"Masarap." Sabi ko.

"Talaga. Sabi sa'yo eh. Pero ngayon lang 'yan."

"Pwedeng ulitin, okay lang."

Hindi na siya nagsalita hanggang maubos ang fishball namin. Paalis na kami nang may narinig ako sa paligid na sinasabi ng ilan na masarap pala ang fishball. So, may chance na first time din ni Rosen? Ayokong isipin 'yun. Ang daming pumasok sa imagination ko. Nakabuo tuloy ako halos ng story. Masaya ang paligid, wala akong nakitang nakasimangot, kung meron man, sila 'yung may hinihintay o naiinis kasi mainit. Pero dama ko ang buong paligid na masaya. "Halika, exciting 'yun." He points his finger in the bunch of people we could see. Hinila niya ako para lapitan sila. Sumilip kami. And what the.. dalawang lalaki ang magsusuntukan. Naka-gloves. Lumakas ang sigawan nang simulan ang laban. Nanonood lang ako dahil kahit wala akong hilig sa sports, alam kong hindi ganyan 'yung karaniwan sa boxing. Ibang iba sa Tv. Cruel!! Natakot tuloy ako dahil parang nag-aaway sila sa halip na naglalaro. Napatingin ako kay Rosen na nag-eenjoy. Sabagay, sanay na siya. Biglang bumagsak ang isa. "BANGON!" Rinig ko si Rosen. Tumayo ang lalaki at ngumiti. Tinanong kung kaya pa. Umiling ang lalaki kaya naglundagan sa saya ang kampo ng kalaban niya. Natalo siya pero nasiyahan ako dahil halatang walang galit sa mukha niya. Umayaw siya ng nakangiti.

Umalis kaming bigla at naglakad. "Ganito pala pag fiesta." I said it pero seryoso na naman si Rosen. "Bakit?"

"Wala."

"May iniisip ka na naman no?"

"Nakakainis pala pag may taong kaya pa naman lumaban pero bigla na lang susuko." Tumingin siya sa'kin.

"Huwag mong ihalintulad sa mga nakikita mo ang karanasan mo. Tama ka diyan pero physical game 'yun. Dapat lang na umayaw ka kung alam mong hindi mo na kaya."

"Hindi kaya? Paliwanag ko. Una, alam na niyang masasaktan siya. Pangalawa, nakita ko ang laban na lumalamang siya. Ano 'yun, biglang naduwag? Natamaan lang ng malakas.. Pangatlo, hindi porke kasiyahan ang boxing ay pwede nang maipakita mo na naglaro ka o napasaya mo ang tao. Sa boxing kailangan mong manalo. Hindi ito kinahiligan lang na kuntento ka nang napapanood ka ng mga tao. Okay lang sana kung nabilangan siya ng referee eh. Pero ano ang ginawa niya, tumayo at sumuko. Hindi dahilan na naaawa siya sa sarili niya. Kung hindi mo kayang masaktan, magchess ka na lang. O kaya nama'y huwag mo nang hangadin ang premyo."

Nakatingin lang ako. Bakit ba parang hindi ko siya kayang i-oppose? Kumpleto ang sinabi niya na hindi na kailangan pang mag-sagutan kami. Tama ang lahat ng sinabi niya. Masakit ang matamaan ng suntok kaya kung ayaw mong masaktan, magchess ka na lang. Sabagay may point naman. "Oo na."

"Nakakainis pala 'yun na nakakakita ka ng taong walang lakas ng loob." Siguro isa siya sa mga taong napanghinaan na ng loob dahil sa problema kaya nagkakaganiyan siya. Minsan sa paligid, nakakakuha tayo ng aral suddenly.

Lumakad pa kami. Nag-enjoy dahil may band pa kaming nakita sa stage na kanila lang ay pinag-dausan ng singing contest. Naalala ko tuloy ang contest. Gusto kong alamin kung sino ang nanalo. Matapos naming makinig ay naglakad pa kami. "Mag mall muna tayo, Rosen. Tatanggalin ko muna ang make-up ko."

"Huwag na. Para hindi ka basta basta makilala." Talagang ayaw niyang ipatanggal? Crush na niya yata ako. "Sure akong ipapahanap ka ng Daddy mo." Oo nga pala! Akala ko ayaw niyang ipatanggal kasi crush niya ako. Ano ba yan, bumabalik ako sa pagka-teenager. "Pero sige, mall muna tayo, may malapit diyan. Babalik tayo dito ah."

Then, bumalik kami after namin kumain sa mall at pinagretouch niya ako. Sinuutan niya ako ng eye glasses. Parang Nerd ako. "Bagay naman sa'yo." Sabi niya.

"Oo nga, hindi ako makikilala, pa'no ka?"

"Hindi ako kilala ng mga body guard ng Daddy mo."

"Nag-aalala na siguro si Daddy."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now