Ilang oras ang lumipas. "Sino si RM?" Tanong ng pulis. Nakaramdam ako ng saya dahil mukhang may tumulong na sa'kin.

"Ako!"

"Laya ka na!" Nakatingin lahat sa'kin tapos napansin ko si Kuya Rogelio na nagpunta sa kulungan.

"RM, bakit may sugat ka sa bibig? Andami niyo pero nasugatan ka pa! Napakahina mo naman!" Sabi ni Kuya Rogelio.

"Wala 'to." Pero napatingin ako sa mayor.

"Magtapat ka nga sa'kin! Sa'n mo nakuha ang sugat?" Nakahalata yata siya. Baka balikan niya ang mga preso kaya ipagtatapat ko na.

Alam ko na din ang ipapagawa niya. Lumapit ako sa mayor at sinipa ito sa mukha! Naalala ko ang ginawa niya kaya uminit ang ulo ko. "Ito kasing gagong 'to eh!" Sabi ko.

"Bigyan mo ng dugo bago ka umalis dito!"

Nagsalita ang mayor. "Teka muna, bakit?" Pero sinapak ko siya sa mukha. Lalo siyang napahiga.

"Ayokong gawin 'to pero kailangan. 'Yung kasama ko kasi ang gugulpi sa'yo kapag hindi ko 'to ginawa." Napatingin siya kay Rogelio. Malaking tao si Kuya Rogelio. "Kung sana naging mabait ka sa'kin, hindi kita--" Tinapakan ko ang mukha niya. "Gaganituhin!!"

Ilang sandali pa ay nakasakay na ako sa kotse kasama si Kuya Rogelio. "Alam mo, RM. Tama ang Daddy mo. Pero wala na akong magagawa pa dahil andiyan na 'yan."

"Pinag-utos ba niyang ilabas mo ako?"

"Hindi! Ako ang may gusto. Tumawag sa'kin si Ate Paulina. Pinaalam ko sa Daddy mo, pinag-utos niyang pabayaan ka namin dahil nakakasawa nang tulungan ka. Pero dahil may Anak din ako, tinulungan parin kita. Alam kong kahit galit sa'yo ang Daddy mo, mahal ka niya."

"Hindi niya ako mahal!"

"Mahal ka niya! Alam kong ginawa ko ang nararapat sa paningin niya. Kaya magalit man siya sa'kin dahil tinulunan kita, hindi seryoso ang magiging galit niya. Alam kong galit siya sa'yo pero magiging masaya siya kung ligtas ka. Ginawa ko lang ang trabaho ko. Trabaho kong pangalagaan hindi lang ang Daddy mo. Kung tutuusin nga dapat Rogelio na lang ang itawag mo sa'kin. Sa laki ng sinasahod ko, aba kailangang hindi ako parang pako na kailangan pang pukpukin para bumaon. Naiintindihan mo ba ako, Ar?"

"Hindi na mauulit."

"Kanang kamay ako ng Daddy mo, may Anak din ako. Mawala man ako sa paningin niya, oras na malaman niyang nilabas kita, sasaya siya dahil Anak ka niya. Pero kailangan niyong mag-usap. Ama din ako kaya nag-aalala ako sa Daddy mo. Alam ko ang pakiramdam ng isang Ama dahil Ama din ako. May mga bagay na hindi na kailangan pang iutos. Trabaho kong pangalagaan ang pamilya niyo. Oras na dumating na naman ang ganito sa'yo, ayoko na dahil Ama din akong kailangan bigyan ng parusa ang isang katulad mo. Pinaalam ko lang para alam mong hindi mo na dapat inuulit ang ganito ka-estupidong pangyayari na pagsasayang lang ng panahon at pera."

"Pasensya na Kuya--"

"Rogelio na lang. Hindi ko gusto ang tawagin akong Kuya lalo't mas mataas sa'kin."

"Hindi ko kaya."

