-----------------------------------------------------------
"Ano, umpisahan na ba natin mamayang gabi ang paghahanap?" masayang sinabi ni Rommel ng may malapad na ngiti.
Pinagkikiskis niya ang dalawa niyang palad at tinataas-taas pa ang dalawang kilay. Mukhang siya ang pinaka excited sa magkakaibigan.
Magsasalita at sasang-ayon na sana ang lahat ng kaibigan niya ng biglang tinawag ng teacher nila ang pangalan niya.
"ALMERO!"
Lilingon na sana ang binata dito ng biglang may tumamang chalk sa saktong bibig nito.
Naku buti nalang ay hindi siya nakanganga kundi makakain niya ang chalk ng wala sa oras.
"Uy, sapol!" pang-aasar nila Alex at Micheal, isa sa mga kaibigan niya.
Tumawa silang lahat at napatakip nalang ng bunganga si Rommel habang pinupunas-punasan ito. Diring-diri pero ayaw ipahalata sa teacher nila dahil nga natatakot siya. Sinong di matatakot sa teacher mong uugog-ugod na pero nakabato pa rin ng chalk? Bulls-eye pa sa bibig?
"ANO SINABIHAN KO BA KAYONG TUMAWA? GUSTO NIYO RIN BA MAKATIKIM NG CHALK?!" sigaw ng teacher nila at hindi na sumagot pa ang mga estudyante niya.
Nakatayo ito habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa desk niya at pinandidilatan silang lahat ng mata na tipong kaya nitong manlamon ng mga estudyante niya.
Ang lahat ng estydyante naman ay nakayuko lang at iniiwasang tingnan siya mata sa mata na parang mamatay sila kung gagawin nila iyon.
Bumaling ulit ang tingin niya kay Rommel at nakayuko na rin ito habang kinakamot-kamot ang ulo na parang natalo sa lotto.
Mataba si Rommel. Sabi nga nila siya ang Majin buu ng tropa. Siya ang pinaka maingay at pinaka demonyo sa magtotropa. Anak mayaman din ito dahil vice mayor ang tatay niya sa lugar nila pero ayaw niyang kilalanin siya sa likod ng anino ng tatay niya. Mas gusto niyang mamuhay ng parang isang normal na bata lang din.
Si Alex naman ay payatot na chinito. Malakas din ang trip neto at maraming chicks. In short, fuckboy. Nag tatrabaho sa ibang bansa ang tatay niya. Dalawa silang magkakapatid at siya ang panganay.
Si Micheal naman ay moreno at nakasalamin. Ang pinaka mabait sa magtotropa. Siya lang din ang may utak sa kanila. Kung sila si Santanas. Siya alagad lang ni Santanas. Ganun siya kabait.
Si Calyx naman ay ang dayo sa kanila. Taga Manila pero lumipat lang sa probinsya simula nang magtrabaho ang mama niya sa States. Siya ang foreigner sa magtotropa dahil sa may lahi itong spanish, sa side ng papa niya. In short, habulin ng chicks.
"Almero akin na yung chalk ko." matigas na sinabi ng teacher nila.
Lumingon sa likod ang mga kaibigan nito habang tinatago ang mga halakhak na pigil na pigil.
"Patay ka taba." bulong ni Calyx at tumawa ng patago ang mga kaibigan niya.
Yumuko si Rommel para kunin ang chalk sa lapag habang ang kanang kamay naman niya ay nakapatong sa lamesa, pinapakita sa mga kaibigan niya ang gitnang daliri niya.
Pigil na pigil ang pag tawa nila dahil alam nilang hindi lang iyon ang susunod na gagawin ng guro nila. Dahil papaluin na ng stick ang mga bunganga nila pag ginawa nila iyon, at masakit iyon.
YOU ARE READING
The Girl He Never Knew
FantasyCalyx Cortes never thought living an urban life is way much better than living in rural. After the separation of his parents, his mother sent him to his grandmother in Bulacan who treats him like her own child, cherishing her life with his grandson...
