Ang torpe kong bestfriend

3 0 0
                                    

ANG TORPE KONG BEST FRIEND..

Introduction

Isa akong college student girl sa isang malaking university sa Pampanga. Isang masscom student. Sheena Ortiz ang pangalan ko, 17yrs old at 1st year student. Simpleng studyante, walang kaartehan sa mukha at pananamit (Oo simple talaga as in simple lang). Hindi ako ung tipong manang ang dating at hindi rin naman ako head turner kagaya ng ibang mga babae sa campus namin, hindi ako panget at hindi rin ako ganun kaganda alam mo ung tipong tama lang? Oo ganun nga ako sa sobrang laki ng school namin minsan nga naiisip ko meron pa kayang ibang studyante na napapansin ako o alam na nageexist ako sa university namin? Well, syempre pwera nalang sa mga classmates ko diba?

Unang taon ko sa kolehiyo pero pangalawang sem na nun nung may pasok kami ng sabado para sa nstp subject namin, kadalasan kasama ko mga kaklase ko pagumuuwi kasi parehas kami ng daan pauwi. Nung araw na un nagyayaya silang maglakwatcha, kaya lang dahil meron akong strict na magulang (ou strict talaga sila) di ako sumama dahil alam kong gagabihin kami at masesermunan lang ako kadating ng bahay. At nung araw din na  yun magsisimula ang storya ko..

Chapter 1 – Unang Pagkikita

Hapon na nung natapos ang klasi namin at ng nagpaalam ako sa mga kaklase ko na muuna na akong umuwi.

Ako: guys una nako samin ha? Alam nyo naman sina inay at  itay sobrang luwag (Kabaliktaran ang ibig kong sabihin..) sa ganyan.

Sarah: Sige shee, alam namin at baka mapagalitan din kami. Haha

Ako: oo nga next time nalang pag di biglaan. Bye Guys!  =)

Lumabas nako ng room namin, kasi nagaayus pa sila or retouch siguro ang tamang term dun kaya diko na sila hinintay. Sobrang dami ng mga studyante kahit sabado, ung feeling na naglalakad ka ng magisa sa gitna ng madaming tao para lang lumabas ng school? Oo medyo exaggerated nga lang ang pagkakasabi ko pero sa totoo lang parang malapit na sa ganung eksena.

Ako: Sa wakas! Nakalabas nadin ako ng gate ng school namin. (sabi ko sa sarili ko, isa akong tao na madaming sinasabi sa sarili katulad nalang nito..)

Ngayon, jeepney naman ang problema ko, puro puno ng estudyante. Maghihintay nanaman ako ng mga ilang minuto para makasakay lang ng jeepney sa tapat ng university namin.

Tik Tok, Tik Tok, Tik Tok sabay tingin sa mga jeep na puro puno ng estudyante. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan at tingin ulit sa kaliwa. Teka, parang familiar  sakin un ah. Tingin ulit sa kanan.

               Ako: kurt?

               Kurt: shee..

               Ako: Dito ka  din pala nagaaral. Anu Course mo?

               Kurt: Oo dito ako lumipat since second year high school, civil engineering. Ikaw?

               Ako: ah, masscom ako. (Insert smiley)

Nga pala si kurt ay kaklase ko nung 1st year high school, sya ung tahimik at tipong mahiyain pero sobrang talino. Hmm, ou na aamin nako. Crush ko sya nung 1st year pa kami dahil sa sobrang talino nya pero ang humble at ang mabait. Ng biglang may nagsalita…

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang torpe kong bestfriendWhere stories live. Discover now