Tuwing ako'y lalabas, mata ko'y hanap ka
Ako'y tumitingin sa kana't kaliwa.
Paa ko'y para bang alam na kung nasan ka
Pusong sabik ika'y nais sa tuwina.
Pagkatalikod ko bumungad iyong mukha,
Para bang puso ko'y tumalon sa saya
At munting pangarap ko'y tinupad mo na
Bukas, ako'y pwedeng mamaalam na.
Ngunit galak ko'y hindi ipinahalata
Bagkus ngiti ko'y itinatago muna
Upang di malaman tunay kong pagsinta
Dahil sa takot kong ako'y tanggihan niya.
Nunit na araw ng siya'y masilayan na,
Di ko namalayan, pag-agos ng luha
Nakita ko siyang masaya sa iba
Masakit man sakin, hahayaan ko na.
Siguro'y iyon talaga an naka-tadhana
Kaya't tatanggapin nalang ang nakatakda
Di ko na kokontrolin pa nadarama niya
Dahil makita siyang masaya'y "Sapat na".
A/N: Lol lang eh. Masyadong inspired eh. Btw, vote and comment. ^____^
Be a FAN! <33
![](https://img.wattpad.com/cover/2055745-288-k657383.jpg)