"Wow! Ang sipag maglakad pero tamad magdala ng bag at kumuha ng cellphone. Baka gusto mo, ako pa ang magdial para magsasalita ka na lang. Tagahawak na rin."

Tumawa ako. Napatingin sa kaniya. "Ikaw ang nag-apply ah. Huwag kang mareklamo." He nodded weirdly.

"Sabagay. Mas magaang na trabaho 'to."

"Tamad ka kasi." Hindi na niya ako kinibo. Tinawagan ko si Maico. Alam kong nasa office na siya.

"Oh Ken, kamusta?" Bungad niya. Alam niyang unang araw ni Rosen as my kanang kamay.

"Okay lang ba na pag pupunta ako sa office mo na may taga bitbit pa ako?" Tumingin ako kay Rosen. Nakangiti pa ako. Seryoso lang siya. Siguro kung ngayon ko lang siya nakita at wala siyang dalang bag.. baka isipin kong napakayaman niya. Bagong gupit pa. Okay na 'yung buhok niya pero naisipan niyang magpagupit siguro para magmukhang businessman. Baliw talaga.

"Kaya ba kitang awatin? Hindi 'di ba? Ano pa ang magagawa ko? Masaya ka ba pag kinontra kita?"

"Naitanong lang. Masama ba?"

"Anyway, magkita na lang tayo mamaya."

"Wait. Kung makikita mo lang siya. matatawa ka." Tumingin uli ako sa kaniya. Alam kaya niya na siya ang pinag-uusapan namin. Malamang oo kasi hindi naman siya tanga.

"Nakita ko na." She explained Rosen's attire. "Ano, nauna pa nga ako eh."

"Bakit nagkita kayo? Ikaw pa ang unang nakakita?"

"Oo naman. Ayoko nang magcomment basta heheramin ko minsan 'yang kanang kamay mo, okay lang ba?"

"Hindi pwede. Baka humingi ng extra charge 'yan bahala ka. Ikaw ang magbabayad." Tumawa ako. Nagkatinginan kami ni Rosen. Seryoso talaga siya habang naglalakad. Binabati kami ng mga empleyado pero marami din naman ang bumabati sa kaniya. Well, gwapo kasi. Naiinggit kaya sila sa'kin? Maybe hindi kasi alam nilang janitor itong kasama ko before. Alam nilang walang malisya ang nakikita nila. Wala na akong paki sa iisipin nila.

"Grabe naman siya. Extra charge pa."

"Malay mo lang."

"Pa'no na ang secretary mo?"

"Basta, ako ang bahala. Humanap ka ng sarili mong kanang kamay kung naiinggit ka." Tumawa uli ako. Everytime na tumatawa ako, tumitingin sa'kin si Rosen.

"Hoy hindi ako naiinggit!"

"Huwag mo nang heramin 'to. Kailangan ko siya all the time. Dadalawin kita mamaya diyan."

"Damot mo. Well, ako na lang ang dadalaw sa'yo after an hour." We ended the call. Minsan lang siya dumalaw pero sige. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang maaabutan niya. Binalik ko ang phone. Nilagay niya sa bag. Ito ang ayaw ko noon. Kasi mas gusto kong ako ang kumikilos sa sarili ko. Pero ngayon, gustong gusto ko ang set-up namin. Kakaiba talaga. Ito na yata 'yung kailangan kong gawin para maiba naman. 'Yung pagsisilbihan ako ng taong gusto ko kahit alam kong sawa na akong pinagsisilbihan.

Pumasok kami sa office. "Lapag mo na lang 'yang bag ko sa lamesa" Utos ko. Umupo siya. Ngayon nasa harapan ko siya. "Pagtimpla mo ako ng kape."

Tumayo siya. Nagtimpla. Nakangiti ako habang nagtitimpla siya. Mas gusto kong ako ang magtimpla kasi may sarili akong taste, but now, okay na kahit anong lasa. Ibibigay niya ang kape pero tinikman niya. Nakatingin ako sa kaniya. Hindi siya na-orient pero okay lang naman kahit tikman niya. "Eto.. masarap 'yan ah." Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Sinabi ko bang tikman mo?"

"Hindi! Pero paano kung matabang?"

"Papadagdagan ko sa'yo ng asukal." Hindi talaga ako galit. Naggagalit-galitan lang. Ang saya ko talaga kasi hindi ko na siya iniisip. At ewan ko ba parang baliwala sa'kin kung may laway na niya ang baso.

"Tapos magagalit ka pagmatabang. Sabagay, pinaghandaan ko na 'yan. Lahat ng gagawin ko, kagagalitan mo ako!" Umupo siya. Ganun?

"Ang dami mong sinasabi. Para kang si Maico. Ayaw idaan sa simpleng salita."

"Hindi ako nanggaya ah."

"May sinabi ako?"

"Baka lang isipin mo." Hindi na ako nagsalita. Tumayo siya at tinignan uli ang mga eroplano. "Nakausap ko si Maico." Napatingin ako sa kaniya. Alam ko pero alam kong may pinag-usapan sila sa tono ng pagkakasabi niya.

"Pinag-usapan niyo ako?"

"Oo!"

Nakapamulsa siya ng tumingin ako sa kaniya. "Ano na naman ang tungkol sa'kin?"

"Break na pala kayo ng boyfriend mo."

Oo nga pala. Hindi ko pa sinasabi. Buti sinabi na ni Maico. "Oo, kasi.. basta!"

Tumawa siya. "Kaya ba malakas na ang loob mong magsama ng lalaki sa office mo?"

"Siguro." Tinuloy ko ang ginagawa ko.

"Masaya ka talaga sa mga pinag-gagagawa mo no?"

"What am I supposed to do? Do you think gagawa ako ng ikalulungkot ko?" Tumingin siya sa'kin.

"Masaya ka ba na sagutin ang manliligaw mo noon? Masaya ka bang hiwalayan siya? Masaya ka bang saktan mo siya? Masaya ka bang..." Tumigil siya. Parang hindi pa tapos. "Wala, hanggang doon lang."

"Rosen, hindi ako perpektong babae. Nagkakamali din ako. Pero salamat sa nangyari dahil ngayon, iniisip ko na ang mga posible. Akala ko, very common lang ng mangyayari sa buhay ko. Pero naisip kong, walang makapagsasabi ng mangyayari bukas kaya nag-iingat na ako."

"So, sa umpisa pa lang hindi mo na siya mahal?" Lumapit siya sa'kin at pinatong ang kamay sa lamesa ko.

"Mahal ko siya o kaya ko siyang mahalin sana. Kaso..." Nakilala kasi kita kaya nagbago ang era. Nagbago ang lahat. "Ayoko lang ng--" Tinatrato akong Prinsesa. Hindi ko masabi kasi baka malaman niyang siya ang gusto ko o nagpapasaya sa'kin. Pero baka nasabi na ni Maico. Tinuloy ang ginagawa ko. "Baka naikwento na ni Maico ang iba kaya hindi ko na sasabihin." Gusto kong ituring niya akong prinsesa.

"Chismosa ba siya?" What does he mean?

"Hindi ah."

"Hindi pala eh."

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Alam kong hindi niya sasabihin ang ibang detalye mula sa'yo."

"Bakit?"

"Saka mo na malalaman."

Hindi ko alam kung sinasabi lang niya 'yun pero baka nga may tinatago siya. Ayoko nang alamin dahil baka may alam din si Maico sa kaniya. Hindi sinasabi sa'kin ni Maico. May anak, may asawa, kriminal o kahit ano na magpapasira kay Rosen. Pero isipin ko man ang lahat. Parang hindi parin nagbabago ang tingin ko. Hindi ko pa siya kilala nang lubos pero bakit ayaw ko na siyang kilalanin pa? Bakit natatakot akong may malaman pa ako? Ang isa lang naman sa kinatatakot ko kung sakali ay baka may asawa nga siya. Bakit pa ako matatakot? Naguguluhan ako. Kung may alam si Maico, malamang hindi niya ako hahayaang makasama si Rosen kung alam niyang mali. "May asawa ka na ba?" Suddenly I asked.

"Wala ah. Single ako." Madaling sabihin ang bagay na 'yun pero sumaya ako dahil mukhang hindi siya nagsisinungaling. Umupo uli siya. "Ang bagal ng oras. Mas masaya pa pala ang janitor." Nakaramdam ako ng kaba. Pa'no kung bumalik siya sa pagiging janitor? Natakot agad ako.

"Gusto mong maging janitor uli?" Cool lang akong magsalita para wala siyang mapansin na takot akong iwan niya ako kahit manlang sampung dipa.

"Hindi ah. Ang sarap ng buhay ko ngayon. Libre pagkain din ba?"

Lumuwag ang paghinga ko. "Oo para wala ka nang gagastusin." Kailangang kahit papaano, sundin ko ang ilang kondisyon niya para hindi niya ako iwan.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now