♔ ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ ;;
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng lalake ikaw pa eh. Para sakin, hindi ka naman gwapo, para lang sa iba. Pero siguro bonus nalang din yung mukha mo. Lol.
"I'll break you if you don't stop." Pagbasa ko sa reply niya. We're friends. The moment na napa-'ikaw' ako nang sagutin ang tanong niya kung sino ang crush ko ngayon, hindi ako nagsisi and it didn't felt wrong.
“Truth or dare?”
“Truth.”
“Sino crush mo ngayon?”
He knew about who was my crush. Just earlier kasi nagpasama ako sa kaniya na mag-confess although wala na rin akong nararamdaman doon.
Only to find his rich brown orbs staring at mine so intent makes me so intimidated. Para kasing papatayin niya ko pag di naging tama ang hinala niya. Feeling ko lang na naghihinala siyang may gusto ako sakaniya or was it all just and plainly is about my intuitive mind.
“Luh. 'Ba naman yan. Bakit yan pa ang tanong mo. Hahahahahaha.” an awkward laugh was driven. Hindi ko alam kung kailangan ko ba yang sagutin. “Bawal ba baguhin yung question?”
“BAWAL.” tinutukso ako ng dalawang kasama kong kalaro. Sabay non ay nagsalita siya. “Pwede naman. Ganito na lang, crush mo? Sino?” at sinabayan iyon ng mala-death god smirk niya. His features are just so lovely. But it's not those that I admire the most. Those were just a bonus.
“Aish, ano ba naman yan.” I had second thoughts. Those question like, ‘should I talk about it?’ ‘ano ikakanta ko na ba sa pulisya?’ and those ‘paano kung...?’
“Okay fine,” I paused and sat up straight, facing him completely. Na para bang ang pareho naming kayumangging mata ay nagsasabing may hidwaan ang mga kaluluwa namin. “Ulitin mo yung tanong mo para cool pag sumagot ako.” seryoso kong usal habang may matamis na ngiting ewan ko kung nakakatunaw na ng mata na nakaukit sa nga mapula-pulang labi ko.
May halo pang pagtatakang sinunod niya ang inutos ko at mas tumitig pa sakin.
“Sino crush mo ngayon?”
“Ikaw.”
Mukha siyang hindi nagulat but I knew already na deep inside of him he screams the words ‘I knew it.’ feeling ko lang kasi na nagfifeeling na naman siya na may gusto ako sa kaniya, it's better na alam at iwasan niya ako kesa magsisi na di ko yun pinaalam.
Pero ang sabi naman niya, “hindi, bakit naman ako maiilang. Baliw.”
I knew the exact words kasi tumatak yun sa isip ko. I wasn't that showy highschool girl pag nasa harap ng crush. Sakto lang. Pero hindi naman ako nailang. When...
“Okay ka lang?” napapansin ko kasi na nakabusangot siya simula nang makita ko siya. Lmao. Nagtataka lang pero di ako concern. Pero magkaibigan naman kami diba? Pwede ko namang itanong.
Inangat niya ang ulo niya at nag-alangang sumagot sakin ng SOBRANG SUNGIT, MAN. “Oo.” at parang iritableng tinarayan ako. Edi wag! Concern lang. Ayokong malungkot ka kahit di yon maiiwasan tapos ganiyan kawalang kwentang expression ang ibibigay mo sakin? Bullshit!
I don't know how to act whenever you're around me. Ayokong magka-ilangan tayo since ikaw na rin nagsabi na hindi ka maiilang. We're friends. I hope we still are.
Nagpe-play na naman ang kanta na Demonyo ni JK Labajo. Na siyang nagpapaalala sa akin kay Enrico.
Masama ang ugali mo. Pero hindi kagaya ng iba na barumbado na kung tatawagin. Pero 'yon ang dahilan kung bakit napamahal ako sayo.
Nakakabaliw ka. Sobra. Malabo mo akong magustuhan dahil hindi ako yung maganda na depinisyon mo ng simple. Hindi ka perfect. Hindi ka maton at medyo payat ka pa nga. Hindi ka honor student. At mababa minsan ang grades mo. Pero alam kong matalino ka at mataas ang IQ. Sa Mobile Legends pati League of Legends. Sakto ka lang naman. Napakashitty ng attitude mo minsan pero alam ko na may tinatago kang bait. Pero bakit?
Bakit ikaw pa?
Ako'y napaibig... Sayo.
-JK
It Was A Love Story But...
b l u e i r i
ESTÁS LEYENDO
It Was A Love Story But..
Historia Cortaakala ko ikaw na ang ibinigay. saiyo lang ako, pero bakit pagmamay-ari ka na ng iba?
