2. The Green-Eyed Monster

125 4 0
                                    

2. The Green-Eyed Monster

"Hay, ano nanaman bang ginagawa mo dito?" super frustrated na buntong-hininga, care of Ria.

Sinimangutan lang siya ni Gino.

"Wag kang magrereklamo kung maingayan ka ah, bahala ka diyan." Kinuha ni Ria ang gitarang sukbit sa kanyang likod at ipinuwesto ito sa harapan nya. Nagsimula nyang kuting-tingin ang mga string nito.

Tiningnan sya ng masama ni Gino.

Na hindi naman pinansin ng dalaga at nagpatuloy lang sa pagbutingting.

"Marunong ka ba talaga nyan?" si Gino.

"Sampolan kita diyan eh."

Tumingin lang si Gino na may expression na "Wehhh?"

"Pag ako marunong ihahampas ko 'tong gitara sa'yo, deal?"

"Ang brutal amp! Ano ka ba, amazona ka rin ba? O Spartan??"

"Anong ginagawa mo dito?" deadpan na tanong ulit ni Ria.

Umiwas lang ng tingin si Gino.

"Hay nako, nagmumukmok ka nanaman ba dahil kay Mikay? Ilang araw na ba syang busy? Fourteen days? Dalawang linggo na. Kung ako sa kanya, forever na lang akong magiging busy kung ang kapalit naman nun ay mga araw na wala ka." Sabay tawa.

Inambahan naman sya ni Gino. "Kung di ka lang babae eh! Bwiset."

"Bakit, akala mo di kita papatulan? Ihahampas ko talaga 'tong gitara sa'yo."

Mga ilang minutong katahimikan ang lumipas bago basagin ni Gino ito. "Kasama nanaman nya si Jao."

"...o ngayon? Diba may importante silang event na ino-organize?"

"Oo nga, nandun na tayo eh, kaso araw-araw???"

"Alam mo ba kung anong ginagawa pag nago-organize ng event?"

"Hindi."

"Yun naman pala eh, bakit ka nagrereklamo? Pa'no kung mahirap pala talagang mag-organize, madugo. Yung tipong kelangan mong i-check every now and then ang set-up para lang maayos yung production? Pa'no kung nahihirapan pala si Mikay at hindi nya rin trip ang araw-araw na pagtulong sa kanila kaso wala siyang choice dahil naka-oo na sya?"

Natahimik bigla ang binata.

"Palibhasa kasi puro ikaw lang ang nakikita mo. Umalis ka na nga, nai-stress ako sa'yo!"

Tumingin na lang si Gino sa kanya, pero this time, hindi na masama. "Ang daldal mo." Sabay birada ng alis.

Naiwan si Ria na may pagnanasang bumasag ng kahit ano.

--

"Mikay, are you ok?" pag-aalalang tanong ni Jao habang inaalalayan si Mikay.

"Ok lang ako," ngiti ng dalaga, "nalipasan lang ng gutom."

Tumingin sa wristwatch nya si Jao at napailing, "Oo nga pala, 2pm na hindi pa rin tayo kumakain. Masyado tayong nag-enjoy sa pag-aayos nung event. Pasensya ka na Mikay..."

"Ayos lang Jao, hindi ko rin naman napansin ang oras."

"Sandali lang, tawagin ko lang si Han," ani Jao. "Han!"

Ilang saglit pa, lumapit na si Han sa kanila. "Yes, master Jao?"

"Han, pabili naman ng lunch natin please. Kumain ka na ba?" concern na tanong ng binata.

"Ah, ehehe, oo eh," nahihiyang sagot naman ni Han.

"Ba't di ka nagsasabi?"

"Eh masyado kasi kayong busy ni Mikay, ayoko kayong istorbohin," sagot ulit ni Han habang tinitignan ng nang-aasar na tingin si Jao.

Gino and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon