100: finale

141 6 0
                                    

Issa

Lumabas na ko ng bahay, naka t-shirt, naka pajama at medyas. Saya 'di ba?

Naglakad-lakad ako, tapos may nakita nanaman akong papel sa may damo. Pinulot ko tapos binasa ulit;

Punta ka sa tulay malapit dito sa village..

Alam niyang may tulay sa village? Ibig sabihin taga dito rin siya

Sinunod ko 'yong sinabi niya, at pinunta na 'yong tulay. Isa rin sa mga gusto kong pagtambayan 'yong tulay sa may village, mahangin, tapos makikita mo pa 'yong mga ilaw ng mga gusali.

Naglakad na nga ko, medyo mabagal kasi ayon nga, antok na ko. Sana 'di ako makatulog habang naglalakad

Hikab ako ng hikab, sobrang watery na ng mga mata ko. Pero kahit watery, nakita ko na 'yong tao sa tulay. Nakatingin lang siya sa dagat.

Matangkad

Moreno

Hindi siya si Jihoon

"Mingyu.." bigla kong naalala, kaya napasabi  ko rin ng medyo malakas.

Nilingon niya ko, at totoo nga. siya nga.

"Ikaw ba 'yong nagpalabas sa'kin?"

Magsasalita na sana siya, pero napansin ko nalang na nakatitig nalang siya sa'kin.

"I'm sorry.." sabi niya ng nanginginig 'yong boses.

"ba't ka nagsosorry?"

Lumapit siya sa'kin.

"Hindi ko gusto si Mae. Walang kami. Hindi para sa kaniya 'yong bulaklak at chocolates, totoo namang may surprise talaga ako, pero hindi kay Mae. Para talaga sa'yo 'yon. gusto kong magsorry sa actions ko, and sabay sabihin na gusto na kitang ligawan."

tangina

"It was for you, nakalagay na para sa jagiya ko, kaya sobrang kinilig si Mae noong binigay ko sakaniya dahil lang sa salitang 'yon."

tangina ulet

"nagalit ako sa sarili ko noong tinawagan mo ko, ramdam ko 'yong sakit at gustong gusto ko na sabihin sa'yo 'yong totoo, pero 'di ko alam anong pumipigil sa'kin.."

tangina, times 3

"'di ko gusto si Mae-"

"I don't want to hear her name.."

"sige"

---

Umupo kami sa may edge 'nong tulay, nakatitig sa mga bituin ng madaling araw.

Medyo nahiya ako kasi 'di ko siya pinatapos magsalita kanina. Sobrang tahimik namin

"Hoy 'yong notebook ko?" sabi niya

Nagtaka ako kung ano 'yong sinabi niya, medyo naguluhan.

"Asan na notebook ko, tae ka?" ngumiti siya.

"Fan account ka ba ni Mingyu or ano?" ngumit din ako.

"'wag mo nga kong pinaglololoko JUN, ingungudngod kita sa tae mo" lumapad lalo 'yong ngiti niya.

"Mali ata 'yong nachat mo"

"Hala shem oo nga, sorry ha?" tumawa siya.

"Haha wala 'yon!"

"Issa nga pala.."

"Bakit ka umiiyak?"

Nagtaka nanaman ako sa sinabi niya. 'Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tamo, andami kong hindi napapansin pag kasama ko siya

"Nakakamiss lang isipin kung pano tayo unang nagkakilala.." pinunasan ko 'yong mata ko.

"Ang tragic. Pero memorable." ngumiti naman siya

Humarap siya sa'kin at nagkatinginan nanaman kami sa isa't isa, sa mata pa.

"Please don't forget na ikaw lang. I like you- no, I love you. Kahit ako pa 'yong naiirita sa'yo non, nagustuhan parin kita. Ang weird ko no?"

Napatitig nalang ako sakaniya habang nagsasalita siya.

"p-pero.. natatakot ako na baka mamaya iba parin tingin mo sa'kin, baka-"

"gusto rin kita.."

Napatigil siya, halatang gulat kasi lumaki mata.

"joke lang.."

"a-ay, ang ganda ng joke mo-"

"Mahal rin kita.."

Matagal kaming nagtitigan dahil pareho kaming walang nasabi.

Inabot at hinawakan niya ng mahigpit 'yong mga kamay ko, at bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

"Puwede na ba?"

"Yes, sinasagot na kita, kahit di ka pa nanlikigaw sakin, sasagutin kita."

"Hindi.. I mean, puwede ba kitang halikan?"

"Ay.. Uhm, siguro?"

"tayo naman na diba" ngumiti siya at hindi na ko pinagsalita pa.

Hinalikan niya ko, hanggang sa magkadikit nalang ang noo't ilong namin, tumawa kami ng mahinhin at tumingin na muli sa
mga bituin.

"I love you, jagiya"

"I love you too, oppa."

jagiya • kim mingyuWhere stories live. Discover now