"Hindi na kita, hindi ko alam kung sino ka na!" Bulyaw ko sakanya.
"Anong sinasabi mo dyan? Hindi kita maintindihan". Sambit niya saakin.
"Hindi ko akalain na ninais mo pala akong ipagpalit ng dahil lang sa pera na yan? Dahil sa kayamanan at kasikatan!" Pasigaw kong sabi sakanya.
"Saan ba nanggagaling 'yang mga sinasabi mo? Anon ba kasi ang iniisip mo?" Nagtataka niyang tanong.
"Hindi pa ba halata sayo? Kinalimutan mo na mayroong katulad ko na nag eexist sa buhay mo na nababalot ng kasikatan at paghanga ng mga tao. Hindi ko kilala kung sino ka na? Kasi ang taong minahal ko noon ay hindi ganyan!!" Pagtatapat ko saknya.
"Kalokohan yan, Ella. Ako pa rin naman ito e. Ako pa rin ang minamhal mo, ako pa rin si Kookie, ikaw pa rin ang Nutella ko". Sabi niya saakin
Hindi na ako nakapagsalita at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kapag ganun ang sinasabi niya. ewan ko lang kung bakit nakikita kong sweet yung mga sonasabi niya.
Unti-unti siyang lumapit saakin, kaya lang nang yayakapin na niya ako, nakaramdam ako ng pagkahilo. Pakiramdam ko ang gaan-gaan ko at babagsak ako sa ulap. Hanggang sa unti-unti ng nagdilim ang paningin ko.
Ayana na muna sa ngayon kasi gusto kong magkaroon na ako ng Jungkook fanfic kahit on-going pa rin ang Jimin at Jhope fanfics ko 😂 Salamat kung may nagbabasa na nito.
YOU ARE READING
Boy With Luv (On-Going)
Fanfiction"I'll be the person who makes you smile. The person to share your happiness. True happiness is you being next to me. Right at this moment". -Ella
