Prologue

740 31 11
                                    

(Author's Note: May mga binago po akong parte dito.)


"Miguel!Isarado mo na ang pinto!"

Sa isang iglap,hinigit ng mga infected si Mr.Luisito palabas ng opisina.Isinakripisyo niya mismo ang sarili upang makaligtas si Miguel.Wala nang nagawa si Miguel kundi i-lock ang pinto habang naririnig ang tila nahihirapang sigaw ni Mr.Luisito.

Matapos siguraduhin na nai-lock na niya ang pintuan,kinuha niya ang hunting rifle na ibinigay sa kanya ni Mr.Louisito.

Rest in peace,sir...

Bumuntong-hininga si Miguel.

Tiningnan niya ang cellphone niya.Alas-sais na ng umaga. Tsinek niya ang battery level ng cellphone. "Your battery level is below critical. Please connect charger" ang nakarehistro sa screen.

Naghanap siya ng pwedeng labasan. Luminga-linga siya.

Sa bintana?

Hindi puwede. Masyadong mataas at may rehas.

Sa pintuan?

Mas lalong di puwede. Dun naman nagaabang ang mga zombie. Wala na ring silbi ang baril na ibinigay sa kanya ni Mr.Louisito. Ubos na kasi ang bala nito.Nilapitan niya ang mesa ni Mr.Simon.Sa kanyang paghahalungkat ay nakita niya ang isang bagay na kailangang-kailangan niya sa ngayon.

Isang baril.

Isinukbit niya ito sa kanyang bulsa.

Ang kailangan na lamang ni Miguel ay malalabasan.Pero saan?Siya lamang mag-isa sa loob ng opisina samantalang hindi niya alam kung nasaan sina Michelle,Fely,David at Raymond.Nagkahiwa-hiwalay sila habang hinahabol ng infected.

Napasandal na lang si Miguel sa pader.Tanging ang malakas na buhos ng ulan sa labas ang kanyang naririnig.


*******************************************************************************

"Mayor Raul, nasa likuran na po ang chopper na maghahatid sa inyo sa pier. Nasa loob na rin po ng chopper si Lyn-Lyn. Kayo na lang po ang hinihintay", sabi ng personal bodyguard ni Mayor Raul.

Bago siya lumabas ng kuwarto ay kinuha muna niya ang kanyang revolver sa ilalim ng kama.

Agad siyang pinagitnaan ng kanyang mga escort papunta sa chopper. Nang mag-takeoff na ang chopper, nakahinga siya ng maluwag."Ligtas din tayo."

Bahagya siyang nagulat nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril,kasunod ang ilang sigawan mula sa mansion niya.

Tiningnan niya ang anak niya na si Lyn-Lyn. Halata sa mukha nito na masyado siyang naguguluhan sa mga nangyayari. Pero,minabuti na lamang nitong wag magsalita.

*******************************************************************************

"Sinusubukan pa po namin na ma-contact ang aming crew na nakadestino sa isla ng San Martin. Magbabalik po ang Aksyon Bayan makalipas ang ilang sandali...". Sabi ng reporter sa radyo.

"Iyon ay dahil patay na ang crew niyo.Wag muna natin itong buksan.Baka attracted ang mga zombie na yun sa malakas na tunog." Katatapos lamang palitan ni Roger ang gulong ng ambulansya.Kasabay nito ay pinatay niya ang radyo."Wag na kayong mag-alala.Sabihin niyo lang kung saan yung Simon Seaside Resort at ililigtas natin ang mga kaibigan niyo."

*******************************************************************************

Kasalanan ko to lahat. Kasalanan ko...

Ito ang paulit-ulit na bulong ni Dr.Wilson sa sarili. Kinuyom niya ang dalawang palad.

Hindi...hindi. Kasalanan to ni Raul! Kasalanan niya...



The Outbreak:Infection Island (Under Revision)Where stories live. Discover now