Chapter 1. [She's back]

Mulai dari awal
                                    

"Pasensya na po talaga kayo kanina Ma'am kung hindi ko kayo agad nakilala. Ibang iba na po kasi kayo ngayon dati bubwit ka pa, ngayon parang dinaig niyo pa ang isang international model. Hindi ko nga lubos maisip na wala pa kayong asawa ngayon o di kaya boyfriend."

"Hindi naman po ako nagmamadali diyan manong, kusa nalang po yan darating sa buhay ko. I'm still waiting for that someone to come." paliwanag niya.

"Wag po kayong mag alala, darating din ang taong magpaparamdam sayo na ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay niya." komento nito. Napangiti siya sa sinabi ng kanyang driver. She was touched with those words!

Ilang sandali ay papasok na sila sa dating mansiyon. Miss na miss na niya ang kanilang bahay. Hindi na niya mapigilan ang excitement na nadarama niya. Halos nakikita niya na rin ang Dad at Mom niya na nagaabang sakanyang pagdating. Ilang sandali ay huminto na ang kotse at agad siyang lumabas.

"Anak ikaw na nga!" rinig niyang sambit ng Inang si Elaine. Agad siyang tumakbo at niyakap ang kanyang Mommy.

"Oh Mom! I miss you so bad!" pagkatapos niyang yakapin ito ay agad niyang binalingan ng tingin ang kanyang Daddy na matiyagang naghihintay sa mahigpit rin niyang salubong na yakap!

"Dad!" Halos maluha luha na niyang sambit. "I miss you so much Dad!" niyakap siya nito ng buong higpit.

"Sobrang namiss namin ang aming unica hija, you don't know how lonely we are here in mansion iha. Ang laki laki ng bahay pero napakalungkot dahil wala ka rito pero ngayon nandito ka na, kumpleto na ulit tayo. napagdesisyunan namin na hindi ka na pwede bumalik sa states. Dito ka na muli hanggang sa makapag asawa at mag ka apo na kami." napangiti sabi ng kanyang Daddy Vien.

"Dad, ayaw niyo na ba sakin? bakit parang ipinapahawatig niyo na kailangan ko na mag-asawa?"

Nagkatinginan naman si Vien at Elaine.

"Hindi naman iha. You know hindi mo naman maalis sa amin ng mommy mo na sabik na sabik na rin kami magka apo, Tumatanda na rin kami iha. You know what i mean." ngiting ngiti pa sabi ni vien sa anak.

"Dad! Ni wala pa ho akong boyfriend tapos apo na ang nasa isip niyo! Dad naman!" pagmamaktol na sabi ni Pam. What on earth! Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Sa ngayon, Wala pa talaga sa isip niya ang mga ganoong bagay.

"Relax iha. Magpaligaw ka naman! Ayoko naman tumanda kang dalaga!"

"Dad! Hindi ho ako papayag na abutan ako ng wrinkles sa mukha, Don't worry. Sooner dad, when i truly found the man for me at sinong magmamahal sakin ng tunay. Ayoko na po masaktan because of a wrong guy na akala ko siya na talaga. Hindi naman minamadali yan."

"Tama naman si Pam Vien." nakangiting sabi ni elaine sa asawa.Inakbayan naman ni Vien ang asawa.

"Right, It's just sabik lang ako magka-apo na. Pasensya na kayo. Pumasok na tayo sa loob dahil medyo mainit na rin dito sa labas. i think the food is already served, pakicheck nalang honey, Kakain na tayo dahil baka nagugutom na rin si Pam. Kumain ka ba anak?"

Umiling naman si Pam. Medyo nagugutom na rin siya. Nakalimutan niyang kumain sa loob ng eroplano. Tinatamad siya mag order mas gusto niya pang matulog nalang sa mga oras na iyon.

"That's Good. Siguradong masasarapan ka sa mga pinahanda ng mommy mo. So let's go inside."

Pumasok na rin sa loob si Pam. Medyo naging modern na ang style sa loob ng kanilang bahay. Newly painted ito at may malaking family picture frame na naka portait sa malawak nilang dingding na madaraanan sa kanilang hagdan.This picture was taken 3years ago bago umuwi ang kanyang parents sa pilipinas.

Umakyat na si pam sa kanyang kwarto at dahan dahan niyang binuksan iyon. Napangiti siya ng makita na ganoon pa rin ang ayos ng kanyang kwarto. It's still the same may konting renovations lang at ini-enhance lang ulit ang wall painting ng kanyang kwarto.Inilagay niya ang kanyang bag sa kama at parang batang tumalon dito.

TNPR Book 2: Love will lead us BackTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang