Lumapit ako sa driver. "Kuya, malapit lang po ba ang hatid niyo?"

"Malapit lapit lang, bakit?"

"Pwede po bang pakibalikan ako dito? Ang hirap ng taxi dito eh."

"Naku, maghintay ka na lang diyan dahil baka pagbalik ko, wala ka na. At isa pa, baka may sumakay sa'kin doon. Hindi ko isakay tapos wala ka na pala dahil may dumating na diyan. Babalik ako pero kung may dumaan diyan, sumakay ka na ah para walang sisihan."

"Sige po." May point naman si Kuya. Baka nga may mas maunang dumating kaya maigi 'yung malinaw.

Pag-alis niya ay may dumating na taxi. Sumakay agad ako. Buti na lang pala kinausap niya ako. Baka hintayin ko siya tapos nakapagsakay na pala siya. Di baling matagal ang byahe basta gusto ko talagang humiga sa kama ko. Tatlong oras ang lumipas ay nasa gate na ako ng mansyon. "RM!" Bungad ni Yolly. "Tatawagin ko si Ate Paulina."

"Huwag na. Bukas na. Matutulog na ako."

Pumasok agad ako sa kwarto ko. Kanina nakatulog ako sa taxi pero ngayon, naalala ko na naman si Ken. Ken, umalis ka na sa isip ko. Please. I'm begging you to leave me on my mind. We won't be friends. I can't. Isang babae na lumampas kahit hindi ko pinalampas. Hanggang sa nakatulog ako. Hindi nila ako ginising kaya gumising ako--late morning na. Hindi kasi ako makatulog. Pero okay na 'to, at least hindi na ako babyahe dahil nakabyahe na ako. "Kamusta RM? Bakit biglaan ang uwi mo?" Tanong agad ni Ate Paulina habang pinaghahanda ako ng pagkain.

"Magreresign na ako." I said habang nakaupo sa lamesa at kumakain. Pero ang totoo, wala na akong balak pang balikan si Ken.

"Naaalala nga kita lagi. Mabuti't nakatagal kang mabuhay mag-isa."

"Patapusin niyo muna akong kumain Ate, okay? Kagabi pa ako walang kain kain." Naiintindihan ko naman kasi siya. Tingin ko nga, ramdam niyang may kakaibang nangyari. Pero ayoko munang pag-usapan namin ang problema ko. Mamaya na lang. Hihingi ako ng advice kahit hindi siya nagmahal dahil wala siyang asawa.

"Ganun ba? Sige, mag-usap tayo." Matapos kong kumain ay nilapitan agad ako ni Ate Paulina. "Isip ako ng isip kanina pa. Bigla bigla kang dadating ng walang pasabi."

"Ate naman, nagkataon lang na nakainom ako. Gusto kong matulog sa kama ko." Nasa terrace kami. Nagsindi ako ng sigarilyo. Ilang linggo na din na hindi ko nararanasan ito. Ang magrelax sa tarrace.

"Uminom ka?"

"Nakakapagtaka ba?"p

"Hindi naman. Alam mo naman na pag-nakakainom ka sa labas, nag-aalala ako. Baka mapaaway ka na naman."

"Huwag na kayong mag-alala. Sinunod ko kayo. Hindi ako nakipag-away."

"May nakaaway ka ba sana?"

"Hindi naman maiiwasan 'yun siguro."

"Sana kasi pinigilan mo ang sarili mong magalit. Dalawang uri lang ang tao. Isang mabait at masama. Alam mo naman 'yan. Maliban na lang kung ikaw ang mali sa inyo."

"Ano ba talaga ang ugali niyong mga babae? Dalawang uri lang din ba?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Alam kong kasalanan ko ang lahat. Parang ayoko nang magmahal pa. Nasaktan na ako tapos masasaktan pa pala uli ako." Huminga ako ng malalim. Tumingin sa'kin si Ate Pau. Seryoso siya.

"Isang sugal ang magmahal. Kaya hindi ako nagmahal. Ayokong sumugal."

"Sugal? Laging talo sa sugal. Walang panalo."

"Ang sugal ay masaya sa una. Hanggang malulong ka na. Hanggang maadik ka na. Tapos papabagsakin ka niya. Pero hindi naman literal na sugal ang tinutukoy ko. Sugal. Kung saan, hindi mo alam ang kinalalabasan kung mananalo ka. Kaya sugal ang ginawa kong halimbawa ay dapat asahan mong pwede kang matalo. Hindi mo maiiwasan ang masaktan kahit inaasahan mo na. Pero kung ayaw mong masaktan, bakit ka pa susugal?" Naisip ko na naman si Ken. Panalong panalo na ako kung susugal ako. Pero natalo pa. Ganun ba 'yun? "Sabi ko na nga ba.. may problema ka." Tumingin ako sa kaniya. Siguro nga kung wala akong problema, hindi ganito ang resulta ng pag-uwi ko. Gusto kong mag-inom ng mag-inom. Lagi kong naaalala si Ken. Kay Arseli ay madali kong natanggap dahil may malaking dahilan. Pero kay Ken, hindi ko napaghandaan. At kay Ken ko nakita ang ugaling gusto ko kaya ganito ang pagkakalugmok ko. Nagsisi pa tuloy ako. Sana binaliwala ko na lang siya. Hindi na lang sana ako umasa na gusto niya din ako.

