3. Stolen

191 3 2
                                    

Yun oh! May apat na bumoto! Haha thanks guys, please do continue to read this, I really appreciate it. Hindi ko in-expect na lalagpas ng sampu ang magbabasa nito kaya it's a suprise na naka-60+ reads na ako. :)) You can comment if you want, ya know, kung gusto mo lang naman. Salamat ulit and without further ado, here's chapter 3 of the Gino and I saga (naks!)

--

3. Stolen

We watch the season

Pull up it's own stakes

And catch the last weekend of the last week

Before the gold and glimmer have been replaced

Another sun soaked season fades away

"Huy ano na, ba't ang tagal mong lumabas??" Anxious na tanong ni Gino habang hindi mapakaling palakad-lakad sa sala ng boarding house nila.

"Excited?? Hindi makapaghintay?? Tsk, bwiset. Bakit ba kasi ako pumayag dito eh," iritableng tugon naman ni Ria mula sa kanyang kwarto.

"Para ipaalala ko sa'yo, bawal na mag-backout sa kasunduan natin! Nag-promise ka, honor your word!" Pagbabanta ng binata.

"Pasalamat ka may isang salita ako pero bwiset ka pa rin."

*Flashback*

"Hoy suwanget, maghanda ka sa date natin this weekend."

Walang ibang naging tugon si Ria kundi ang kalmado nitong pagbato kay Gino.

"Aray! Ano ka ba matamaan mo ulo ko! Huy! Aray! Sandali lang magpapaliwanag--aray!!!"

At nung wala na siyang batong mapulot.. "Ok, magsimula ka ng mag-explain."

Iritableng pinagpag ni Gino ang parteng tinamaan ng maduduming bato sa kanyang damit, sabay tingin ng masama kay Ria.

"Hindi mae-explain ng masama mong titig ang gusto mong i-explain," bored na sabi ng dalaga.

Napabuntong-hininga naman ang binata. "Iniimbitahan tayo ni Mikay na dumalo dun sa event na in-organize nya." Nahihiyang panimula ni Gino.

"At?"

"Eh di ayun, in-invite tayo! Yun na yun!" Medyo namumulang sambit ng binata sabay iwas ng tingin sa mga mata ni Ria.

"Hindi pa rin yun nae-explain kung bakit ako ang 'date' mo sa nasabing event na 'to. Bakit hindi si Mikay ang ayain mo? Wag mo sabihing natotorpe ka pa sa lagay na yan," pang-uuyam ng dalaga.

Dumilim ang itsura ng binata. "Meron na syang date sa gabing yun."

Hindi naman kinailangan pa ng karagdagang impormasyon para mahulaan ni Ria kung sino ang tinutukoy ni Gino. Lumambot ng kaunti ang expression ng dalaga. "Eh bakit ako? Wala ka na bang ibang maisipang isama kaya ako na lang?"

"Si Mikay mismo ang nagsabing dalhin kita sa lintik na event na yun! Wag ka na ngang madaming tanong, basta um-oo ka na lang!" Iritang sambit ni Gino.

"Tss. At sa tingin mo papayag na lang ako basta-basta ng walang karampatang kondisyon sa hinihingi mong pabor?" Taas kilay na hamon ni Ria.

"Kondisyon? Uy, minsan ka lang makapag-date ng gwapong katulad ko no, ok na yun!"

"Gusto mo ba ulit mapaulanan ng bato?"

"O sige, anong gusto mo?? Maging alila ako ng isang linggo??"

"Pwede ba, gasgas na yan. Aanhin ko naman ang isang walang silbing alila? I bet mas magaling pa ako sa mga gawaing bahay kesa sa'yo."

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 04, 2012 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Gino and IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora