Nagulat ako dahil sa gilid ko, may lumitaw. "Rosen!"

"Ken, ano ba?"

Natanggal ang pagkaparanoid ko kaya inalis ko ang pagkakahawak niya sa'kin. "Bitawan mo ako!"

"Alam mo naman na hindi ako mabilis maglakad. Bakit iniwan mo ako?"

Kailangan kong magalit kahit sumaya ako dahil mali ang akala kong nainis siya sa'kin. "Naabutan mo nga ako 'di ba?"

"Tumakbo kasi ako!"

Pilit kong inalis ang kamay ko dahil hinawakan niya uli. "Bitawan mo ako!"

"Pag hindi ka tumigil, dadalhin kita sa tinutuluyan ko!" Nakatitig kami sa isa't isa pagtapos niyang sabihin 'yun.

Wow! Nanakot pa. Sobrang natakot ako ah. Natakot ako grabe! "Bitawan mo ako." Pero alam kong malakas siya at alam ko din na wala akong pag-asa na makaalis. Nagtataka lang ako dahil sobrang nag-iinarte ako ngayon. At ang pinaka alam ko ay gagawin ni Rosen basta sinabi niya. Medyo nasaktan na ako pero okay lang. Kasalanan ko naman. Hindi ako umaaray dahil gusto ko din naman yata.

"Dadalhin talaga kita sa inuupahan ko! Akala mo hindi ko magagawa 'yun?" Another brilliant idea, is it? "Ken!" Bigla siyang pumara ng trycicle. Sinakay niya ako. Sumakay naman ako. First time kong sumakay sa trycicle. "Paki diretso lang po." Ang ingay pero okay lang. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. "Ken." Bulong niya. "Bakit ba?" Hindi ako nagsasalita. Manhid ba siya? Hinawakan niya ako sa pisngi. Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya. "Ken, sorry."

"Bakit?" Nagsalita ako sa wakas.

Hinalikan niya ako. Medyo nabigla ako. Matagal ang halik niya. Pero napansin ko na lang na lumalaban ako sa halik niya. Bumitaw siya. Tumitig siya sa'kin. "Para po sa tabi!"

Tumigil ang trycicle. Bumaba kami. Bakit kaya? Pumara naman siya ng taxi ngayon. Sumakay kami. "Saan tayo pupunta? Gamitin na lang natin ang kotse ko." Hindi siya sumasagot pero sinabi niya sa driver kung saan kami pupunta. Baka dadalhin niya ako sa kanila. Another brilliant idea. Malalaman ko na ang hindi ko alam. Makikilala ko na ang Pamilya niya. Pero ang isa sa biglang pumasok sa isip ko. 'Yung halik na nangyari. Alam kong magbabago na ang pagtitinginan namin dahil doon. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari pagdating namin sa kanila. Medyo malayo dahil sa pagkakaalam ko, 3 hours ang byahe namin. Seryoso lang si Rosen. Nasasabik na ako dahil ang halik na 'yun ang nagsabi na kami na talaga. Medyo ilang pa kami sa isa't isa. Pero 'di magtatagal, alam kong magiging sweet na kami. Ang galing kong mag-inarte. It'd have been effective. And even it was all in my favor.

"Uuwi tayo sa'min." Sabi niya. Tama nga ang hinala ko. Magbabago na nga ang lahat. Sana maisip niyang may tiwala ako sa kaniya kaya sana magtiwala siya sa'kin. Hindi ako katulad ng ibang babae.

Hindi na ako nagsalita. Hindi na kami nag-usap. Umidlip ako pero gising ang diwa ko. Ilang sandali pa ay alam kong nakarating na kami. "Dito po ba?" Tanong nangdriver nang makakita kami ng isang village.

"Sige." Pumasok kami sa village. Pinapasok kami ng gwardya at sumaludo pa sa'min. Nakangiti pa sila. Gets ko na. Baka katropa sila ni Rosen. Napansin ko kasing seryoso siyang nakangiti. Pero walang bahay sa village na ito. Maya maya ay may maliit na river akong nakita sa kaliwa. May malaking mansyon din akong nakita. Paikot ang daan kaya alam kong sa dulo nito ang gate ng mansyon. Bakit doon kami pupunta? Seryoso lang si Rosen. Hanggang sa tumigil na kami. Hindi nga ako nagkamali. Sa mansyon nga ang punta namin. Dito kaya nagtatrabaho ang Pamilya niya? Nakaramdam ako ng kaba. Bakit?

Biglang bumukas ang gate. "RM!" Banggit ng kasambahay.

"Hi!" Bati ni Rosen.

Pumasok kami. Pagpasok namin ay nakakita ako ng sports car at isang napakagandang garden. "Ate Paulina! Ate Paulina!" Rinig kong tawag ng kasambahay na sumalubong sa'min. "Andito na po si RM!"

Sino ba si RM? Rosen Mark! Siguro nga. Sinalubong kami ng isang may edad na babae. "RM! Nagulat ako, bakit ang aga naman. Sabi mo bukas pa." Nagyakap sila. Hindi kaya Nanay niya ang babaeng ito? Halatang hindi naman ito ang may ari ng bahay.

"Napaaga lang."

"May kasama ka pala." Tumingin sila sa'kin.

"Hello po." Bati ko.

"Pumasok muna kayo. Maghahanda ako ng meryenda."

Pumasok kami. Tumingin ako sa paligid. Ang laki. Mas malaki pa sa mansyon ko. May nakita akong malaking portrait bago ako umupo. Umupo si Rosen sa harap ko kaya nasa likod niya ito. Ang gwapo. Parang si Kurt Cobain. Hindi, kamukha siya ni Jesus. Makapal ang bigote at balbas. Long hair pa. Napatingin ako kay Rosen. Nagrerelax siya. Napansin ko ang kilay niya. Oh my god! Pareho ng kilay doon sa lalaking nasa portrait. Si Rosen ba 'yun? Nanlaki ang mata ko. Nahagip ng tingin ko ang nakadisplay na maliit na picture sa gilid. Teka, si Mr. De Rocca 'yun ah. Oo kilala ko siya. May kasama siyang bata. Napayakap ako sa bag ko. Batang Rosen 'yun. Hindi ako nagkakamali. Nakita ko ang pagkakahawig nila. Halatang luma na ang picture. Nanlaki ang mata ko. Tatay ba niya si Mr. De Rocca? Nagkatinginan kami ni Rosen. Naginginig ako. Inaasahan na niya yata ang reaksyon ko. Mr. De Rocca is one of the richest here in Philippines and he's richer than my Dad. So, it's defenitely Rosen is Richer than me? Napatitig ako sa kaniya. 'Yung suot niya ay unti unting bumabagay sa katauhan niya.

I can't believe!

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now