"Bakit mo ako tinanggap?"

"Bakit ka nag-apply?"

"Ayoko talagang mag-apply. Kailangan ko lang ng palatandaan na nag-apply ako."

"Bakit kailangan?"

"Pinag-aapply ako ng Tatay ko. Ayoko. Kaya hindi ko na sinikap na tanggapin mo ako. Para kung tanungin niya ako, may isasagot ako kaso ayokong matanggap."

Lumakad siya. "Sumunod ka sa'kin." Sumunod naman ako. "Bakit kailangan mong mag-apply?"

"Bakit ba nag-apply ang mga tao?" Balik ko sa kaniya. Nag-uusap kami habang naglalakad. Baka wala nga siyang alam kaya sasagot na lang ako ng kahit ano.

"Kailangan niyo ng pera tapos ayaw mong magtrabaho?" Lumingon siya pero matuloy parin sa paglalakad. Halos tumakbo na ako sa bilis niyang maglakad.

Mukhang wala nga siyang alam sa pagkatao ko. This will be just a game. "Wala naman kasi akong alam na isasagot sa'yo."

"Sana ginawa mo ang lahat. Hindi mo ba alam na kahit hindi ka nakikita ng Tatay mo, nakikita ka ng Diyos? Kaya wala ka parin ligtas." Nagulat ako. Oo nga pala. Pinaalam na sa'kin ni Ate Pau 'yun. Bakit nga ba hindi ko naisip? Teka, hindi pala siya ganun kataas dahil nabanggit niya ang Diyos ng hindi nahihiya. Ito na ba 'yung sinasabi ni Ate Pau na himala ng Diyos? Kung ano ang dapat, 'yun ang mangyayari at kung ginusto niya--mangyayari? "Oh bakit hindi ka makasalita?" Naglalakad parin kami. Teka, hagdanan na 'to ah. Tinatry niya ba ako?

"Perdigana ba dito? At kailangan bang maglakad tayo hanggang baba para lang masabing kaya ko ang trabaho?" Alam ko na. Dahil tinanggap niya ako, gagawin ko na lang ang sinabi ni Ate Pau. Mukhang wala nang atrasan 'to. Dahil kung hindi ko gagampanan ang trabaho ko, baka sisihin si Kennedy Go na ito at wala naman sana akong pakialam dun dahil kasalanan niya 'yun. Pero baka magalit sa'kin ang Diyos. Lalo akong walang marating.

Napakunot ang noo niya. Hindi niya siguro alam ang salitang perdigana. "Hindi ako sanay mag-elevator kaya pasensya na." Bumaba kami tapos dumaan kami sa kanan. "Ay mali dito pala." Dahil sa bilis niyang kumilos, muntik na akong madapa. "Sorry ah, dito pala ang mga loader."

"Galing ah. Cross over move. Muntik akong madapa." Sabi ko lang.

Lumingon siya sa'kin at ngumiti. Napatakip pa sa bibig niya. Akala ko puro lang siya simangot. Marunong pala siyang tumawa. So, hindi din pala siya bad mood. Ano ang gusto niyang palabasin? "Pasensya na nalito lang. Kinakausap mo kasi ako." Nakarating kami sa mga lalaki na nagbubuhat ng bagahe. "Nasaan ang leadman niyo?"

"Miss Ken, andito ako." Lumapit ang isang lalaki.

"May bago kayo." Tinuro niya ako. "Itrain niyo siya. After 2 hours babalik ako ah."

Umalis si Ken? Ken pala ang tawag sa kaniya. "Ano mo siya?" Tanong sa'kin ng lalaki.

"Wala! Siya kasi 'yung nag-interview kasi may meeting 'yung Hiring Manager."

"Tanggap ka agad?"

"Ewan ko dun."

"Si-sige, ganito lang, bubuhatin mo ang mga bagahe at isasakay sa eroplano."

Ganun na nga ang ginawa ko. Mahirap pala. Pero kaya ko. Parang naggygym lang ako. May lumapit na babae sa'min. "May bago pala." Tanong nito.

"Sus, gwapo lang eh kaya tinanong mo." Sabi ng kasama ko na nagbubuhat din. Tawa lang ng tawa 'yung babae.

Umalis 'yung babae. "Ano ang trabaho niya?" Tanong ko.

"Cleaning attendant."

"Ah okay. Swerte ng mga babae no. Ang gagaang ng trabaho."

"May magaan din na trabaho sa'tin. Kaso hindi sa'tin bagay 'yun. Wheelchair attendant. Tagatulak lang ng mga pasahero na nakawheelchair."

Parang okay 'yun ah. Makakausap ko ang mga matatanda. Siguro naman karamihan sa kanila matanda na. Nakakaaliw pa naman silang kausap. Parang bata. Napaisip ako. "Hindi tayo pwede doon?" Tanong ko.

"Mas maraming kailangan sa Loader eh. Gusto mo.. janitor?"

"Ayoko nun dude!" Dadaan daanan ako ng mga tao. Yuck! Nakakahiya 'yun. Ang liit liit ng tingin sa'kin. Baka mga kakilala ko pa ang makakita. Pagtatawanan ako.

Dalawang oras ang lumipas ay bumalik si Ken. "Ano, okay na?" Tanong niya.

"Okay na 'yan Ma'am. Kailangan na lang niyang masanay."

Tumingin siya sa'kin. "Hi Ma'am!" Bati kay Ken ng ilang dumadaan.

Binati din naman niya ang mga ito pabalik. Kanina, panay din ang bati sa kaniya. Kasi siya ang Anak ng may ari nitong airport. "Sumunod ka sa'kin?" Sunod na naman. Okay. "Kailangan mo ng trabaho kaya kailangan mong magsipag."

"Bakit hindi mo tinaggap agad ang dalawa kanina at bakit ako lang daw ang trainee na dinala mo dito?"

"Natural, ako ang nag-interview. Kailangan ng Loader dito kaya tinanggap na agad kita." Kaya pala. Pero bakit 'yung dalawa, hindi niya agad tinanggap? Ayoko na ngang itanong. Nakarating kami sa wakas sa taas. One girl gave her a towel. "Magpunas ka ng pawis mo." Utos niya. Wow. Alipin ako nito ah. "Pumasok ka ng umaga bukas. Seven oclock. Ako na ang bahala. Daanan mo ako ah. Bibigyan kita ng uniporme. Libre lang. Sa iba may bayad 'yan."

Nagtaka ako. "Sa iba? Ano 'yun, mas maganda sa inyo? Kasalanan ko bang mapunta ako dito. Ayoko ngang matanggap sana."

"I only mean, may bayad ang uniporme dito. Pero ibibigay ko ng libre. Pwede ka nang umalis. You don't have a choice. Sa ayaw mo at sa hindi, magtatrabaho ka. Kung magtatrabaho ka sa iba, walang libre doon kaya mas maiging dito ka na lang, understand?"

"Thank you, Ma'am. Buti pala dito ako napunta at hindi sa iba na tinutukoy mo." Tumawa siya at hinampas niya ang balikat ko.

"Umalis ka na nga. Pasalamat ka, gwapo ka ah. Bumalik ka dito ah. Ako ang bahala sa'yo basta magtrabaho ka lang nang maayos."

"Umalis ka na rin." Sabi ko tapos tinitigan niya ako. Sa totoo lang, nasabi ko lang 'yun dahil parang ang dali niyang kagaanan ng loob. At kung magagalit siya, hindi ako natatakot.

"Hindi ako aalis dahil property namin 'to. Sira ka ba" She's cool. Bakit siya ganiyan? Dapat napikon na siya?

Lumabas ako. Hindi kaya crush niya ako dahil sa pogi ako? Paano siya magkakacrush sa'kin? Hindi kaya may iba pa siyang ugali? So, pwede ko siyang perahan kung totoo nga ang nasa-isip ko kahit mas maraming pera ang Pamilya namin sa Pamilya niya. Kasi pwedeng totoong mahirap lang ako. Buti na lang ako ang napili niyang magustuhan dahil kung totoong mahirap lang ako, totoong peperahan ko lang siya. Dahil hindi pwedeng makatuluyan ng langit ang isang lupa lang. Hindi ako makapaniwala. Sabagay, ayoko siyang husgahan. Kailangan ko siyang kilalanin pa para malaman ko kung gusto niya talaga ako. Nabanggit niya ang Diyos. So unpredictable.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now