The path of being an old maid

Magsimula sa umpisa
                                    

“Masakit, Meg ha!” ramdam kong nainis si Kuya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Invasion of privacy na kasi ang ginagawa nila.

“Margaret! Dalawang linggo ka ng parang zombie sa pamahahay ko at kapag hindi ka pa lumabas ng kwarto mo at makipag-usap sa amin papalayasin talaga kita dito.”

Tumingin lang ako kay Mama. Okay lang kung palayasin niya ako. Bakit nga ba hindi ko naisip ulit na umalis nalang ng bahay?

“Hoy, babae! Kalimutan mo ang sinabi ko. Hindi kita papalayasin dito, ipapatawag ko lang ang Lola mo, tignan ko nalang ng tibay mo.”

Umiwas nalang ako ng tingin kay Mama. Hindi pa rin ako kumikibo.

“M-meg…lalapit ako. Sige na…bestfriend? Uy! Lalapit na ako ha.” Nakatingin lang ako kay Nelly ng matalim habang unti-unti siyang lumalapit sa may kama ko.

Tinuro ko kung hanggang saan lang si Nelly at pinatigil. Nag-sign language ako sa kanya na sabihin na niya ang dapat niyang sabihin pero hanggang doon na lamang siya sa kinatatayuan niya.

“Ares, tumawag ka ng interpreter dali,” ngising ngisi pa si Nelly noon sinabi niya yon at mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay.

“Sure, sino ba gusto mong tawagin ko? Si Tim?” inambaan ko nalang si Kuya ng sinabi niya yon.

“Meg, anak, tama na. Ayoko naman magkaroon ng baliw na anak. Pwede mo kaming kausapin kung malungkot ka. Ikaw na lang ang pag-asa kong magbibigay sa akin ng apo tapos mababaliw ka pa? Paano na?”

“Ma, andito pa ako. Pwede akong magbigay ng normal na apo.” Nakatingin lang ako sa nainsultong mukha ni Kuya dahil sa sinabi ni Mama.

“Ah ewan, ang tanda-tanda mo na wala ka pa rin nabubuntis. Gumagana ba yan, Ares?”

Gusto kong mapatawa sa sinabi ni Mama pero pinigilan ko. Naalala ko nalang na wala pala talaga akong normal na pamilya.

“Subukan natin, Ares,” napailing nalang ako ng dahil sa sinabi ng loka-loka kong kaibigan.

“Tigilan mo nga ako Nelly. Hindi ko maatim na dampian iyang labi mo. Naiimagine kong si Meg ang hahalikan ko. Eew!” Bakit ako? Mga pinagsasabi talaga ni Kuya.

“Aww, iba ako kay Meg, Ares! Why not try it. Malay mo, tayo pala—“

 “Teka, teka, may namumuo palang ganyan sa inyo Ares at Nelly, bakit hindi ko man lang nalaman?”

Napatingin nalang ako kay Mama.

“Tita, matagal ko na pong crush si Ares noon nasa university palang kami. Sumali pa nga ako sa ‘A valentine’s date’ with Mr. JuanTamad aka Ares Tan.”

“Laking pasalamat ko na talaga na hindi ikaw ang nanalo,” umirap nalang ako sa pangungutya ni Kuya sa kaibigan ko.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon