The path of being an old maid

Depuis le début
                                    

“Talaga? Bakit nga ba hindi Ares? Pamilya na rin naman natin si Nelly.”

“Tumigil na nga kayo!” napasigaw na ako sa panggugulo nila. “Nelly, seriously, si Kuya Ares? Nakakadiri!” sabi ko sabay irap kay Kuya. “Ma, si Kuya Ares ay para kay Ate Hazel at si Nelly ay para…para… para kay A…A… para sa akin. Hindi sila pwedeng magkatuluyan dahil magiging baliw ang buong angkan nila!”  malakas na protesta ko kay Mama.

Natigilan silang lahat dahil sa lakas ng protesta ko. Tapos unti-unti silang tumingin sa akin at ngumiti ng malaki.

“I miss you, Meg! Salamat naman at nagsalita ka na ulit at kinausap na kami.” lumapit sa akin si Mama at nabigla nalang ako sa biglang pagyakap niya.

“Akala ko kakailanganin ko ng mabigat-bigat na therapy para sayo eh. Hay,” sabi ni Nelly sabay higa sa tabi ko.

“Oh tara na. Bumangon ka na dyan Meg at maligo. Aalis tayo.” Napatingin naman ako kay Kuya dahil sa sinabi niya.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Magcecelebrate.”

“Nang ano? Kayo na ba ni Ate Hazel?”

“Hay, naku, matanda na talaga. Nakalimutan na eh. Tsk!” napasulyap naman ako kay Nelly na nakahiga sa kama ko at umiling iling ito sa akin.

“Ano nga yon?”

“Hay, nako, tumanda ka lang ng isang taon naging ulyanin ka na.” naguguluhan ako sa sinabi ni Nelly.

“Tumanda ng isang taon?” napatingin naman ako kay Mama at nanlaki ang mga mata ko ng tumango siya sa akin.

“Happy Birthday, Meg!” niyakap ulit ako ni Mama ng mahigpit pagkasabi niyang iyon.

“Happy birthday, bestfriend.”

Napabuntong hininga nalang ako. Nalimutan ko na birthday ko ngayon. Birthday ko ngayon.  I am thirty years old. Oh my God! I am thirty years old! Isang taon na lang ay wala na ako sa kalendaryo.

“Happy, birthday baby sister. Magbihis ka, magpaganda at aalis tayo. Birthday treat ko sayo.”

“Seriously? Libre mo, Kuya?”

“Ayaw mo ata eh,” at nakataas pa ang kilay niya sa akin.

“Hindi naman. Okay lang pero mas gusto ko munang dito nalang sa bahay.”

“Ay! Tumigil ka Meg. Anong gagawin mo dito? Magmumukmok? Sige na at umalis kayo ng Kuya mo at ni Nelly. Magpakasaya kayo,” sabi ni Mama at ramdam ko ang pagmamadali sa boses niya.

“Wala akong gana, Ma.”

“Anong walang gana?”  Napatingin nalang ako sa may pintuan dahil sa boses na narinig ko at nakita ko ang buntis kong Tita na naka-red dress at sexy pa rin manamit kahit na buntis.

Old and UnwantedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant