Chapter 25: Panganib

2.8K 44 0
                                    


TANARA'S POV

"Ito, beshy! Ito ang isukat mo!" kandaugaga si Kate sa mga damit na pinagkukuha niya at mga inaabot sakin. Walang choice na tinanggap ko ang mga yun at sinukat kahit pagod na pagod na ako. "Ito pa. Dali!"

Di ko mapigilang mapanguso at mapasimangot. "Andami-dami ko ng sinusukat, Kate. Pwede na ba tayong kumain?" nagmamakaawang sabi ko.

"ok. After this."

"but.."

"After this. Promise."

Walang nagawang bumalik ako sa pagsusukat. Naisipan kasi ni Kate na gumala at magmall kami today kahit may naiwan pa kaming trabaho. Unang sweldo ko daw kasi kaya dapat makabili kami ng mga 'in' sa mga fashion ngayon na mga damit ko. Para namang sinasabi niyang old fashion ako. >_<

"Yeheey!" kulang na lang ay mapaiyak ako ng pang-award winning nang magdesisyon si Kate na kumain na kami. Halos tumakbo na ako na may kasama pang pagtalun-talon dahil sa kaligayahan.

"Oh gosh! Busog na busog akooo!" maingay na sabi ni Kate sa way namin papuntang car park.

Katatapos lang kasi naming magjollibee. "Nasobrahan yata ako ng kain." reklamo pa niya at napatigil. "Goodness! I need to go to the cr, beshy!"

"Ehhh!" reak ko. Hindi sa sinabi niya kundi dahil.. "Ako rin! Mukhang kailangan ko din magcr!"

"Gosh!" maarteng reak niya at napatililis na nga kami dahil padating na! ..I mean palabas na. Kaya lang pila kaya matagal ang pinagdaanan naming kalbaryo bago lumigaya sa piling ng inidoro. Grabe lang!

Nauna akong matapos kaya pagkatapos maghugas ng mga kamay ko at patuyuin ito ay nagpaalam na akong mauunang lumabas. Habang papunta ng kotse ni Kate ay tumawag sakin si Alius.

"How are you, rabbit? My work is done so I'm going to you. Wait for me."

"wait? Ah.. eh.. ano, n-nandito nga pala ako sa parking area malapit--hmmph!" nagulat ako ng biglang may humawak sakin sa likod ko sabay takip ng ilong at bibig ko. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang celphone ko at napahawak ako sa kamay na may panyo na tumapal sa kalahati ng mukha ko. Hindi ko maiwasang malanghap ang kakaibang pabango na nakakahilo doon sa panyo habang pilit na nanlalaban ako. Kaya lang ay hawak niya ako ng mahigpit at unti-unting nanlalabo ang paningin at kamalayan ko. Sinubukan kong labanan ang kakaibang antok pero mabilis pa rin akong nilamon ng kadiliman at huli kong ala-ala bago ako pumikit ay ang sigaw ni Kate sa malayo. Pagkatapos nun hindi ko na alam.






COLT'S POV

"What the fuck, Cody! I told you to fuckin watch her and you just let that fuckin--"

"Hey! Hey! Chill man." nakangiwing sagot ko sa malakas na boses niyang parang babasag na sa eardrums ko sa sobrang lakas.

"Chill?! Are you fuckin telling me to chill you ass!"

"ok! ok I'm sorry! I'm keeping my eyes tight to them so please, calm down." sagot kong mabilis na lumiko ng lumiko rin ang kotseng sinusundan ko. Sakay nun ang taong dumukot kay Ms. Tanara Carlos na mahigpit na pinapabantayan sakin ni Alius. Damn! It's not really my job to protect her but since Alius is my friend napasubo ako sa hinihinging favor niya sakin since hindi yan marunong magtiwala sa ibang tao.

"Cole, you better not lost sight to them."

"I know. I know. I'm sending you my GPS so you can follow me and back me up for a help."

"Fucking do it!"

"Yeah-" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabreak ng may dumaang balbong tuta sa daan. May tali pa ito at mukhang nakawala sa amo. "Shit!" matunog na napamura ako at mabilis na eni-start uli ang kotse. Pero kung aabutin ka pa ng mas malalang malas eh dumaan ang isang matandang halos hindi na makahakbang sa katandaan na mukhang may-ari ng tuta. Tinawag nito ang tuta at sa mismong harap pa ng kotse niya ito tumigil. Natatarantang umabante siya at gumilid paiwas sa matanda dahil nawala na sa paningin niya ang sinusundang kotse. "Damn!" Kapag maiwala ko si Ms. Tanara ay tiyak na hindi lang siya ang manganganib kundi pati ang buhay ko. Binilisan ko ang takbo ng kotse at pilit hinanap ang nawala sa paningin kong sasakyan.

"What the fuck is going on?" boses ni Alius sa kabilang linya.

"uh.. I'll call you later." mabilis na pinatay ko ang tawag. "Damn! Where are you?!" hindi na ako mapakali habang mabilis na nagmamaneho.







KATE'S POV

Halos iniluha ko na lahat ng luhang mailalabas ng mga mata ko. Halos dasalan ko na ang lahat ng santo, si Papa God at Papa Jesus. Pero hindi pa rin mapawi-pawi ang kaba at takot na nararamdaman ko. Nandiyan pa din ang grabeng pag-aalala dahil sa alam kong nanganganib pa din ang bestfriend ko. Maski nga si Simon inalayan ko na ng pagkaing may kandila at dinasalan baka sakaling malakas siya sa Santo ng mga aso at yung santo ng mga aso marinig ang mga dasal ko at kausapin niya ang diyos para matulungan kaagad si beshy, maprotektahan. Kaya lang parang naasar naman si Simon at galit na tinahulan ako. Parang may galit at hinanakit siya sa mga kandila dahil ang sama ng pagkakatitig niya sa apoy ng kandila. Tapos tiningnan niya ako ng masama at tinalikuran ako. Simon!  (T_T)

Devoured by the beastजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें