M.U

81 1 0
                                    

Sa henerasyon natin ngayon, uso na talaga ang M.U, 'yon bang gusto n'yo ang isa't isa, sweet kayo kong maka asta eh parang kayo na pero hindi.. Wala kasi kayong label dalawa.

Gusto n'yo ang isa't isa pero hindi kayo mag jowa. Gusto n'yo ang isa't isa pero walang salitang "kayo" na nakalista.

Hindi mo alam kung mag seselos ka sa t'wing may kasama siya. Hindi mo alam kong may karapatan ka bang mag selos sa taong parang mukhang kalandian niya. Hindi mo alam kong dapat bang ipag sigawan na mahal mo siya?

M.U? 'Yon bang kayo pero hindi naman pala.
M.U? 'Yon bang ikaw at siya pero walang kayo.
M.U? 'Yon 'yong sitwasyon naming dalawa.
M.U? 'Yon 'yong nakapawasak sa puso ko.

Madrama na kong madrama, pero ang hirap maging babae lalo na't torpe ang lalaki. 'Yon bang M.U kayo pero hindi naman siya gumagawa ng paraan para maging kayo.

Kong gusto mong maging tayo, tanungin mo ako. Hindi 'yong nag aaminan, nag a-i love you-han pero walang relasyon ang nakalaan.

Kunting diskarte naman, man! Upang utak ko'y hindi na magulohan.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now