Chapter 3: Inside His Warm Arms

4.3K 91 0
                                    


TANARA'S POV

"Sigurado ka, Kate? Pagtatrabahuin mo ko sa Restau mo?" masayang tanong ko sa kanya.

"Oo nga." sagot naman nitong nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin.

"pero, Kate, anong magiging trabaho ko dun? Kulang ako ng kaalaman sa pagluluto eh." worried na sabi ko.

"Eh di magserve ng food sa mga costumers. Or ikaw ang magwewelcome ng mga customers na papasok total pak na pak ang beautiful face mo. Pagkakaguluhan ka ng boys!"

Napangiwi at napailing ako sa sinabi niya. "Alam kong bestfriend tayo pero ang pangit ng joke mo." naiiling na sabi ko.

Napatigil siya sa ginagawa at magkasalubong ang mga kilay na napatingin sakin. "Hindi ako nagjojoke. Totoong maganda ka, Tanara. Baby face ka kaya nga inggit na inggit ako sayo. Wag mo ngang e-dodown ng ganyan ang sarili mo."

"sabi mo eh." pagtatapos ko ng usapan para makaiwas na sa topic.

"Beshy, maganda ka. Sexy ka-"

"hep! Tama na. Sobra-sobrang joke na yan, Kate eh." naiilang ng maagap na saway at sabi ko.

Naiiling na napatingin siya sakin na parang naiinis. "Bigyan mo nga ng chance ang sarili mo na maniwalang maganda ka inside and out. Napakanega mo na eh. Para kang brokenhearted. Bitter! Yun nga lang bitter ka lang para sa sarili mo. Alam mo feeling ko kailangan mo na ng social life talaga. Sakto! Mamaya! Mamaya hehehe. Magparty-party tayo!"

"teka! teka, Kate ha? Alam mong wala akong pera. Diyos ko, Kate ayaw kong magmukhang tangang pulubi dun at hindi ako mahilig sa clubbing. No!" tarantang sagot ko na ikinumpas-kumpas pa ang mga kamay at kuntodo iling.

"hehe! Ang cute mo talaga, Beshy." natatawang sabi nito na lumapit pa sakin para lang kurutin ang mga pisngi ko. "Syempre hindi ka magmumukhang pulubi doon dahil mayaman ako. Magmumukhang tanga? Yun!" mapagbirong tukso nito na kinasimangot ko. "But don't worry, beshy. I will take care of you. Basta sasama ka lang."





----------> I lost control of her. She's so wild and crazy. Halos igapos na niya ako at halos hubaran na niya ako makapagbihis lang at makasama sa kanya. Nakakatakot na nga ang pagkakadesperada niya eh. Ilang ulit na rin namang nangyari ang ganitong pilitan pero..
ngayon lang talaga siya nagtagumpay.
Todo kapit ako sa braso ni Kate na akala mo batang mawawala habang nakangiwi ako sa napakawild na ingay ng tugtugan pagkapasok na pagkapasok namin sa sabi ni Kate ay pinakamatunog at sikat na club daw ngayon sa buong maynila. Nung una natakot ako dahil madalas na naririnig ko sa mga balita e yung mga club na nareraid ng mga pulis o kaya ay mga club na may nagsasayaw na mga hubad. Kaya lang pinagtawanan lang naman ako ni Kate dun. Sabi pa niya, 'gaga! e mga hostess club naman yun. Iba naman ang tinutukoy ko. Para ka talagang timang. Certified at legal na legal ang pupuntahan natin wala ka talagang alam!'

"dun tayo!" excited na hinila ako ni Kate sa mga stall at naupo kami don tapos ay nakipagnginitian siya sa lalaking nakaunipormeng siguro ay nagtatrabaho doon at umorder ng lady's drink daw ang narinig ko. Margarita echus yun eh!

Nakakahilo. Patagal ng patagal nahihilo na ako. Hindi sa iniinom ko, sa mga tao. Andami-daming lasing. Nababahuan ako sa ibat-ibang amoy ng alcohol at perfume na nalalanghap ko sa mga tao dito tsaka ang gugulo nila. Meron pa ngang parang magkakasuntukan nang mga lalaki tapos si Kate naman kung kane-kaninong lalaki nakikipagsayaw. Napahaba ang nguso kong napatitig ako sa inumin ko. Bore na bore na ako.

"Hi." kamuntik na akong mapatalon sa gulat ng may lalaking biglang tumabi sakin at bastang pinalibot ang braso sa beywang ko at preskong nginitian ako. "You look so bored, babe. Wanna go dance with me?"

Naiilang na napaasig ako palayo sa kanya at inalis ang braso niya kaya lang humigpit ang pagkakahawak niya sakin at dumiin ang katawan niya sakin. "sorry but please let me go. Hindi kita kilala."

"oh well, if that's the problem, I'm Kurt." enextend niya sakin ang isang libreng kamay niya. "And you are?"

"I'm really sorry but I'm not interested. Please let me go!" natatakot ng sabi ko dahil ayaw niya talaga akong bitawan. Nasasaktan na ako sa hawak niya at sa isip ko sinisigaw ko na ang pangalan ni Kate at saklolo!

"hey! come on, babe. Don't be shy. I just want to get to know you and, maybe, do something." makahulugang sabi nito sa dulo na lalong kinabahala at kinatakot ko.

"Just let me go!" naiiyak ng bulyaw ko pero niyakap na niya ako sa dalawang braso niya at doon ay para na akong pinapanday sa sobrang takot at napaiyak na talaga habang pilit kumakawala sa kanya.

"Let me go! Let me go!"

"Easy, babe! Pag di ako nakapagpigil masasaktan.."

"Do it and you won't be able to stand for the next five months of your life." anang baritonong tinig na bigla ay nagpatalbog ng puso ko. Tila ay nakikilala ko pa ang boses na yun ngunit hindi ko naman sigurado.

Dahan-dahang binitawan naman ako ni Kurt na tila ba ay nakakita ng demonyo dahil namumutla ito. Akala ko ay pakakawalan na niya ako pero hindi pa pala. "Pare, wag ka sanang makialam dito. Sa pagitan lang namin ng syota ko to eh." halatang nagtatapang-tapangang anito.

Nagulat na lang ako ng may humablot sakin mula kay Kurt at mailipat ako sa napakabangong malapad na dibdib habang pumalibot sakin ang mga brasong tila ay gusto akong alagaan at protektahan. Hindi katulad ng mga bisig ni Kurt doon ay nakakaramdam ako ng kapayapaan at sekyoridad. At ang init ng mga bisig niya. Ang sarap manatili na lamang at wag ng lumisan pa.

"you are insulting me for trying tn steal my woman." malamig na tonong sabi ng may-ari ng brasong nakapalibot sakin at narinig kong parang may mga kumalabog at tila ay napaigik at nasaktan si Kurt. "Throw him out." aniya uli at may sumagot sa kanya ng, "yes, boss."

Matapos ng ilang segundo o siguro minuto ay nangahas akong tingalain para masilayan ko na ang taong nagligtas sakin. Halos bumigay ang mga tuhod ko ng makilala ko ang tagapagtanggol ko.

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now