"Alam mo RM, mabait kang bata noon. Alam kong bitbit mo pa hanggang ngayon. Nabarkada ka lang. Ayusin mo ang buhay mo."

"Wala nang pag-asa."

"Dahil 'yun sa'yo kaya huwag mong sisihin ang Daddy mo. Porke wala siyang time sa'yo, sinisisi mo na siya?"

"Dahil hindi siya naging Ama sa'kin!!"

"Ama mo parin siya. Alam mo ba kung bakit ka nagkaganiyan? Dahil parang tinutusok ang dibdib ng isang Ama kung paparusahan niya ang Anak niya dahil may ginawa itong kalokohan pero kailangan 'yun para madisiplina ka. Alam ko 'yan dahil Ama din ako. Ang sakit sa'kin na paluin ko ang Anak ko pero kailangan. Tarantado ako noon at maraming pagkakamali. Kaya ayokong matulad sa'kin ang mga Anak ko. Hindi malakas ang dibdib ng Ama mo dahil malambot siya. Dahil sobra ang sakit ng mararamdaman ng isang Ama pag sinaktan niya ang Anak niya, literal man o hindi! Kaya parang awa mo na, RM! Kung wala ka nang pag-asa pa, magbago ka para lang sa Ama mo! Ama din ako kaya sa laki ng sinasahod ko sa Ama mo, gagawin ko ang nararapat. Ito na ang huli RM dahil kailangan mo nang madisiplina. Hindi ko lang alam kung buhay ka pa sa huling magiging kalokohan mo. Masakit 'yun sa Ama mo kaya kahit puro sakit ng ulo ang dinudulot mo, hindi ka niya mapabayaan. Hinold niya ang pera mo sa bangko para magtino ka pero masakit sa kaniya 'yun! Hindi ko sinasabi sa'yo 'to dahil ito ang nararapat gawin. Ang trabaho ay trabaho. Mahal ko ang trabaho ko kaya ko ginagawa 'to. Kailangan kahit labag ang ginawa ko ay matuwa sa'kin ang Ama mo. Kaya tumagal ako sa trabaho ay dahil mahal ko ang trabaho ko. Hindi na inuutusan pa kaya nagustuhan ako ng Daddy mo. Sinasabi ko sa'yo ito para hindi mo isipin na nanghihinasok lang ako sa pamilya niyo."

Napaisip ako. Habang nasa kulungan ako ay napag-isip isip ko na baka isang araw wala nang tumulong sa'kin. Nakakatakot din pala. Sige, gagawin ko na lang na magpakabait. Bahala na. Pero hindi dahil kay Daddy. Dahil kay Kuya Rogelio. Tama siya, ano kaya ang mangyayari sa buhay ko? Ayokong magparami ng pera dahil hindi ito madadala sa hukay. Umuwi ako kasama si Kuya Rogelio. "RM!" Salubong sa'kin ni Ate Paulina. "Nag-alala ako sa'yo. Akala ko papabayaan ka na nila. Huwag ka na kasing makipag-away!" Hindi ko pwedeng idahilan na papatayin ako kung hindi ko gagawin 'yun. The fuck! Alam ko na ang sasabihin nila. Umiwas kung kinakailangan.

"Ate Paulina, pasensya na. Hindi na talaga mauulit." Sabi ko.

"RM! Basta kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magmatapang." Sabi ni Kuya Rogelio. Nonstop talaga ang pangaral kaya hindi na talaga mauulit. "Andito ako para tulungan ka. Para saan pa't naging kanang kamay ako ng Daddy mo kung hindi ako makakatulong sa'yo. Marami akong tauhan. Basta kung may nakikita kang kakaiba, tawagan mo ako. Para hindi na umabot pa sa ganito. Umiwas sa gulo dahil madaling pumasok diyan pero mahirap labasan. Parang pag-ibig ko sa asawa ko 'yan." Ngumiti pa si Kuya Rogelio. "Ate Paulina, aalis na ako." Tumingin siya sa mga guwardya. "Walang matutulog ah!" Utos nito.

Pumasok ako sa kwarto ko. Naglaro ng Farmville. Paborito ko 'to 'pag walang magawa. Nainis ako kasi nasira ang mga halaman ko dahil sayang ang pera. Kung may taga ayos lang sana ng lupain ko kahit game lang 'to, mapapalaki ko 'to agad. Saka ko naisip si Daddy. Kaya pala niya ako gustong maging negosyante para may makatulong siya. He's a business tycoon na may Anak na walang alam sa business. Naalala ko ang pakiramdam ng maraming pera sa Farmville. Masaya pero game lang 'to. Pwedeng iwan kung magsasawa na. Iba ang totoong buhay. Ganito din kaya ang nararamdaman ni Daddy? Magparami ng pera dahil doon siya masaya. Paano kung ayaw kong tumulad sa kaniya? Naisip ko 'tong larong Farmville. Laro lang pero hindi ko kayang imanage dahil kulang ang oras ko. Kaya siguro gusto ni Daddy na may makatulong sa business niya. Ngayong hindi niya ako makatulong, pabalik-balik si Mommy sa ibang bansa. Oh my god. Napasapo ako sa ulo ko. Nagsisisi na ako. Ayoko na. Paano ko aayusin ang buhay ko? Ngayon ko naisip na masaya sila sa ginagawa nila. Bakit ba lagi kong naiisip na mukhang pera sila eh ako ngang naglalaro lang ng Farmville, umiinit na ang ulo pag nasayangan ng pera. Laro lang naman ito. Siguro nga masaya sila sa ginagawa nila. Pero paano ako magiging negosyante para matulungan ang mga magulang ko kung highschool grad lang ako? Matanda na ako kung mag-aaral pa ako! Ano ang gagawin ko?

Tinawagan ako ng girlfriend ko. Isa pa 'to. "Hello, RM. Nakauwi ka na daw?"

Nakakasawa nang itago niya ako sa Parents niya. "Arseli, break na tayo! I won't let ourselves in this situation forever!"

"RM, ayoko, pinaglalaban naman kita 'di ba? Huwag mo nang isipin ang Parents ko. Ako ang mahal mo at hindi sila."

"Arseli, nakakapagod nang itaboy ng Parents mo. Oo may pera ang pamilya ko pero iba ang hanap nila. 'Yung matutulungan sila!"

"RM, huwag mo akong iwan!"

"I'm not the man who shoulda be your husband. Masakit para sa'kin na iwan ka pero pagod na pagod na pagod na pagod na ako sa ganitong uri ng relasyon. Arseli, pag ako ang naging asawa mo, ano ang mangyayari?"

"WALA NA AKONG PAKIALAM RM. AYOKONG MAGHIWALAY TAYO!"

"Naaawa ako sa'yo dahil mahal kita, kailan man ay hindi ako magugustuhan ng magulang mo dahil ang gusto nila ay 'yung lalaking makakatulong sa kanila. Hindi nga sila makalapit kay Daddy dahil na din sa'kin. Wala akong pinag-aralan. Kaya please Arseli, let's stop. Let's be saparated. May lalaking nararapat para sa'yo!" Binaba ko ang phone. Umiyak dahil masakit sa'kin na iwan ang babaeng tumanggap sa'kin sa likod ng katayuan ko sa buhay. Kaso, sawang sawa na akong pagbawalan ng magulang niya. Siguro kung mahirap lang ako, baka ipinapatay na ako ng Daddy niya. Pinatay ko ang phone. Tinawagan ko ang mga gwardya ng village para alam nilang hindi dapat papasukin si Arseli. Masakit para sa'kin but I'm so sick for being like this!

Ito na ang magsisilbing huling pakiusap ni Arseli. Papanindigan ko talagang break na kami.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon