"Alam mo bang, kinalaban na din ako. Matagal ko nang sinasabi sa inyo 'yan. At dahil wala kayong pakialam sa'kin, akala niyo, nanalo lang ako. Pero ang hindi niyo alam, may ginawa ako para lang mapasara ang bar na lumaban sa'kin."

Napatingin ako sa kaniya. Naalala ko 'yun. Ngayon ko lang naisip 'yun ah. Ang alam ko wala lang sa kaniya pero problemado na pala siya. "Ano ba ang ginawa mo?"

"Diba? Wala kayong alam." Lumagok muna siya sa beer na hawak niya. "Yung liit ng tubo ko na 'yun, akala ko sagad na. Pero may ililiit pa pala. Sabi ko, bahala na. Nagdasal ako."

Muntik ko nang maibuga 'yung beer sa mukha niya pero halata sa itsura ko na nagulat sa sinabi niya. "Marunong kang magdasal?"

Pero seryoso siya. "Alam mo naman tayo 'diba? Sabi ni Ate Paulina, dasal lang ang makakapagligtas kung hindi na natin alam ang gagawin natin. Well, natalo sila dahil nagdasal lang ako. 'Yun ang spiritual explanation but may totoong nangyari talaga."

Umiling ako pero natuwa kahit papaano. "Ano naman ang nangyari."

"Attitude."

"Kasama ba 'yun?"

"Kasama sa negosyo ang attitude. Kahit mas mahal sa kabila, kung komportable ka, mas pipiliin mo doon. Realtalk."

"Parang sinabi mong mabait ka?"

"Hindi sa ganun. Oo masama ako, aminado ako doon.." Napaisip ako. Hindi naman talaga siya masama. "Pero sa mga empleyado ko, hindi man ako maging mabuting amo, tinuturuan ko silang maging mapagkumbaba. Gaya ng advice ni Ate Paulina, kahit gaano na ka-mali ang costumer, kailangan parin silang pakisamahan. Kaya advice ko sa mga sexy kong waitress, pagpasensyahan ang mga bastos dahil para sa kanila din 'yun."

Tumingin siya sa'kin na parang sinasabi niyang tama siya. Sabay lumagok sa beer at tumahimik. Kaya pala sa mismong bar niya ay nagbibigay talaga siya. Hindi namin binubugbog ang costumer niya kung sira ulo. 'Yun pala ang dahilan. Pero kami, kaya kami napapaaway dahil mas kinakampian ng may-ari ang empleyado niya. May empleyado talagang sinungaling minsan para lang makalusot sa boss niya. May natutunan ako kay Waine. "Sabi nga ni Ate Paulina, kaya pang kitain ang pera na nawala." Tumingin ako sa kaniya pagkasabi ko.

"Kontrolado ang pera sa mundo. Kung ito ay nakuha mo dahil nanlamang ka ng tao, mawawala din agad sa'yo ito. Pero kung nilamangan ka ng tao kaya ka nawalan ng pera.. naniniwala akong parang hindi ka nawalan ng pera. Basta stay cool at idaan sa dasal."

"Kay Ate Paulina mo ba nakuha 'yan." Ngayon ko lang narealize ang ugali ni Waine pag lasing. Alam kong ganito siya ka-seryoso. Advices, mga tama na dapat gawin na hindi namin pinapansin dahil alam namin na lasing lang siya. Pero ganito pala ang pakiramdam ng nagbago na.

"Sabi ni Ate Pau.. ipagsa-Diyos nalang ang lahat dahil babalik din sa kanila ang nagawa nilang mali. Pero napatunayan kong may isa pang uri ng karma na hindi alam ng mga tao. Ito ay 'yung neutral karma. Kung ano ang nawala sa'yo, mas doble ang balik. 'Yung wala kang ginagawa pero may karma dahil may taong nang-lamang sa'yo. Hindi lang sa kaniya ang balik nun, sa taong sinamantala din niya. Parang wala siyang inisahan dahil makakabangon ng doble ang taong sinamantala niya."

Hinampas ko ang mesa ng malakas ng marinig ko 'yun. "Hindi ako naniniwala sa'yo Waine!" Mali! Parang hindi naman ako sinamantala ni Ken. Pero unfair eh. Napapikit ako. Naniniwala talaga siya sa paniniwala niya?

"Lasing ka na."

"Nawalan ako pero doble ang kapalit. Doble ang nawala!" Oo inaamin kong lasing na ako pero totoo ang sinasabi ko. Pero iba pa din ang sitwasyon. Ewan ko ba.

"Ar, lasing ka na." Tumayo siya at muntik pang matumba. Lumapit siya sa'kin. "Tera na." Niyaya niya akong tumayo.

"Hindi ako lasing." Sabi ko.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon