Naisip kong hindi talaga ako ganun ka-importante kay Ken. "Huwag mo na lang sabihin. Nagtry lang ako. Baka magalit 'yun."

Lumapit si Jerry. "Ma'am, testing lang. Sorry po." Sabi niya.

Hinila ako ni Maico para bulungan. "Totoong hindi ka namin napag-uusapan ah pero kahit hindi ko itanong kay Ken, alam kong gusto ka niya dahil nababanggit ka niya minsan sa sekretarya niya. Isa pa, nababalitaan ko ang nangyayari. Loader ka na nilipat niya sa pagiging janitor para hindi ka mahirapan. Sana kung ano man ang pakita niya sa'yo, huwag mong samantalahin."

Teka, bakit parang bata naman niyang ituring si Ken? Kailangan pa bang paalahanan ako? Wala bang sariling desisyon si Ken? At wala akong gagawing kalokohan. "Hindi ako nag-apply dito para--"

"Alam ko dahil masipag ka. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo. Do your job well." Ngumiti siya.

Hindi naman pala siya galit sa'kin. "Opo Ma'am ma!"

"What?"

"Ma'am Maico."

"Miss Maico."

"Joke lang." Pero hindi talaga siguro siya napogian sa'kin. Sabagay, janitor lang ako. Maigi naman. "Malay mo, destiny tayo Ma'am." Biniro ko na lang. Akala ko sobrang wala siyang tiwala eh.

"Sira!!" Tinulak niya ako. "Wala akong planong siraan ka kay Ken. Kasi sa report sa'kin, mabait ka naman. Pero ngayon baka pag-usapan ka na namin. Itatanong kita sa kaniya."

"Huwag mo naman sabihin na naghover board ako." Baka biglang magbago si Ken. Lagot ako sa plano ko kay Danilo. Mapipilitan akong gamitin ang pangalan ko kung wala akong proteksyon dito. "Basta Ma'am, pangako ko.. aayusin ko ang trabaho ko."

"Sige na, I trust you. I don't judge you dahil si Ken na mismo ang pumili sa'yo. Aalis na ako. Goodluck." May tiwala din naman pala siya kay Ken.

"Sige Ma'am."

Umakyat kami sa second floor. Medyo tumaas ang confidence ko ngayon. Nakita kami ni Danilo. "Mamaya, sa taas kayo ah. Kailangan ng janitor doon." Utos niya.

"Sige." Sagot ko.

"Ayaw mo talagang sumama sa'kin? Tera, may yosi ako dito."

"Huwag nalang. Baka malaman pa. Mapagalitan pa ako."

"Sagot kita. Ako ang bahala sa'yo. Malakas ako dito."

Wala akong paki pero hindi pa ito ang oras para sabihin sa kaniya. "Kahit na. Okay na ako." Akala niya yata pera ang pinunta ko dito.

"Sige." Umalis na siya.

"Napipikon na ako diyan." Sabi ni Jerry.

"Malakas ah."

"Oo malakas siya kaya kahit isumbong namin siya, wala kaming magagawa."

"Ako kaya ang magsabi kay Ken."

"Maraming tropa 'yan. Nabalitaan namin noon na may empleyadong nakaaway 'yan, inabangan sa labas. Binugbog."

Talaga? Pero hindi ako natatakot sa kaniya. Hindi ko masisisi 'to si Jerry kung bakit takot siya pero oras na hindi ko talaga magustuhan ang ginawa niya.. naalala ko si Ate Paulina. Iwasan ang gulo. Sabi din sa'kin ni Kuya Rogelio na mahirap itong labasan. Iisip nalang ako ng ibang paraan. 'Yung walang tulong mula kay Kuya Rogelio at sa tropa.

Paakyat na kami ngayon. Makikita ko kaya si Ken? "Kaya mo kayang labanan si Danilo ng one on one?" Tanong ni Jerry.

"Oo naman. Hindi uubra sa'kin 'yun. Marunong ako. Marami lang talaga siyang tropa kaya malakas ang loob niya."

Expect The Unexpectedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن