Pero sasaya siya habang hindi niya alam na may nalulungkot. "Ganun na nga lang."

"Ano?"

"Hindi na ako aalis sa trabaho. Kung tama ang opinyon mo na masaya siya sa'kin, gagawin ko na lang."

"Hindi opinyon lang 'yun dahil kilala ko siya. Maraming palatandaan na mas affected siya sa'yo. Pero salamat. Mabuti at pumayag ka. Gusto ko siyang maging komportable."

"Bakit binalak mo akong halikan?"

Tumingin siya sa'kin. "Ang gago mo. Hindi mabaho ang hininga ko. May napatunayan lang ako ng mga oras na ito."

"Ano 'yun?"

"I didn't try to test you pero hindi ka pala ordinaryong gago. May isip ka. Sa ibang lalaki 'yan, baka nasa motel na tayo. But gusto ko naman kaya walang problema kung pumayag ka. Pero ang isa pang napatunayan ko ay nakakagulat..."

"Hay! Ano 'yun?" Kung lumang RM ako, baka ipakilala pa kita kay Waine para share kami. Pasalamat ka talaga na kahit may landi ka sa katawan, nakaencounter mo ang taong nagbago na.

"Ang isang mahalagang bagay ay nacancel. Kaya maybe baka in love siya sa'yo kaya itigil muna natin kung ano ang pwedeng mangyari sa'tin. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko." Oh God. Ito na ba ang hiling ko na pagaangin Mo ang loob ko? Tinupad Mo na. Oo may boyfriend si Ken pero gumaan ang loob ko sa nangyari. May napansin kaming tumigil na kotse. "Here she comes."

Tumingin ako sa labas. Napansin kong si Ken na nga ang dumating. Kinausap lang niya saglit ang driver niya at umalis na ang kotse. Kita kong tinitignan niya kami habang lumalapit siya. Bumukas ang pinto ng kotse. Saglit kaming nagkatitigan. Inayos ko ang upo ko dahil paalis na kami. Sa dumaang oras ay ang dami kong nalaman. Totoo ngang hindi lang ako kaibigan para kay Ken. Pero hindi maiwasan na lumabas ang tunay kong ugali dahil kay Ayie. Hindi naging maganda ang gabi ko sana. Pero masaya ako nang matapos ang lahat. Hindi na ako naawat pa ni Maico na sabihin ang gusto ko kay Ken pero hindi ko naman sinabing hiwalayan niya ang boyfriend niya dahil malungkot siya. Hindi ko naman kasi agad sila hinatid pauwi dahil ito ang unang pagkakataon na makakausap ko si Ken na hindi ako nagtatrabaho.

Iba ang pakiramdam. Nawala ang lungkot ko. At isa pa, ngayon ko napatunayan na kailangan mong masaktan muna para maging masaya ka. Si Ken ay ang taong hindi pa nasasaktan ng seryoso. Masakit man sa'kin pero tatanggapin kong magiging masaya siya sa iba. Pero hiling ko lang ay sana sumaya siya sa piling ko. Saka ko din naalala na namiss kong magtrabaho. Masaya pala kung magtatrabaho ako nang walang Danilo. Ang tagal natapos ng gabing ito. "Kasalanan mo 'yan." Sabi ni Maico matapos naming ihatid si Ken.

"Bakit?"

"Pinagtulakan mo pa siyang magpakasal."

"Para sumaya na siya." Masakit sa'kin ang sinabi ko. "Para masolo mo na ako."

Hinampas niya ako sa balikat. "Sira!! 'Di bali nang mawala ka na lang kaysa maging malungkot habang buhay si Ken dahil sunod lang siya sa agos. Think of it, masaya siyang kasama ka kaya alam kong magiging masaya siya sa'yo kung magiging kayo. Hindi pa ako sure doon pero sa nakikita ko, baka ikaw ang hinahanap niya kaya.." Tumingin siya sa bandang ibaba ko. "Itigil muna natin ito." Naconcious ako. Ang mga babae talaga. "Para sa'kin kasi ay hindi pa independent ang isang tulad ni Ken. Independent siya dahil may sarili siyang mansyon. Kayang mabuhay mag-isa." Napatingin ako sa kaniya. Pareho lang kami ni Ken na kahit may sariling isip na kami ay may tao pa din na nag-aalala sa'min. Nasa edad na kami pero kailangan pa namin ng gabay.

"Naiintindihan ko."

"Sige na, pumasok ka bukas ah." Bumaba ako sa kotse at nagpaalam na sa kaniya. Napaisip ako. Kaya pala kahit may sariling pagpapasya si Ken ay kailangan siyang kontrolin at ipaiwas sa panganib. Kailangan pang kumbinsihin ako para maging masaya si Ken. Paano pala kung hindi na ako nagbalik pa? Nakatingin lang ako sa papaalis na kotse ni Maico.

Nagtaxi na lang ako pauwi. Kinbukasan.. Excited akong pumasok bilang headman. Pero sa parking lot pa lang ay may nakita akong anim na lalaki. Sino kaya sila? Nakilala ko si Danilo. Patay. Ang sama ng tingin niya sa'kin. Napatigil ako. In the name of Jesus, hindi ako mapapahamak. Tiyak 'yan. Pinalibutan nila ako. "Kamusta Rosen." Ngingiti ngiti pa ang mga kasama niya. "Hindi mo ba alam kung ano ang perwisyong ginawa mo sa buhay ko?!"

In the name of Jesus. Natakot ako. Hindi ako makapagsalita. Hinablot niya ang kwelyo ko at sinandal niya ako sa isang kotse na nakaparada. "Danilo, patawarin mo ako." I said.

"Paano?" Ang laki talaga ng galit niya. Nakalimutan ko ang tungkol sa kaniya. Walang nakikialam sa'min dahil kokonti lang ang tao at walang pakialamanan sa lugar. Wala na akong pag-asa na mailigtas pa ng dasal.

"Lalo lang magugulo ang buhay mo kung hindi ka magpapakatino. Baka mapatay mo ako at makulong ka, malaki ang oras na masasayang mo sa kulungan." Saka ko naisip na hindi ko talaga kayang mabuhay mag-isa. Makaligtas lang ako ngayon, aayusin ko na ang lahat.

Napansin kong naglabas ng balisong ang kasama niya at ngumiti ng nakakaloko. In the name of Jesus. Sinuntok ako ni Danilo sa sikmura kaya medyo napayuko ako. Tinulak niya ako para tumuwid ang tayo ko. Pumikit ako. Lalaban na lang ako kaysa masaksak. Biglang may naagaw kaming pansin. May kotse na tumigil sa gilid namin. Teka, kotse ng security ni Daddy 'yan ah. Hinarangan ako ni Danilo dahil baka may mapakapansin ng ginagawa nila. Bumaba si Kuya Rogelio at tumingin sa'min. Nagsibabaan pa ang tatlo niyang kasama. Sumindi ng sigarilyo si Kuya Rogelio. Haay salamat. Akala ko masasaksak na ako. Nakatingin lang kami sa kanila. "RM." Tawag sa'kin ni Kuya.

"Rogelio, andito ka pala." Naalala kong tropa kami. Binitawan ako ni Danilo.

"Pre, pasindi nga." Rinig naming sabi ni Junior sa kasama ni Danilo na naninigarilyo. Ang awkward tuloy. Si Junior ay kasamahan ni Kuya Rogelio.

"Di ba may pasok ka?" Tanong ni Kuya Rogelio sa'kin na parang walang ibang taong nakita. Binugahan pa ng usok si Danilo. "Bakit andito ka?"

Alam kong ligtas na ako pero bakit iba ang pakiramdam ko? "Wala Rogelio, may pinag-uusapan lang." Sagot ko.

"Tinawagan ako ni Ate P. Daanan daw kita dito." Kaya pala nagpunta sila. Haay, in the name of Jesus, thanks. "Teka!" Napatingin siya kay Danilo na tila gulat na gulat. Gusto kong tumawa pero lalo lang maaawkward kaya huwag na lang. Nakakaloko pa ang tingin ng mga kasama niya na nakaakbay pa sa isang kasama ni Danilo. "Sino ba 'tong mga tarantadong 'to?!"

Ubos! "Wala." Sagot ko. Sinenyasan ko si Danilo na umalis na. Ang bait ko talaga. Pero natutuwa ang Diyos alam ko kaya okay lang.

"Magsi-alis na nga kayo!! Baka pagtatadyakan ko ang mga mukha niyo!!" Bulyaw ni Kuya Rogelio sa kanila kaya umalis na sila. Nilihis pa ni Kuya 'yung polo niya para makita 'yung baril niya. Madaling hulaan kasi kung kaaway ko sila o hindi. Ano kaya ang sinabi ni Ate Paulina sa kaniya? Oo nga pala, hindi lang pala kailangang puro dasal lang. Kailangan din palang mag-ingat.

"Bye!" Pang-asar pa ng isa sa securities.

"Saglit, Danilo!" Habol ko.

Tumigil si Danilo. Lumapit ako sa kaniya. "Danilo, I'm sorry." Hininaan ko lang ang boses ko. "Malaki ang kasalanan ko pero sana maisip mong mas marami kang mali." Hindi siya makatingin sa'kin. Binigyan ko siya ng calling card. "Tawagan mo 'yan. Isang resort. Kung kailangan mong magtrabaho, ako ang bahala. Kakilala ko ang may-ari niyan." Tinanggap niya ang calling card at tinignan. "Aalis na ako."

Umalis ako at lumapit kay Kuya Rogelio.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon