Chapter 1: Your Kiss

18.2K 247 35
                                    

[PAALALA: Maraming typos at maling grammar. Just enjoy the story.]

Chapter 1: Your kiss

 

(Karl Darren’s POV)

I’m dribbling the ball trying to escape from his defense. Ang hirap hanapan ng butas ‘tong lalakeng ‘to. Guwardyadong-gwardyado ang bawat galaw ko. Kahit banggain ko, mistulang pader, hindi matibag tibag. Paano ba naman kasi, laging babad sa gym.

We have one on one game in our backyard with my best buddy, Jayden Alcantara.

Pero hindi naman ako nakapasok ng basketball team ng wala lang. Kunwaring tatalon ako for 3 pts shot nang tumalon siya pangdepensa e, lumihis ako at tumakbo para mag lay-up.

Tumakbo siya at tumalon para supalpalin yung bola pero huli na dahil nabitawan ko ang bola at tanging kamay ko na lang ang nasupalpal niya.

Everything is slowmo. The ball is still spinning around the ring. When we reached the ground, napasigaw si Jayden. Lumingon ako kung anong nangyari .

“Anong nangya-“ hinawakan niya ang braso ko at na-out of balance kami pareho.

Everything is so fast when his lips met mine. The time stops a minute. My eyes widened in big shocked. What the F happens? Tumayo agad ako umiwas ng tingin.

“Pare, sorry! Hindi ko sinasadya. Nagkasprain ang ankle ko.Depensa niya.

Tulala lang ako. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa nangyari. Is it the andrenaline rush. Oo yun lang ‘yon. Pero diba, dapat magalit ako sa kanya kasi nahalikan niya ako? Hindi ka galit kasi aksidente lang yun KD. Oo, kasi hindi naming pareho gusto ‘yon.

Lalake ka KD! Naka tatlong girlfriends ka at marami kang flings kaya tumino ka. Maraming nagkakakandarapa sa’yo dahil sikat ka, gwapo ka. Hindi makakaapekto sa pagkatao mo ‘yon.

I heard him shout again in pain. Doon na ‘ko natauhan at inalalayan siya para makatayo.

“Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanya na parang wala lang nangyari. Diba, dapat ganun naman talaga kapag hindi ka apektado. Walang nangyari.

“Hindi kasi maganda ang pagkabagsag ko.” Nakangiwi niyang sabi. Mukhang masakit nga kasi nakita ko, namamaga na ito.

We head to the couch para makapagpahinga siya at kumuha na rin ako ng ice pack. Pagkakuha ko nito, binato ko agad sa kanya. Kaya na niya ‘yan. Ayoko munang maglalapit sa kanya. Baka may mangyaring hindi maganda. Ahh, wala palang nangyari.

“Salamat p’re” sabay taas nung ice pack.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Dumiretso na ako ng kwarto at naligo na.

Pare, Mahal mo raw ako (BoyxBoy)Where stories live. Discover now