Binigay ko ang bag ko. Lumabas kami ng room. Sasakay kami sana ng elevator, inawat niya ako. "Bakit ayaw mong mag elevator?" Tanong ko.

"Mas sanay kang maglakad 'di ba?"

"Nahihiya naman po ako sa'yo kaya pwede na sigurong mag elevator."

"Mas trip kong maglakad. Sanay din naman ako dahil janitor ako 'di ba? Gusto ko din na mapansin ako ng mga tao." Kulang ba siya sa pansin?

"Baka mapagod ka. Tapos magresign ka."

"Sarap na ng buhay ko, magreresign pa ako." Lumuwag ang paghinga ko. Naglakad kami. May driver ako kaya hindi na niya need magdrive. Dinala ko siya sa mamahaling restaurant. Sa labas pa lang ay nagtanong na siya. "Bukod sa paglalakad mo araw araw, ano pa ba ang ginagawa mong madalas gawin ng mga mabababa?"

Napakunot ang noo ko. Maybe ito na 'yung sinasabi niyang 'Iba ako' kasi napapansin niyang iba ako kumilos. "Wala na. Napaka-boring lang ng buhay ko."

Naglakad kami papasok. Umorder. Nakita ko naman na walang problema sa kaniya dahil hindi siya kumain ng marami. First time niya yata pero kahit wala siyang masyadong alam, pinakikibayan niya ang lugar. Maybe fast learner siya or pamilyar na sa kaniya ang ganito kahit wala siyang alam sa pagkain, tinuro lang niya ang inorder niya. Basic lang na makakapagpabusog sa kaniya. Hindi siya umorder ng hindi pamilyar sa mahihirap. "Wala kang hilig sa negosyo?" He suddenly asks me as we're eating.

"Hindi din. Walang challenge ang lahat sa'kin. Walang mawawala kahit malugi ako sa negosyo kaya walang thrill. Hindi na ako sumubok dahil marami namang binigay na ari-arian ang Daddy ko sa'kin tapos tanggap lang ako ng tanggap ng pera dahil maraming mapagkakatiwalaan' tao sa paligid ko." Naging seryoso ang reaksyon niya. Hindi ko alam pero parang may meaning ang pagkakatingin niya sa'kin. I'm almost perfect. Kaya ako lumalakad, kaya ako kumikilos ng simple.

Lumabas kami ng restaurant. Bumalik sa office. "Pati pala ako maboboring sa buhay mo." He said. Ano nga kaya kung makausap niya si Daddy? Magugustuhan kaya siya? Malamang oo dahil wala akong gusto na ayaw ni Daddy. Wala talagang thrill ang buhay ko. Ngayon lang dahil malaki ang binago ni Rosen sa buhay ko. Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailan.

"Gusto mo bang magsaya tayo?"

"Anong saya?"

"Wala. Kasi wala naman akong hilig sa happenings pero gusto ko ang adventure. Walang hilig si Maico sa adventure. Hindi pwedeng maghanap ako ng bagong kaibigan dahil mahal ko siya. Ngayong kanang kamay kita, pwede kitang makasama sa gusto kong gawin."

"Tulad ng ano?"

Ano nga ba? Kahit ano. "Gusto kong machallenge sa isang bagay."

"Wala akong hilig sa challenge dahil matagal ko nang kasama 'yan. Ganito na lang. Gawin natin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa o kaya kahit hindi mo nagagawa. Marami akong alam."

I am super excited. Hindi ko lang pala siya makakausap, makakasama at makakainuman, magkakaro'n din kami ng bonding moment. Hindi kaya may plano siyang masama sa'kin? Pwes hindi ako natatakot basta wala siyang planong patayin ako. "Kailan naman?"

"Kahit kailan."

May kumatok. Pumasok si Maico. "Hoy kayong dalawa. Hindi na kayo nagpunta sa office ko?" Tanong niya agad. Nalimutan ko na kasing makipagkwentuhan sa kaniya dahil kasama ko si Rosen.

"Istorbo ka. May pinag-uusapan kami." Sabi ni Rosen kaya pinadilatan siya ni Maico.

"Hoy kanang kamay!" Sa closeness nila, alam kong wala nang problema kay Rosen na ganiyanin siya ni Maico. Natawa lang ako. "Kailan pa naging istorbo sa kanang kamay ang isang tulad ko?"

"Ngayon." Sinabunutan siya ni Maico.

"Akala mo yata magbabago ako ng tingin sa'yo ah."

Inawat siya ni Rosen. "Ano ba? Si Rosen ako 'di ba? Ano ang nagbago doon?"

"Kaya 'wag kang mayabang."

Medyo hindi ako relate. Maybe dahil mataas ang kanang kamay ng isang daughter of CEO kaysa sa janitor. Timingin sa'kin si Maico. "Hindi pa ba tayo kakain?"

"Kumain na kami." Agaw ni Rosen.

Umiling si Maico pero alam kong wala sa kaniya 'yun as long as masaya ako. Lahat alam na niya sa'kin kaya walang ibang mararamdaman na lumalayo ako sa kaniya dahil parang magkapatid na kami. "Sabi ko na nga ba eh. SABI KO NA NGA BA!!" Wow, galit siya.

"Sinama ko lang siya sa restaurant. Pinagbigyan ko na." I said it calmly with a smile. Hindi kaya magkatampuhan naman kami?

"Bukas, kasama ka na namin."

Wala namang nangyaring importante sa pagdating ni Maico. Wala kaming madalas pag-usapang importante. And the first thing she wanna happen is my happiness. It's enough to make me smile while we are in argue with Rosen.

Lumipas ang ilang oras. "Maaga tayong uuwi." I said habang kasama ko si Rosen para tuparin ang pangako namin na pupunta kami sa office ni Maico.

"Uuwi na din ako?"

"Hindi ah. Kanang kamay nga kita 'di ba? Kailangang kung sa oras na matutulog na ako saka ka palang uuwi."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now