First Love [ONE SHOT]

1.3K 53 32
                                    


(dedicated to sa isang special friend ko. not only here in wattpad but also in person. her name is Ehlah. try to read her stories too. thank you. her username is @simplyellie)


 First Love [ONE SHOT]


Para sa iba, madaling sabihin ang salitang move on. Madaling sabihin ang salitang kalimutan mo na siya may mas hihigit pa sa kanya at may mahahanap ka pang iba. Eh asdfghjkl pala! Kasi in the first place, hindi naman sila yung nasaktan diba?


Kung magpalit kayo ng pwesto? Ikaw ang nasaktan at sabihin sayo yon? anong mararamdaman mo?


Ikaw ang naiwanan at nawalan, anong mararamdaman mo?


Kahit pilitin mo mang kalimutan ang isang bagay, hindi mo to basta basta magagawa lalo na kung malaki ang naging parte nito sa buhay mo.


Madaling magsalita, pero mahirap isagawa.


"Tears are words too painful for a broken heart to speak."


Ako si Sheena Mortiz, at ito ang kwento ng buhay ko.


Naranasan mo na bang mahusgahan? Pilit na iniintindi ang bawat tao kung bakit ganoon nalang kababa ang tingin nila sa iyo? Kahit pilitin mo mang makihalubilo at magpakita ng totoo sa kanila ay pananakit ng damdamin parin ang isinusukli nila sayo? Kahit anong pilit mong pagtayo ay hinahatak ka padin nila pababa? Ako siguro masasabi kong oo. 


Kasalukuyan akong nag-aaral sa isang pribadong paaralan. Kolehiyo na ako at ang kinukuha kong kurso ay tourism. Nung una, wala naman talaga akong balak na ito ang kunin ko.


HRM talaga ang pinakagusto ko sa lahat. Dahil hilig ko ang pagluluto. Gusto kong madevelop ang kakayahan ko sa pagluluto dahil alam kong makakaya ko ito. Pero dahil nadin sa dami ng kumukuha ng kursong ito ay naisipan kong magpalit na lang. Kaya napunta ako sa industriya ng tourism.


Malaki ang ipinagbago ko simula ng ako'y tumuntong ng kolehiyo. Maraming nakapansin nito. Miski ako sa sarili ko alam ko na malaki ang ipinagbago ko. Siguro dahil nadin sa mga sakit na naranasan ko noong high school pa lamang ako.


Sa sitwasyon ko noon? Ibang iba na talaga ako ngayon. Kung dati ay isa lamang akong ordinaryong babae na walang nagagawa kundi tumahimik at umiyak dahil sa naririnig mong masasakit na salita na nanggagaling mula sa mga tao na kung umasta ay perpektong nilikha ay iba na talaga ako ngayon.


Natuto akong lumaban ng dahil sa kanila. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko sa paraang alam ko na tama.


Dati, ang tingin nila sakin babaeng walang problema. Nakikita nila sa akin? babaeng nakangiti palagi. at babaeng masayahin, masarap kasama. yun ang tingin nila sa akin. Ganoon padin naman ako ngayon. Ang pinagkaiba lang, natuto akong mas maging matatag ngayon.


Sa pamilya? masaya ako sa pamilya ko. Wala na akong maihihiling pa. Kahit ang mga magulang ko ay seperado, hindi ako nagtanim ng anumang hinanakit sa kanila. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi na nila magagawang magsama pa? Ano nga ba ang karapatan ko para magsalita sa kanila? Anak lang ako.

First Love [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon