Sabagay, si Rosen 'yung tipo na hindi na iniiba ang mangyayari dahil ayaw naman niyang may masaktan. Siguro lang ganun siya. Or kahit ako pa ang Anak ng CEO, walang exemption sa baliw na 'yun. "Sige, paki sabi na lang bigyan niya ako ng time to set an appointment with him." Umiling ako. Siguro naman maiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Ang kahulugan ng trabaho sa kaniya ay business. Baliw talaga.

Sumandal ako. Naalala kong may napahiya nga pa lang tao. Oh my god. Sandaling nawala ang init ng ulo ko dahil sa Rosen ang pinag-uusapan. He never disapponts me even I was disappointed now. Either because of what happened earlier or dahil hindi ko siya makakasabay? Alin doon? May kumatok, pumasok si Maico. "I'm sorry, Ken." Bakit kaya?

"Bakit ka nagsosorry?"

"Ano kasi eh. Pinaalam sa'kin ng Mommy mo na magpopropose nga si Jordan. Huwag ko daw sabihin sa'yo dahil ako ang bestfriend mo, ako ang isa sa dapat makasaksi. Alangan na sabihin ko sa Mommy mo na gusto mo nang makipagbreak sa kaniya? Kaya tinignan ko na lang ang inaasahan kong mangyayari. I'm very sorry pero kanina ko pa alam."

Napapikit ako. "Maico!!"

"I'm very sorry, okay."

"Kung kapanapanabik ang mangyayari, pwedeng 'wag mong sabihin. Pero kung ganon naman, sana napigilan natin!"

Nakalumbaba ako. Sisisihin ko pa ba siya? "I really want to stop him but an emergency came with my office early. Pinuntahan ako ni Rosen. Para sabihin na ipapasok niya ang kaibigan niya. It's too late dahil nabasa ko ang text paparating ka na. Baka malaman mong maaga akong tinext ni Tita, lalo kang magalit. Magpaliwanag ako ng maayos."

"Si Rosen emergency?"

"Oo!"

Tinawanan pa ako. "Maybe, hindi mo maawat ang sarili mong makipagkwentuhan sa mokong na 'yun. Okay, tama na 'yan. Tatanggapin ko na lang ang sasabihin ni Mommy. Siguro naman within 2 days, limot na ang nangyari."

"Nakausap mo si Jordan?"

"Hindi pa. At 'wag niya akong kakausapin dahil pag ginawa niya 'yun, tapos na kami."

"Galit ka ba sa kaniya?"

"Hindi naman. Siguro walang mali sa ginawa niya. Nagkataon lang na ayoko!"

Umalis na siya. Naghihintay ako ng tawag kahit kanino kay Mommy, Daddy o kay Jordan pero walang tawag na dumating. Sumabay na lang ako kay Maico maglunch. Nasalubong namin si Rosen. "Hoy Mark!" Tawag ni Maico.

"Musta guys!" Nginitian niya kami.

"Nasaan ang secretary ni Ken?"

"Umalis na. Nauna na sa taas."

"Nanliligaw ka ba do'n?"

"Hindi ah." Nakikinig lang ako. Tumingin sa'kin si Rosen.

"Bakit niyaya mo siyang maglunch?" Tanong uli ni Maico.

"Okay, ipapaliwanag ko lang. Hindi ako ang nagyaya, 'wag niyo na lang sabihin na sinabi ko dahil baka madismaya siya."

"So, you mean, ikaw ang niyaya?"

"Oo, at nakakahiyang icancel ang usapan namin. Isa pa--"

"Isa pa ano?" Ewan ko ba. Lumuwag ang paghinga ko sa nalaman ko. Akala ko talaga siya ang nagyaya. Inisip ko agad ang sex life niya. Baka naghahanap ng babaeng pasasayahin siya. Hindi naman pala.

"May boyfriend si Miss Ken. Baka malaman pang niyayaya niya akong maglunch. Magselos pa."

Tumingin sa'kin ni Maico ng masama. Hindi ko nabanggit sa kaniya kanina na niyaya kong maglunch si Rosen. Akala ko hindi na mapag-uusapan. Nag peace sign ako sa kaniya. "What time mo siyang niyaya?"

"Noong hindi ka pa dumadating sa office ko para magsorry." Ayokong magsinungaling kahit pwede naman. Nakaramdam ako ng excitement sa magiging reaksyon niya.

"Iba ka din Ken ah. Naisipan mo pang magyayang maglunch."

Nagsalita si Rosen. "Aalis na ako. Marami pa kaming gagawin." Umalis siya.

"Bakit affected ka?" Tanong ko kay Maico ng lumayo na si Rosen.

"Wala lang."

Well, alam kong hindi siya nagseselos. Ang dahilan siguro 'yung akala niya--hindi ko magagawa 'yun. Pwes ngayon dahil alam ko na sa sarili kong kailangan ko si Rosen. Asahan niyang gagawa pa ako ng hindi niya inaasahan.

Matapos kaming kumain ay niyaya niya akong mag-inom. "Ayoko!" Tanggi ko.

"Himala!"

"Hindi ako malungkot ngayon. Walang dahilan para mag-inom tayo."

"You mean, wala kang gustong kalimutan?"

"Wala! Hindi nila ako tinawagan. Pasensya sila."

"Si Rosen na lang ang yayayain ko."

"Tigilan mo si Rosen dahil akin siya!"

Lumakad ako ng mabilis. Ayoko nang pakinggan pa ang sasabihin niya pero iisa lang ang alam ko. Sang-ayon siya sa lahat ng gusto ko dahil doon ako masaya. Sinabihan ko siyang 'wag nang yayain si Rosen pero pinlano niya parin. I have no choice. Kailangan niyang malaman na hindi dapat sila nagsasama ni Rosen sa iisang kwarto lang ng nag-iinom. Akin si Rosen at wala akong gusto na hindi ko nakuha. Lumingon ako at ngumiti. Hindi pa umaalis si Maico sa kinatatayuan niya. Ang liit niyang tignan kasi malayo na siya sa'kin. Mamaya ko na tatanggapin ang tanong niya o kaya'y tawagan niya ako.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now