Catch Me, I'm Falling [One Shot]

466 18 5
                                    

This is dedicated to one of my idols. Yieee :) Kay ate Candy :D Grabe, pinakilig nya ako ng bonggang bongga sa We are Married?! nya. Kilig ako kina Lawrence at Noneen. Sana ako nalang si Noneen. Hahaha. 

Anyways, first one shot ko to. Sana magustuhan nyo :)

[ Ons Shot ]

“Lexi!’ narinig kong sigaw bago ako bumagsak sa dibdib ng kung sino.      

“Aray…” mahina kong daing saka umupo at tinignan ang sumagip sa akin. Agad akong napangiti ng makumpirma kung sino iyon, “Andrew.”    

“Hoy, ano ka ba?! Lagi ka nalang nahuhulog. Mag ingat ka nga! Baka mapano ka pa!” sermon ni Andrew sa akin matapos nyang bumangon. Pagkatapos ay sinuri nya ako, “Ayos ka lang ba?”    

Lalo akong napangiti dahil mababakas sa kanyang mata at tinig na nag aalala talaga sya sa akin, “Oo. Salamat.”     

Nang masiguro nyang ayos lang talaga ako ay ngumiti na din sya at pagkatapos ay tinulungan nya akong tumayo.    

“Tuloy na natin ang paglilinis,” aniya nya ng maitayo ako. “Ako na ang bahala dito,” sabi pa nya saka agad na tumuntong sa isang upuan at sinimulang linisin ang electric fan na nasa kisame.  

Hmm… Magpapakilala nga muna ako. Ako si Lexi Mae Trinidad. Simpleng babae lang at may pagka clumsy. Pano ko nasabing clumsy ako? Lagi nalang kasi akong nahuhulog, nadudulas, o di kaya’y nadadapa.         Oh diba, ang clumsy ko. -.-‘    

Yung lalaki namang sumagip sa akin, si Mark Andrew David yun. Classmate ko at close friend ko. Sya ang ‘Catcher’ ko kasi sya nalang lagi ang sumasalo sa akin everytime na mahuhulog ako.

Tulad kanina, habang nililinis ko ang fan at nakatuntong ako sa upuan, na out of balance ako at nahulog. Buti nalang andiyan si Andrew at sinalo uli ako kaya naman sa dibdib nya ako naglanding at hindi sa matigas na sahig.    

Pero how I wish, pati puso kong nahuhulog sa kanya ay saluhin nya. Matagal na kasi akong may gusto sa kanya.    

Everytime na sinasalo nya ako, nahuhulog naman ang puso ko sa kanya.    

Hindi ko naman masabi sa kanya na ang nararamdaman ko kasi natatakot ako na layuan nya ako. Ayoko nga nun! Mas gusto ko ng ganto kami kaysa naman iwasan nya ako, noh? Saka isa pa, dalagang Filipina ako. At bilang dalagang Filipina, aantayin kong syang maunang magtapat sa akin. Pero ang tanong, dadating pa ba yung time na iyon? :(     

Hay! Kaka-stress! Magkapagwalis na nga lang nang matapos na din kami. Nililinis kasi namin ni Andrew ang room. Parusa namin ito kanina kasi wala kaming assignment sa Math. Pareho kasi kaming haters ng Math. Ang hirap naman kasi ng subject na yun. -.-“    

Maya-maya pa ay natapos na kame sa paglilinis.    

“Tara na,” yaya ni Andrew sa akin.      

Tumango naman ako saka tinignan ang cellphone ko.    

One Message Receive

Binuksan ko iyon,

From: Cedric

Babe, sorry di kta msusundo naun. May training kme eh. Ingt ka nlang.

Napabuntong hininga nalang ako. Si Cedric , boyfriend ko yun. Ang labo ko noh? Ang mahal ko si Andrew pero boyfriend ko naman si Cedric.    

Ie-explain ko nalang. Ganito kasi yan, matagal na akong may gusto kay Andrew pero mukha namang wala syang gusto sa akin at hanggang kaibigan lang ang tingin nya sa akin. Kaya ayun, I decided to move on. Yun ang dahilan kung bakit ko sinagot si Cedric. I was hoping that he can help me. Umaasa akong maisasalin ko ang nararamdaman ko kay Andrew sa kanya.      

Catch Me, I'm Falling [One Shot]Where stories live. Discover now