Eto na. Tumigil ang kotse sa harap mismo ni Rosen. Kitang kita ko ang reaksyon niya dahil titig na titig siya sa mukha ko. Nakatingin din naman ako sa mukha niya. Nagandahan? Sabagay, totoong buhay 'to. Hindi Fiction na pagtatawanan niya ako. Mali pala ang akala ko. Umalis ang kotse. "Nasaan na ang kaliwa't kanang kamay mo?" Tanong ko agad.

"Ah eh... wa-wala!"

Natawa ako. Iba pala ang feeling ng gusto mo ang taong nagagandahan sa'yo. Unlike Jordan. Ngayon ko naisip na hindi ko talaga siya gusto sa umpisa pa lang. "Bakit ka tulala?"

"Wala lang. Ang ganda mo. Yu-yu--" Napatigil siya. "Ang ganda mo talaga, Ken. 'Yung kaliwa't kanang kamay ko, pumasok na. Nainip kasi ang tagal mo."

Oo nga pala. Baka malate sila. "Let's go!" I said then I clung my hand to his arm.

"Hindi mo ipapa-bitbit 'yang bag mo?" He asked. I bet he's wondering.

Hindi ko siya sinagot. Naalala ko ang note. "May pa-note note ka pa. Ang drama mo?"

"Masama bang nagawa ko 'yun dahil nakainom ako? Parang hindi mo alam ang ugali ng nakainom."

Oo nga. Sabagay. Pero hindi mo alam na malaking epekto sa'kin ang note mo. Anong klasing salamat Rosen? Masaya ako dahil pinasaya kita. "Oo na. I wanna say thank you too." Alam niya kaya ang meaning ng 'thank you' ko?

Lumakad kami. "Ang swerte ng mapapang-asawa mo." Bulong niya. So, nagandahan talaga siya sa'kin? Hindi ako makapaniwala na na-enhance pa ang pagtingin niya. Swerte? Dapat gumawa siya ng paraan para siya ang maging swerte. O baka isa siya sa Fictional characters na hindi kayang patulan ang isang tulad ko? Basta, ako ang bahala. Magiging tayo Rosen, sa ayaw mo't sa hindi. Kung hindi mo ako kayang mahalin, gagawa ako ng paraan.

"Swerte din naman ang lahat ng babae na nakakapag-asawa ng tama. Bakit mo naitanong 'yan?"

Pero tumigil siya. "Naranasan mo na bang magcutting classes?" He suddenly asked. Bakit kaya?

"Syempre hindi pa. Masama 'yun."

Hinila niya ako palabas. "Aalis tayo!"

Sumama lang ako. Ito ba ang sinasabi niyang cutting classes? Saan niya ako dadalhin? Sure ba siyang gusto kong sumama? "Saan tayo pupunta?"

"Gagawin ang hindi mo pa nagagawa?"

"Teka, magpapaalam lang ako."

"Huwag na. Kailangan nating umalis nang hindi nila alam. Natatakot ka ba?"

Gusto ko din ito. Walang duda. Pero wala sanang problema kung nagpapaalam kami. Wala namang kokontra sa'kin. "Teka, Rosen. Ipapasa ko ang trabaho!"

"Hindi na kailangan. Cutting classes ang gagawin natin." Nakangiti siya habang hinihila niya ako pabalik sa labas. "Di ba gusto mong may mangyaring kakaiba sa'yo? Hindi ka magpapaalam para maging kakaiba ang mangyayari."

Hindi ko pa nararanasan ang may magalit sa'kin o pagsabihan ako dahil may mali akong ginawa. Masaya ako ngayon at sasaya pa kasama si Rosen. Bahala na. Sasama ako sa kaniya. Pumara siya ng taxi. Sumakay kami. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi ko na plano pang kontrahin siya.

"Wala. Mag-gagala lang. Naranasan mo na bang mag-gala sa plaza kapag fiesta?"

"Hindi pa. Maraming tao. Hindi ko kaya."

"Gagawin natin. Pero ikaw ang magbabayad lahat ah."

"Sino pa ba? Hindi naman pwedeng ikaw? Ako ang amo mo?"

Bumaba kami sa isang lugar na puro bandaritas. Hudyat na may fiestahan ngang nagaganap. Masaya din pala ang atmosphere 'pag ganito. Dama ko ang saya sa paligid. Mga nagtatawanan at nagkakainan. "Wala akong kakilala dito kaya wala tayong makakainan. Kumain muna tayo sa isang karendirya."

Matapos naming kumain ay nagpatuloy kami. Sanay naman akong kumain sa mga ganun. Hindi naman siguro ako magkakasakit. Masarap naman ang pagkain. Parang sa cafeteria. "Hindi ba masisira ang ayos ko dito? Masyadong mainit." Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko pang maglakad kami. Ang mga bagay na ginagawa namin ay ilan lang sa mga bagay na hindi ko pa nararanasan. Buong tapang kong hinarap ang usok sa kalsada. Hindi naman siguro ako magkakasakit kung mangyari sa'kin 'to ng isang beses.

Hindi ko ramdam na gusto niya akong ipahamak dahil kilala ko siya. Alam ko man na may tinatago siya sa'kin, hindi din niya nais na saktan ako. Nakarinig siya ng kumakanta. Kanina pa namin naririnig 'yun. "Sumama ka sa'kin."

Hinawakan niya ang kamay ko. This time. Magkaholding hands na kami. Mamaya na ako magreretouch o tatanggalin ko na ang make-up kong makapal at papalitan ng manipis. May singing contest pala. Umupo kami sa 'di kalayuan. Kita ang kakantang babae.

"Next contestant. She will sing, Dance With Somebody by Whitney Houston." Sabi ng host.

"Okay. Siguro magaling siya." Sabi ni Rosen. Excited na din ako sa kakanta hanggang sa nag-intro na. Sigawan ang mga nanonood pero hindi pa nagsisimula ay lalong lumakas ang sigawan ng mga tao dahil nadapa ang contestant. Napatawa ako gaya ng tawanan sa paligid. Alam kong tumawa din si Rosen pero nang tumingin ako sa kaniya. Seryoso lang siya. Hindi talaga siya tumatawa kaya naging seryoso din ako.

Tumayo ang babae na iniinda pa ang sakit. Sumayaw sayaw habang nakayuko. Hindi niya nagawang kantahin ng maayos ang unang verse pero hindi siya nagbaback-out kahit ilang linya din ang namiss niya. Hanggang sa nagchorus na. Saka siya kumanta ng maayos. Pero nang makabawi ay nagsigawan ang mga tao dahil performer pala ang contestant. Hinagis ang mike at sinalo ng kabilang kamay tapos ang taas pa ng boses. Alam ko na. Disidido talaga siyang manalo. Ang lakas ng sigawan ng mga tao. Humanga ako sa kaniya. Seryoso lang na nakikinig si Rosen hanggang matapos. Sana manalo siya.

Biglang tumayo si Rosen at hinila ako palayo. "Hey Rosen! Hindi mo ba aalamin kung sino ang mananalo?" Hindi siya sumagot at umupo na lang kami sa isang lugar na malayo sa contest. Napansin kong napapaiyak siya. "Bakit Rosen?" Nag-alala ako. Baka memorable ang kanta.

"Sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko."

"Ano ba ang problema?"

"Ang babaeng kumakanta ay nadapa. On the spot siyang tumayo. Lumaban siya at hindi nagpatalo. Nasaktan ako dahil hindi ko nagawa ang ginawa niya." Alam ko na. Humanga siya sa babae.

"Rosen."

"Nadapa ako. Nawalan ng pag-asa. Hindi ako tumayo sa sarili ko." Napansin kong nagpahid siya ng luha. Rosen. Umiiyak ka din pala. Ngayon alam kong may tinatago ka talagang lungkot. "Pero siya, disididong lumaban. Hindi na-panghinaan ng loob. Naisip kong walang dahilan para sumuko. Ngayon ko lang naisip ito."

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon