1

2.4K 15 0
                                    

HI GUYS SARILI KO PONG GAWA YUNG SCRIPTS.

KUNG GAGAMITIN NIYO PO ITO PLEASE GIVE SOME CREDITS. THANK YOU!

PLAGIARISM IS A CRIME!!




Narrator: Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago sa kanilang bahay upang magsilbing salubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa. Hindi naman iba sa Kapitan ang binata dahil ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan.

 Kapitan Tiyago: Magandang gabi sa inyo mga ginoo at binibini, gayundin sa inyo mga padre.

 Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng magsalita si Kapital Tiyago.

 Kapitan Tiyago: Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra ang anak ng isa sa mga kaibigan kong si Don Rafael Ibarra. Siya ay kakarating lamang galing sa Europa.

 Ang lahat na narooon ay manghang-mangha kay Don Crisostomo Ibarra maliban kay padre Damaso na tila ba'y hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa presensiya ni Don Crisostomo Ibarra

 Ibarra: Ikinararangal kong makita kayong lahat.

 Lumapit si Ibarra kay padre Damaso nang makita nya ito.

 Ibarra: Naririto pala ang matalik na kaibigan ng aking ama. Ikinagagalak ko kayong makita.

 Agad inilahad ni Ibarra ang kanyang kamay upang makipag kamayan kay padre Damaso ngunit tila napako ang tingin sakanya si padre Damaso kung kaya't hindi niya nagawang kumibo mula sakanyang pagkaupo.

 Ibarra: Paumanhin kung ako'y nagkamali.

 Padre Damaso: Tama ka. Ako nga si Padre Damaso ngunit kailan man ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama.

 Dahan dahan inalis ng binata mula sa pagkakahawak ang kanyang kamay dahil sa pagkahiya sa inasal ng pransiskano. Maglalakad na sana papalayo ang binata ng biglang...

 Tintenye Gueverra: Kayo ba talaga ang anak ni Don Rafael Ibarra?

 Ibarra: Hindi ka po nagkakamali. Ako nga po, ginoo. Tintenye Gueverra: Maligayang pagbabalik Don Crisostomo! Kinamayan niya si Ibarra gamit ang dalawang kamay. Nang biglang sumingit ang isang katulong.

 Katulong: Magandang gabi po sainyo mga binibini at ginoo. Nakahanda na po ang inyong hapunan. Isa isa sila nagsipuntahan sa kani-kanilang mga upuan. 

 Padre Sibyla: Ang upuang ito ay nakalaan sa inyo padre Damaso. Higit kayong nakakatanda, mataas ang katungkulan at kapangyarihan.

 Padre Damaso: Hindi naman ako ganun katanda. Sa tingin ko'y ikaw ang para sa upuang ito sapagkat ikaw na ang kura ng baying ito.

 Padre Sibyla: Sumusunod lamang ako sa inyong utos Padre Damaso.

 Padre Damaso: Wala akong inuutos!

 Mariin na bigkas at pagtatanggi ni padre Damaso. Umupo na lamang si Padre Sibyla. Wala ng nagawa si padre Damaso at kumuha na lamang ng ibang upuan. Matapos iyon ay nag pasalamat muna sila sa Diyos.

 Padre Sibyla: Sa ngalan ng Anak, ng Ama ng Ispiritu Santo, Amen. Maaari na kayong kumain.

Nagsimula na ang lahat kumain ng tahimik at makalipas ng ilang oras ay binasag na ni Donya Victorina ang katahimikan.

 Donya Victorina: Don Crisostomo, ilang taon kayong nawala sa Pilipinas?

 Ibarra: Hmm.. Mahigit kumulang po sa pitong taon.

 Donya Victorina: Baka nakalimutan mo na ang bansang Pilipinas. Matagal tagal din ang pitong taon.

Ibarra: Hindi mangyayari iyon. Lagi kong aalalahanin ang lupang aking sinilangan kahit na ang bansang Pilipinas na siya ang lumimot saakin. Sapagkat hindi ko man lang nalaman kung saa at paano namatay ang aking ama.

noli me tangere scriptWhere stories live. Discover now