"May sinuntok ako."

"Ano?!" Nagulat siya. "Hindi mo dapat ginawa 'yun, RM."

"Alam ko. Pero hindi ko natiis eh. Ate.. alam ng Diyos na wala akong kasalanan."

"Naniniwala akong may dahilan ka."

Napatingin ako sa kaniya. Pareho sila ni Ken talaga. Hindi agad agad nanghuhusga. "Bakit mo ba nasabi 'yan?" Gusto kong alamin kung bakit. Baka ganun din ang dahilan ni Ken.

"Dahil sa sinabi mong 'alam ng Diyos ang mangyari.' Naisip kong may dahilan ka nga."

Siguro nga dahil sa sinabi kong 'yun kaya hindi ako agad kinagalitan ni Ken. "Bastos siyang tao at tamad. Alam kong mali ako. Pero sa totoo lang, Ate Pau. Kaya ako umuwi ay para umiwas na din sa gulo. Pero ang una kong gustong gawin ay ipamukha sa taong 'yun na hindi ako basta basta kung sino lang. Pero naalala kita."

"Buti na lang naisip mo ako. Bahala na ang Diyos na magparusa sa mga masasama. Pero sana hindi mo na siya sinaktan. Buti hindi ka totoong mahirap lang." Hindi na ako nagsalita. "Ano na ang plano mo? Nakauwi na ang Daddy mo. Kakausapin mo na ba siya?"

"Hindi na muna."

"Bahala ka." Hinaplos niya ang buhok ko. "Pinagdadasal kita lagi. Alam kong hindi ka mapapahamak."

"Tinatamad na nga ako. Wala din eh. Gusto kong maging masaya pero ayaw ng kapalaran na sumaya ako. Sumaya nga ako pero saglit na panahon lang. Ganito ba talaga?"

"Gaano ba kasakit? Sino ba ang nanakit sa'yo?"

"Wala naman. Tungkol sa babaing akala ko gusto niya ako. Pero may boyfriend na pala. Akala ko pwedeng mangyari sa totoong buhay ang nangyayari sa pelikula. Nalimutan kong Anak siya ng may ari ng kompanya at ako ay isa lang janitor sa paningin niya."

"Hindi pa tapos ang lahat. Baka sinusubok ka lang ng Diyos. RM, sana huwag kang bumitaw. Marami pang dadating sa'yong babae. Magsimula ka uli. Totohanan na at walang halong pagpapanggap para matanggap ka ng babae."

"Pero Ate Pau, kung makikilala mo lang si Ken, iba siya eh. Wala na akong ibang gusto. Miski magbago ang magulang ni Arseli, baka ayoko na din siyang balikan pa. Feeling ko, nag-iisa lang si Ken. Nakakatamad nang humanap ng babae. Pinakilala siya ng Diyos sa'kin hindi para maging akin."

"Ano ba ang ugali na meron siya?"

"Magkapareho kayo. Mabait at hindi mapanghusga. Mapagkumbaba."

"Maraming ganiyang babae."

"Alam ko pero ako lang ang nagpapangiti sa kaniya. Kaya gustong gusto niya ako. Pero sa kabila ng lahat, may boyfriend pala siya. Ang hirap tanggapin Ate. Lagi niyang sinasabi na ayaw niyang magkaroon ako ng problema. Binibigay niya ang gusto ko. Kulang na nga lang bigyan niya ako ng pera pero hindi ako totoong mahirap lang kaya hindi ko sinasamantala."

"Alam ko na." Napatingin ako sa kaniya. "Naranasan ko nang magkagusto sa tao dahil nararamdaman kong hindi siya masama. 'Yung tipong, alam kong hindi niya gagawin ang ayaw ko. Tulad ng sinabi mong hindi mo siya sinasamantala. 'Yun ang isa sa dahilan kaya gusto ka niya. RM, hindi pa huli ang lahat. Marami pang babae ang dadating sa'yo. Lumaban ka. Hindi masama ang sumugal basta nasa panig mo ang Diyos. Masyado ko lang minahal ang bahay na ito kaya hindi na ako nag-asawa pa. Huwag kang susuko. Magpatuloy ka lang."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now